Kinabukasan...
Maaga akong pinatulog nila kuya kagabi kaya nakapagpahinga din ako ng maayos hanggang ngayon masakit parin ang tagiliran ko pero kaya ko naman tiisin.
Yung pananakit niya nga kaya kong tiisin ito pa kaya mawawala din kaagad yung sakit.
Tulala akong nag-aalmusal ngayong umaga habang naman sila mama at papa mukhang seryoso ang usapan halata sa mga mukha nila ang pagiging seryoso.
Siguro dahil nanaman iyon sa negosyon namin kaya napaka seryoso ng mga mukha nila habang nagkwekwentohan.
Tatlo lang kasi kami ngayon nag-aalmusal maaga daw umalis sila kuya dahil may mga importante daw aasikasohin.
Iyong mga tuta naman kagabi ay nasa kwarto ko iniwan doon ko daw muna sila ilagay tsaka na lang ibaba kapag nataas na iyong ibang gamit sa sala baka raw kagatin nila.
Si mama na raw ang bahala sakanila magpakain kaya wala na kong proroblemahin pa kapag ka iniwan ko sila sa kwarto at baka raw mamaya ilabas sila ni papa ilakad-lakad niya daw para makagala naman daw dito samin.
Nang matapos na ako kumain nag-paalam na din ako kanila mama na aakyat para makapag bihis na ng pampasok namin ng matapos ako dali-dali rin akong bumababa.
Nagpaalam na ako kaagad kanila mama ng makita ko sila sa sala at baka malate ako ng pasok madami pa naman akong kasabayan ngayon pumasok kaya baka kapag ka mamaya pa ko umalis lalo pa kong malate sa klase namin.
Mabuti na lang talaga at walang masyadong traffic kaya maaga akong nakapasok ng campus, dumeretso na rin ako kaagad sa classroom namin pagkapasok ko kaunti pa lang ang mga classmate ko na rito ngayon.
Kahit si Lith ay wala pa siguro na traffic iyon mag-kaiba kasi kami ng dereksyon ng bahay mas traffic sa dadaanan niya kaysa saamin.
Oo nga pala hindi ko muna nilutuan si Damian ngayon hindi pa kasi ako nakakapamili ng mga lulutuin ko para sakanya siguro mamaya or bukas na ko mamalengke kapag ka walang masyadong pinagawa samin.
Nakatulala ako ngayon at iniisip ang mga nangyari kahapon sa parking lot ng bigla...
"Bulaga!!"
"Ay pisteng yawa"bigla akong napamura sa gulat.
Nang lingonin ko ito nakita ko si Lith tumatawa nakahawak pa sa tyan niya ang dalawa niyang kamay kulang na lang humiga siya sa sahig kakatawa.
Sinamaan ko siya ng tingin kaya natigil ang tawa nito pero halata sakanya niya na pinipigilan niya parin ang tawa niya.
Umupo siya sa tabi ko na pigil parin ang tawa kaya inirapan ko siya, sumeryoso lang siya nung makita niya ang prof namin na papasok na ng classroom namin.
Natapos ang una naming subject kaya ngayon nakatunganga ako at iniisip ko kung ano ang pwede kong gawin ngayon kasi matagal pa ang susunod naming klase.
YOU ARE READING
J'attendrai Series #1 (on-going)
RandomFarah Lavinia Morris, a woman with a heart as vibrant as the wildflowers she loved to paint, found herself drawn to a man who challenged her spirit. He pursued her relentlessly, his passion a whirlwind that both captivated and intimidated her. Despi...