Napatulala ang bulaklak,
Sa mga narinig na salita.
Hindi maipinta ang bulwak
Ng luha sa kanyang mga mata.
Nag-iisip at nagbabakasakali,
Na magising sa panaginip.
Naiinip at hindi mapakali,
Dahil sa mga pumapasok sa isip.
Sinasampal ang sarili,
Sakaling mahimasmasan.
Hagulgol ng damdaming,
Hinding-hindi maiibsan.
Tanggapin ang nangyari,
Hayaang sakit ang maghari.
Ang lahat ay babalik din,
Pero hindi na gaya ng dati.
-Mr. Pride
NATT CONDOMINIUM: ELITE LEVEL
[September 2, 2018 | 8:30 pm]
Ang Natt Condominium (Dating: Floret Tower) ay isa sa pinakamataas na istruktura sa lungsod ng Maynila. Ito ay pagmamay-ari ni Nathaniel Gregorio at ng kanyang pamilya. Ang condo na ito ay may taas na 250 metro at mayroong 73 palapag.
Naging sikat ang condo na ito dahil sa naging isyu sa mga nakaraang pangyayari. Nagkaroon ng usap-usapan na ang ilang residente rito ay biglang nawawala. Ang iba ay matatagpuan ngunit patay na, 'yung iba naman ay patuloy pang hinahanap.
Gayunpaman, nananatiling matagumpay at mabenta ang condo. Marami pa rin ang pinipiling manirahan dito.
"Pride, Greed, Lust, Gluttony, Envy, Sloth and Wrath are the seven deadly sins in Dante's Purgatory. However, the original and most serious of the seven deadly sins on almost every list is Pride."
'Ang nagsasalita ay si Daisy. Siya ay labimpitong taong gulang. May tangkad na 5'10 at mayroong buhok na umaabot sa kanyang baywang. Si Daisy ay may hugis-pusong mukha at bumabagay ito sa slim niyang katawan. Medyo singkit ang kanyang mga mata na umaayon sa tamang laki at hugis ng kanyang ilong. Mayroon siyang mapulang labi at maputing balat.'
Nakadapa ako ngayon sa higaan ko habang nagbabasa ng libro. Binabasa ko ang Circles of Hell ni Dante Alighieri. It's one of my favorite books kaya paulit-ulit ko siyang binabasa. Besides, ito rin ang hinanda kong topic para sa debate bukas sa Filipino Subject namin.
So, Pride is the Superior? Okay. It makes sense naman. If we are prideful, nagiging sakim tayo sa kayamanan, tayo ay nagiging madamot at makasarili sa ating ari-arian, naghahangad pa tayo ng mas malaki at mas maraming bagay, tayo ay nagiging matakaw at masiba sa ating ginagamit at kinakain, nagseselos at naiinggit tayo sa ibang tao, tayo ay nagiging tamad dahil akala natin ay ayos na 'yung ginawa natin at nagagalit tayo sa mga lumalamang sa'tin.
Napatihaya ako at tumitig sa kisame, "Masyadong boring para sa isang tao kung sobra siyang mapagkumbaba. I want to meet someone na makikita ko pa lang siya, Pride na agad ang papasok sa isip ko. Iyong may pagka-superior 'yung dating pero hindi naman sobra.
"Ako kasi, inugali ko."
[You have 1 unread message.]
I unlocked my phone to see the notification. "Let's meet; I have something important to tell you." Siya si Jeff, ang boyfriend ko.
Gosh, naka-pajama na ako. Bakit kaya siya makikipagkita ng ganitong oras? May nagawa na naman ba akong mali? O siya ang may kasalanan? May sasabihing importante eh magmi-meet naman kami bukas sa school.
Agad akong nagbihis at lumabas ng kuwarto. While going down the stairs, nadulas ako sa isang tapakan na walang nosing. Bumaba akong nagrereklamo kay Mommy kasi lagi na akong nadudulas doon kada baba ko. Nagmakaawa na rin akong ipagawa na pero sinermonan lang ako.
"Hindi pa natin 'yan maaasikaso kasi ang Daddy Natt mo nasa ibang bansa pa. Magdahan-dahan ka kasi sa sunod. Tsaka ba't ka ba kasi nagmamadali? Anong gusto mo? 'Yung hagdan ang mag-a-adjust for you? What are you? A queen?"
Sa totoo lang, hindi ko pa naranasan sa buong buhay ko na makakita ng ibang tao rito sa bahay. Iyong stranger talaga like carpenter, electrician, technician, at ibang nag-aayos. Ayaw ni Mommy magpapasok ng kung sinu-sino rito.
"Duh," pagtataray ko sa kanya. Umupo na rin ako sa sofa. "By the way, magkikita kami ni Jeff. May sasabihin daw siyang importante sa'kin." Tumayo ako at palabas na sana ng pinto.
"Hep, hep, hep, hep, hep, hep!" Tutol ni Mommy. Hayst, sabi ko na nga ba hindi ako papayagan. "Kung aalis ka ngayon, makakabalik ka ng late na 11 or 12 midnight. Kapag nalaman 'yan ng Daddy mo, grounded ka. So-"
"So, hindi pwede! I knew it." Pagtuloy ko sa sasabihin niya. "Paano kami mag-uusap Mom? What can I do para payagan mo ako at hindi isumbong kay Uncle?" Pagmamakaawa ko.
"Daisy-Elizabeth-Mirasol, isa ka pang dalagitang bulaklak. Hindi kita papayagan kahit ano pang pagmamakaawa ang gawin mo, okay? I'm doing this thing for you, para makaalis ka at makagala sa mga susunod mong lakad at the same time maging ligtas ka. Ang dami-daming time na pwede kayong magkita, gabi pa? Look, bali-balita na mayroon na namang serial killer sa lugar natin. Hindi natin alam baka ikaw na ang puntirya ng mga bubuyog na 'yan lalo na't sa panahon namin dati, may pinagsasamantalahan."
"You are my one and only flower. Huwag ka nang magpalanta. Makinig ka na lang sa'kin at matulog at magkikita pa naman kayo bukas sa University. Saka kayo mag-usap nang masinsinan." Aniya sa'kin.
"What if emergency 'yung sasabihin niya?" Katwiran kong tanong.
"Emergency? What kind of emergency? Manghihiram ng pera? Eh mas mayaman pa pamilya no'n kaysa sa'tin. Emergency, emergency ka diyan, Daisy ha. Sinasabi ko sa'yo, matatamaan ka." Sambit ni Mommy.
"Parang ewan naman si Mommy, namimilosopo pa." Tumayo ako at aakyat na sana pabalik sa room ko.
"Tapatin mo nga ako anak. Iyan bang relasyon niyo ni Jeff, healthy pa sa gulay?" Paghinto ko sa hagdan. "Akala mo ba hindi ko alam. Every night, habang pumupuslit ako ng makakain, naririnig ko ang hagulgol mo. Singot ka nang singot ng sipon, nakakadiri. Alam kong umiiyak ka no'n kaya alam kong you're in a bad situation right now, pati noong mga nakaraang araw."
"May problema ba kayo?" Tanong sa'kin ni Mommy.
Shucks! Naririnig pala ni Mommy 'yon? Ganoon na ba ako kalakas umiyak?
"Wala kaming problema ni Jeff, Mom. Nami-miss ko lang si Daddy Art." Palusot ko.
"Iyong totoo? Sinungaling ka pa namang bata ka." Pagdududa niya. "Let's make a deal. If ever na tumama ako sa sasabihin ni Jeff ngayon, magsasabi o magku-kuwento ka sa'kin." Alok niya.
"Ano namang sasabihin niya?" Tanong ko.
"Nak, best friend mo si Mommy. Hindi ka dapat nagtatago ng sikreto sa'kin. Dapat nga sinasabi mo sa'kin every detail ng buhay mo para ma-cheer kita sa mga laban mo, para masamahan kita sa pagsubok mo.
"Hindi ko alam kung ba't wala kang clue. Iyong sasabihin ni Jeff sa'yo? Makikipaghiwalay 'yan. I'm going to bed na. Papuntahin mo na lang si Jeff dito kung gusto mo talagang makipag-usap. I'm telling you, mag-uusap ulit tayo bukas pag-uwi mo." Banggit ni Mommy sa'kin.
"Hihiwalayan? Ilang beses na kaming naghiwalay. HAHAHAHA." Bigkas ko.
"HAHAHAH!." Sinabayan niya pa ng halakhak. "Anyways, matutulog na ako. Good luck!" Tinuro niya ang kanyang mata gamit ang dalawang daliri pagkatapos ay tinuro 'yun sa'kin nang paulit-ulit.
"Sumbong kita kay Uncle ha, ikaw pala umuubos ng pagkain sa ref. Kaya ka pala tumatambok. Diet-diet ka pang nalalaman, nagsu-zumba pa every Saturday." Mutawi ko sa kanya.
"Tse! Basta balitaan mo ako bukas." Sabat niya sa'kin.
"Opo," sagot ko.
Parang magkapatid lang kami ni Mommy 'no? Mommy is my greatest teacher, a teacher of kind-heartedness, love and courage. Kung ang pag-ibig ay kasing tamis ng bulaklak, then my mother is like that sweet flower of love.
Kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang phone at tumawag kay Jeff.
Daisy: Hello, Love? Punta ka na lang dito sa bahay, hindi na ako pwedeng umalis.
Jeff: Si Tita?
Daisy: Tulog na siya eh. Huwag kang mag-alala, siya mismo ang nagsabing papuntahin ka na lang dito. Alam mo naman, hindi ako gaanong makalabas 'pag gabi. Mahal na mahal ako no'n. Jeff: Alright, then. Papunta na ako.
Daisy: Love... May tanong ako.
Jeff: Ano na naman?
Daisy: Kung okay lang naman.
Jeff: Fine.
Daisy: Do you still love me?
Jeff: [Hangs up]
Kinabahan ako bigla. Anong nangyayari? Galit ba siya sa'kin? Nakakainis naman. Hindi niya man lang ako sinagot. Binaba niya agad without answering me. Did I do something wrong to him.
[ding-dong!]
Huh? Nandito agad siya?
Dali-dali kong binuksan ang pinto at nagulat ako dahil... "Kitty? Ba't nandito ka?" Tanong ko sa bata. Siya si Kitty, 9 years old. Nakatira siya sa Floor 67 ng condo. Nakilala ko siya dahil sa alaga niyang aso.
"Ate Daisy, let's playyyy." Mahabang sagot ni Kitty sa'kin.
"Gabi na Kitty eh. Hindi ka ba hinahanap ng Mommy mo?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko po alam." Sabat niya sa'kin.
"Nako! Hindi mo alam? Papagalitan ako ng Mommy mo niyan. Let's go na! Umuwi na tayo. Bukas na lang tayo maglaro."
"Promise?" Pagpapa-cute niya sa'kin.
"Promise! Pinky swear tayo. Pag-uwi ko bukas galing sa school, pupuntahan agad kita sa bahay niyo." Sabi ko sa bata. "Mommy! Hatid ko lang muna 'to!" Sigaw ko.
Hindi na sumagot si Mommy, nakatulog na ata. Umalis na lang kami ni Kitty at lumabas ng Penthouse. Dumiretso kami sa elevator at bumaba sa Floor 67. Nang bumukas ang gate ay palabas na sana kami nang biglang....
"Move! Move! Barricade the area 8 meters away from the scene. And please, pakiusapan niyo 'yung President ng HOA na mag-provide ng temporary shelter para sa mga nakatira dito sa floor while we're conducting investigation." Saad ng Policeman na nasa tapat ng Elevator kung saan kami nakatayo.
Bumungad sa'min 'yung Detectives and Policemen na parang may nangyayaring sobrang sama sa building namin. May buy-bust operation ba? Sht*! May nagsha-shabu sa condo namin. Ano 'to? Pugad ng mga adik?
What if hostage taking? Oh my God!
Pero hindi naman siguro. Hindi naman ganoon ka-intense. Nagmamadali silang pumunta sa dulong part ng hallway.
"UNIT 679? Ano kayang mayro'n do'n?" Bulong ko.
Nag-alala ako at natakot dahil baka makita ni Kitty 'yung mga nangyayari. Kaya't hinatid ko na agad siya sa Unit 673 - ang bahay niya, at agad naman itong bumukas.
Lumabas ang nag-aalala niyang Mommy.
"Ate Daisy, bakit po may pulis?" Tanong sa'kin ng bata. "Ah wala, may binisita lang ata sila. Pumasok ka na sa loob. Bukas ah!" Palusot ko.
Pumasok na siya sa loob at kinausap ko ang Mommy niya. "Sorry po Aling Katie! Nasa bahay po namin siya kanina."
"Jusmiyo! Salamat nang marami Iha! Akala ko nawala na 'tong batang ito." Wika ni Ate Kat.
"Kapag nawala po ulit siya sa inyo, akyat lang po kayo sa Elite. Minsan po kasi bumibisita siya sa'kin. Wala po ata siyang kalaro diyan sa inyo." Ani ko.
"Nakakahiya naman, pero sige. Salamat talaga Iha. Siya nga pala, anong mayro'n doon?" Turo niya sa dulong bahagi ng hallway.
"Hindi ko po alam eh. May yellow tape na may nakalagay na 'Crime Scene,' baka po may corpse." Sambit ko kay Aling Katie.
"Ahh, sana naman wala. Perwisyo pa 'yan sa mga nakatira dito." Banggit niya.
"Paano po, mauuna na po ako." Paalam ko.
"Oh siya, mag-ingat ka. Salamat ulit."
Bago bumalik sa bahay ay naisipan ko munang sumilip sa crime scene. Pasimple akong yumuko upang pasukin ang barikada habang nag-uusap ang mga Pulis.
Pumunta ako sa Unit 678 na katapat ng Unit 679. Hindi na ako nagdalawang isip na sumilip. Nilibot ko ang mata ko sa bahagi ng bahay at nahagip ko ang isang...
"Bangkay! Ahhh!" Napasigaw ako sa gulat.
Bangkay pala talaga! Tama ako. Tinakpan ko agad ang bibig ko ngunit nakalingon na sa'kin ang lahat. "Alis!" Sigaw sa'kin ng isang lalaking balot na balot sa plastic. Forensics ata siya, ewan.
"Pasensya na po, maling floor lang." Katwiran ko habang naglalakad palabas ng crime scene.
Disgusting! She's decomposing. Nakatayo siya habang walang buhay. Parang hihiwalay na ang laman niya sa buto sa bandang bahagi ng tuhod.
Papasok na sana ako sa Elevator nang...
"Police Deputy Chief Daniel Reagar, Violent Crimes Unit 1 from Metropolitan Manila Police Department."
Nilingon ko siya. Isa siyang Detective from VCU at ang VCU ay isa sa mga hinahangaan kong Investigation Unit. Nakita ko rin na ipinapakita niya ang wallet niya na may Police ID.
Iyong face niya, balot ng hindi kahabaang bigote at balbas. Bagay sa kanya ah, infairness. Nagco-compliment sa patilya, naka-connect.
He looks familiar.
"Bawal diyan dumaan. Pansamantala muna naming isasara." Bigkas niya.
"Sorry po," napakamot ako.
"Kilala mo ba ang biktima?" Tanong niya sa'kin.
"I don't know her, I'm sorry. Hindi ko pa po siya nakikita kapag nagpapa-meeting si Mommy. May hinatid lang po akong bata doon sa Unit 673." Sagot ko.
"Okay. Umuwi ka na sa inyo." Mutawi niya bago pumasok sa crime scene.
Umalis akong kinakabahan at nagpunta sa kabilang phase para gumamit ng Elevator. Umakyat na ako at umuwi.
Pagpasok ko sa pinto ay naroon na si Jeff, nag-aantay sa'kin. "Saan ka galing?"
Nakasuot siya ng black turtleneck sweater. Black trousers naman at black shoes ang suot niya pang-ibaba. His outfit makes his whole body perfect pati 'yung shape ng mukha niya. Gusto kong halikan 'yung labi niyang mapula para tanggalin ang pagod niya sa buong araw.
Maganda ang mata niya kahit may lungkot akong nakikita dito. Bumabagay ito sa matangos niyang ilong. Medyo mahaba ang buhok niya, sapat na para maitali ito sa taas. Mas matangkad siya ng 3 inches kumpara sa'kin.
"May lakad ka? Bakit hindi mo ako sinagot kanina?" Tanong ko sa kanya.
"May family meeting kami kanina. And what are you talking about earlier? Hindi ko narinig na nagtanong ka, bigla na lang nag end ang call." Sagot naman niya.
Ahh, nawalan lang ng signal.
"Hinatid ko si Kitty sa bahay nila, then may corpse sa Floor 67." Sabat ko naman. "Ano nga palang nangyari sa meeting niyo?" Tanong ko ulit habang lumalapit sa kanya para yumakap.
"We need to break up," madaling sabi niya.
"Huh?"
Ilang beses na kaming naghiwalay ni Jeff pero nangyayari lang 'yun sa chat. Kapag nagkikita naman kami tapos nami-miss namin ang isa't isa, nagkakabalikan lang din agad. Pero bakit iba 'yung nararamdaman ko ngayon? Kinakabahan ako na parang totoo ang sinasabi niya.
Hindi ako makagalaw.
Nawala na 'yung kaba sa nakita kong corpse. Ngayon ay kinakabahan na naman ako para sa mga susunod niyang sasabihin.
"Hindi ko na kaya. Sorry, pagod na ako." Saad niya.
"Love, bakit? What do you mean na hindi mo na kaya?" Paunti-unting humahapdi ang mga mata ko.
"Magkakaroon ako ng responsibilities at mawawalan ako ng oras sa'yo." Seryoso niyang sambit.
"Ano naman? Okay lang naman sa'kin." Ani ko.
Huminga siya nang malalim. "No, it's not. Sobrang clingy mo. Nagagalit ka 'pag 'di ako nakapag-reply agad. Hindi mo ako kinakausap kapag hindi kita nadadalaw. Isa pa, nabalitaan ko na namang uminom kayo ng barkada mo no'ng nakaraang linggo." Banggit niya.
"Nagkayayaan lang naman," bigkas ko.
"Nagkayayaan man o hindi, konti man o marami, uminom ka pa rin. Sabi ko iwan mo na 'yang gawaing 'yan 'di ba? O kahit uminom ka nang mag-isa na lang tapos kaunti. Last night pinagalitan ako ni Tito William kasi hindi raw kita pinagsasabihan. Even your mom texted me, bakit hindi raw kita sinamahan. Sinermonan ako Daisy, sinermonan ako!"
"I fell out of love. Hindi ko na kaya, sukong-suko na ako. Sakal na sakal na rin ako sa paghingi mo ng tawad na wala namang ipinagbago. Hindi mo ba napapansin? Ang toxic na natin pareho. Lagi mo akong dinidismaya sa actions mo. Sabi ko 'wag ka nang mag-yosi, 'wag ka nang uminom, nag-agree ka pero 'di mo kayang iwan."
"2 years na tayo at hindi ko rin inexpect na aabot tayo nang ganito katagal. Ang tagal na rin pala kitang pinagtitiisan."
"Tama na," bulong ko habang nakatulala.
"May kabarkada ka pang lalaki. Hindi mo ba naisip na baka nagseselos ako. Anong idadahilan mo? Na dapat sinamahan kita? Ayaw ko nga ng alak. Ayokong maamoy iyon lalo na sa usok ng sigarilyo."
"Anong ginagawa mo? Sumusuway ka pa rin sa'kin. Sabi ko uminom ka na lang sa bahay mo mag-isa. I even bought you an electric cigarette para tumigil ka sa tobacco yosi kahit na nakakasama pa rin iyon. Ano? Sirang-sira na ba buhay mo? Ptng-ina naman Daisy! Alam kong nangungulila ka sa Daddy mo pero hindi naman pwedeng sirain mo buhay mo dahil lang sa ganyan."
"Ayoko na, pagod na ako. Ginawa ko naman 'yung best ko pero hindi mo na-fi-feel. Alam mo kung bakit? Kasi hindi mo naman ako ganoon i-appreciate. Kaya sorry kung makikipaghiwalay na ako ngayong gabi, napagod na kasi ako. Isa pa, sawang-sawa na ako sa mga dahilan mo. Mangangako ka ng isang daan, isa lang naman ang tutuparin mo. Nagbabago ka lang saglit, 'pag tumagal balik sa dating gawi. I tried my best to be the best man for you but it didn't work. Hindi tayo ang para sa isa't isa."
"I love you for the last time. Goodbye." Lumapit siya sa'kin habang lumuluha at niyakap ako. Pagkatapos ay lumabas na siya ng Unit.
Hindi ko na rin mapigilang umiyak pagkatapos ng pamamanhid sa buong katawan habang nagsasalita siya. Bumulwak na rin ang mga naipong luha sa mga mata ko. Parang mawawala ako sa sarili. Nanatili lang akong nakatayo sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw sa mga sinabi niya.
Sinabi ko naman sa kanya dati na hindi ako madaling pabaguhin. Kasalanan ko ba 'yun? Parehas naman siguro kaming may mali.
Humiga ako sa sofa habang patuloy na umaagos ang luha ko. Inaalala ko 'yung happy memories namin. Tama, matagal na kami. Hindi pala ibig sabihin ng matagal ay ganoon na rin katatag.
Now, I have to say that the flower that once has blown forever dies.
BINABASA MO ANG
Vigilante
Mystery / ThrillerHaunted by their pasts, a group of young individuals finds a new purpose: joining the Anti-Predator Squad. This shadowy vigilante organization is dedicated to eradicating the rampant crime plaguing the city and its surrounding regions. But their mis...
