Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar puro puti ang aking nakikita pag-kadilat ko may mga naririnig pa kong boses na pamilyar sa'kin na kumpirma ko na sila ng tuloyan kong idilat ang aking dalawang mata.
"Nasan ako?"tanong ko sa mga taong lumapit sakin.
"Farah,gising kana ano nararamdaman mo?may masakit ba?"sunod-sunod na tanong ni mama sa'kin.
"Tatawagin ko lang ang doktor"saad ni kuya Laxus at lumabas na ito ng kwarto.
"Nasa ospital ka ngayon anak"nag-aalalang sabi ni mama.
"Ok na ba ang pakiramdam mo?"alalang tanong naman ni papa sa gilid ni mama.
"Medyo nahihilo pa po ako pero kaya ko naman na"simple kong sagot.Naka hinga sila ng maluwag sa sinabi ko kaya nawala ang pag-aalala sakanilang mga mukha lalo na si mama na ramdam ko na kanina pa nag-aalala sa'kin simula tulog ako.
Natigil ang pag-uusap namin ng makabalik na si kuya Laxus kasama ang isang babaeng doktor na nakasunod sakanya.Lumapit din kaagad ang doktora sa'kin.Bago ako nito chineck nag-pakilala muna ito sa'kin.
"Hi Farah,I'm Dra.Zariyah ako nga magiging doktor mo ngayon."pag-papakilala nito sa'kin.Tumango ako at ngumiti sakanya.
"May masakit pa ba sayo?"tanong nito sa'kin.Umiling lang ako at sinabing.
"Medyo nahihilo na lang po ako ayon lang po pero kaya ko naman na po"magalang kong sagot.Medyo nawawala na rin ang sakit ng ulo ko kaya baka mas maaga akong palabasin ng ospital.
Pag-katapos akong tanongin ng iba pang katanungan chineck pa ako nito ulit habang chineck ako ni Dra.Zariyah napansin ko ang titig ni kuya Laxus sakanya mukhang pumapag-iba na ang kuya ko ah.
"Uhmm...Doktora ask lang po kung mag-kakilala na kayo or nag-kita na kayo ni kuya Laxus grabe po kasi siyan makatitig sayo kanina pa eh"bulong ko sakanya medyo nahiya pa ako ng tumawa ito ng mahina at hinamplos ang aking buhok at nginitian.
"Yes,matagal na kami mag-kakilala ng kuya Laxus mo classmate ko kasi siya noong high school kami kaya kahit hanggang ngayon mag-kakilala kami dahil laging nag-aaya mga kaibigan namin kaya halos every week kami halos mag-kita"mahabang kwento nito sa'kin habang naka ngiti parin.
"Last question po may gusto ka po ba kay kuya Laxus?"nabigla ito sa tinanong ko kaya hindi siya kaagad nakagalaw nung nakabawi na siya sa pagkagulat umiwas ito kaagad ng tingin.
"Yieee si dorktora pumapag-ibig na"mahinang asar ko sakanya.Nahihiya naman itong tumawa sa pangaasar ko sakanya.Kahit ilang minuto palang kami magkakilala ni Dra. Zariyah ang gaan agad ng pakiramdam ko sakanya.Sana sila endgame ni kuya Laxus kapag ka hindi ipipilit ko.
"Ngayon pa lang doktora tanggap na kita kaagad"pangaasar ko sakanya.
"Ano ka bang bata ka!"sabay tawa nito na mumula na aang kanyang pisnge sa kahihiyaan pero tinawanan ko lang ito nag-excuse na rin ito kaagad dahil may susunod pa siyang pasyente na aasikasohin.
"Pwede ka ng makalabas mamaya pero mas maganda kung bukas kana umuwi para makapagpahinga ka ng maayos"
"Okay po doc!"masigla kong wika,bumabalik na rin ang lakas ko dahil kay doktora napasaya niya ako sana mag-tuloy tuloy na ang pagigising masaya ko yung wala bang sakit namararamdam.
"Mauuna na ako marami pa kong pasyenteng pupuntahan"pag-papaalam niya sa'kin
"Babye Doc. sana sa susunod na pag-kikita natin sa bahay na"lalo kong pangaasar sakanya may halo pang kilig kinindatan ko pa siya bago siya tuloyang ito makalabas ng kwarto ko.
YOU ARE READING
J'attendrai Series #1 (on-going)
RandomFarah Lavinia Morris, a woman with a heart as vibrant as the wildflowers she loved to paint, found herself drawn to a man who challenged her spirit. He pursued her relentlessly, his passion a whirlwind that both captivated and intimidated her. Despi...