Chapter 13

491 13 0
                                    

Mabilis kaming nakarating sa amusement park, skyranch ang napagdesisyonan na puntahan namin para maraming rides ang masakyan namin.

Habang nag-lalakad kami madaming napapalingon sa katabi ko agaw atensyon ba naman kasi ang kanyang dating tila para siyang isang greek goddess na galing libro,tapos ako itong kasama niya parang yaya niya lang dahil sa itsura ko.

Ramdam ko din sa ibang babaeng nakatingin kay Atlaz ang inggit pero hindi ko na sila pinapansin bakit sino ba sila para pansinin ko.

Wala pang ilang minuto nakarating din kami sa bilihan ng ticket susunod na sana ako kay Atlaz para sumama sakanya pumila pero pinigilan niya lang ako at sinabi na mag stay na lang daw muna ako rito at hintayin ko na lang siya para hindi ako mahirapan...oh pak diba may pa ganun.

Siguro kung matagal na kami mag-kakilala ni Atlaz lagi akong ililibre niya halata na galante siya eh,hindi katulad nung pinsan niya na pinag-lihi sa sama ng loob kung makasigaw sa'kin akala mo makakapatay na sa itsura niya kapag ka sumisigaw siya.

Hindi din nag-tagal si Atlaz sa pila at mabilis siyang nakabili ng ticket para mapasok kami sa loob at para na rin sa mga rides,pagkalapit niya inabot niya na din kaagad ang ticket nang tignan ko ito nagulat ako sa presyo ng ticket tapos halos lahat ng rides pwede naman sakyan.

Paniguradong aabotin kami nito ng gabi kapag ka tinapos namin lahat ng rides alas-kwarto pa naman na kaya panigurado pero ok lang atleast ma-eenjoy ko para isahang sermon na lang mamaya kapag ka uwi namin.

Nag-lakad na rin kami papunta sa entrance ng skyranch at bago kami tuloyan makapasok sa skyranch tinatakan muna kami ng guard doon at pinapasok na kami ng tuloyan.Nang tuloyan na kami nakapasok namangha ako sa mga nakikita ko.

Ang ganda rito!

Madami na rin akong napuntahang mga amusement park pero iba ito ang ganda as in hindi ka mag-sasawa sa ambiance ng lugar,pag-pasok pa lang makikita mo na kaagad ang ibang rides madami ding nag-titinda sa gilid-gilid.

"Ang ganda rito!"manghang kong wika habang masayang nakatingin sa mga rides.

"Yeah...it's really beautiful"narinig kong saad ni Atlaz nilingon ko ito at nahuli ko siyang nakatingin sa'kin na may ngiti sa kanyang labi tila tuwang-tuwa sa sinabi.

Napaiwas agad ako nang tingin dahil hindi ko kinakaya ang kanyang mga tingin sa'kin baka pag ka nakipag-titigan pa ako sakanya mahulog ako...

No...hinding-hindi pwede akong mahulog sa pinsan ni Damian dahil siya lang ang gusto ko hindi dapat ito mangyari baka kung anong mangyari sakanya kapag ka tulayan na kong mahulog sakanya.

Hindi ko dapat ito nararamdaman siguro na gwa-gwapohan lang ako sakanya kaya ganto ang feeling ko ngayon pero si Damian parin ang aking gusto..no mahal oo tama mahal ko na siya.

"Lets go?"pag-aaya ni Atlaz ramdam ko pa rin ang kanyang mga tingin sa'kin  kaya tumango na lang ako dahil hindi ako makapag salita baka kung ano pa masabi ko.

"Saan gusto mong sumakay?"tanong niya sa'kin habang nag-lalakad lakad kami kaya nilingon ko ito naka tingin na ito ngayon sa paligid.

"Sa roller coaster!"sagot ko habang nakaturo kung nansan ang roller coaster

"Are you sure?"he asked while looking where I was pointing.

"Oo naman ano,sure na sure ako paborito ko kayang rides yan!"pag-yayabang ko.

"Ok,lets go"hinila niya na ako kaagad papunta sa pili ng roller coaster at pumila na rin medyo mahaba ang pila ngayon at puro couples din ag nakikita kong naka pila na nasa harapan namin ang sweet pa nga nila eh edi sana all sainyo!

J'attendrai Series #1 (on-going)Where stories live. Discover now