Chapter 12

500 13 4
                                    



Natapos na ngayong araw ang klase namin,hindi ko na pala nasabi kanina kay Lith iyong nangyari kanina dahil kasama namin si Atlaz mag lunch.

Ang killjoy ng university namin ngayon wala man lang ganap kahit mapa program o di kaya mga booths man lang wala rin kaya ang boring ngayong valentines day rito sa university ngayon.

Madami tuloy nag-rereaklamong estudyanta bakit raw walang ganto ganyan ngayon hindi na lang daw muna pinag-bigyan mga studyante para makapag-enjoy kami.Wala naman naming magawa dahil malapit na ang exam namin.

Kaya mas pinagfocus ang mga studyante sa pag-rereview at pag lelesson baka raw din babawi sila pag katapos ng exam  sabi ng ibang classmate namin na chismosa and chismosa wala pa nga sinasabi iyong dean namin.

Ang dami rin pinapapasa saming requirements kaya siguro din hindi sila nagpa activity or program.

Pero ok lang kung wala atleast may kadate naman ako mamaya naeexcited na tuloy ako ngayon para sa mga mangyayari mamaya sa date.

Pag labas namin ng classroom ni Lith naabutan namin si Atlaz na nag hihintay roon habang naka sandal sa pader ng classroom namin.

Lumapit kami rito ng kaunti at binati ito.

"Hi Atlaz!"masayang pag-bati ko.

binati din ito ni Lith at binati rin niya kami pabalik.

"Oh hi nandyan na pala kayo"nahihiya niyang pag-bati.

"Kanina ka pa ba naghihintay rito?"tanong ko sakanya.

"Hindi naman masyado mga 30 minutes pa lang naman"sagot niya.

"Sorry,medyo natagal yung pag-labas namin dami pa kasing tinuro at pinagawa iyong sub teacher namin sorry talaga"pag-hihingi kong paumanhin medyo nahiya pa ako dahil ang tagal din ng 30 minutes noh.

"It's ok Farah,I will wait for you no matter how long I have to wait as long as you"seryoso niyang wika.Kaya naitikom ko ang aking bibig sa narinig mula sakanya.

Hindi ko inaasahan yun na sasabihin niya ang layo talaga nagpagkakaiba ni Damian at Atlaz.

"Ayieee!"mahinang bulong ni Lith sa tabi ko, kaya tinignan ko ito ng masama pero tinawanan lang ako nito.

"U-uhmm..."hindi ko alam ang isasagot ko.

"Farah"tawag atensyon ni Lith kaya tinignan ko ito ulit at tinaasan ng kilay.

"Mauuna na pala ako baka hinihintay na ako ng kadate ko"paalam nito.

Tinanguan ko lang ito at nginitian.

"Sige iingat!,good luck sa date mo"wika ko.

"Good luck din sa date niyo"balik nito sa'kin at kinindatan pa ako.

"Mauuna na pala ako Atlaz"pag-papaalam nito sa lalaking nasa harapan namin.

"Ok,take care"saad nito.

"Alagaan mo yang bestie ko kapag ka may nangyari diyan ikaw una kong hahauntingin tamo"pananakot ni Lith.

"No problem Lith i will take care your bestie"nakangiti nitong saad.

"Babye!"pag-papaalam nito kinindatan pa ako nito bago tumalikod at nag-lakad pa layo sa pwesto namin.

Hindi na ako nakapag babye kay Lith dahil mabilis itong nakalayo samin halatang excited sa date nila nangmanliligaw niya na ubod ng yaman.

J'attendrai Series #1 (on-going)Where stories live. Discover now