CHAPTER 13: FOGFADE

61 6 3
                                        

METROPOLITAN MANILA POLICE DEPARTMENT


"Ang pag-ibig ay parang hotdog. Kapag hindi mo niluto, hindi mo makakain." 

Nababaliw na ako 'di ba? Syempre. Sino ba namang hindi mababaliw sa mga nangyayari sa bansang ito? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Ano raw?" Nag salubong ang mga kilay ni Karma habang nakatingin sa'kin.

Naks! Nakakita naman siya ng magandang lalaki.

Mukhang tatanggalin ko na sa Wanted List si Arthur, may nagbigay kasi ng tip sa'kin galing sa dalawang magkaibang tao. Una na si Shadow, itinuturo niya sa'kin 'yung mga pugad ng adik, nanghuhuli siya ng kriminal at itinatali ang mga ito hanggang sa makarating kami. Pangalawa 'yung isang anonymous na kahit nickname, walang maisip.

Nagpadala siya ng email sa'kin, hindi raw si Arthur ang Mr. Pride. Si Mr. Pride din daw ay mag isa lang at walang kasama o kasabwat. 

Edi tinanong ko siya kung anong proof niya sa mga pinagsasabi niya. G*go nagulat ako, nag send siya ng picture ni Mr. Pride. 

Nakasuot ito ng Black Raincoat tapos hindi kita 'yung tunay niyang mukha dahil balot ito ng maskara ni kamatayan. Naka gloves siya ng kulay itim at may dala rin siyang baraha na hindi ko masyadong maaninag kasi umuulan nu'ng time na kumuha siya ng litrato.

Nakuhanan niya ng picture si Mr. Pride sa mismong rooftop ng condominium. Iyon lang ang tumugma at tumama sa imbestigasyon ko, ampotek. May details sa gilid ng picture; date and time. Edi pina-check ko sa kaibigan kong photo expert. 

Hindi siya edited. Totoo nga! 

Reset Investigation na naman para kay Mr. Pride. Buti na lang, walang nagrereklamo sa kaso ni Eduard bilang si Lust. Kasi kung mayro'n, magpa-pakamatay na lang ako sa sobrang kabobohan ko. 

Nagugutom na talaga ako. 

"Ba't ba sa tuwing kinakausap ko 'yung sarili ko, saka ka sumasagot, ha?" Reklamo ko kay Karma. 

"Whatever," pagtataray niya. 

"Huwag mo akong tarayan diyan. Mukha ka pa namang hotdog, baka kagatin kita." Nababatrip na talaga ako. 

Biro lang syempre, maganda pa rin siya sa paningin ko. 

Uwing-uwi na ako sa Mandaluyong. Gusto ko na rin magpalamig sa Mega Mall. 

"May suspect ka na ba para sa murder case kanina?" Nagulat ako sa tanong niya. 

"Murder Case? Suicide 'yon 'di ba?" Pagtataka ko. 

"Sabi ni Doctor Yehnah, murder daw. Hindi ka kasi sumama kanina, kung anu-anong inaatupag mo." Saad niya. 

"Bakit, hinahanap-hanap mo ba ako kanina?" Ngumiti ako sa kanya. 

"Hinahanap ka ni Papa," sagot niya sa'kin. 

"May gasgas ang ibabang bahagi ng likod niya? Halos buong bahagi ng leeg niya ay may pasa?" Tanong ko sa sarili ko. 

"Pa'no mo nalaman?" Pagtatakang tanong ni Karma sa'kin. 

Grabe ang galing ko talaga, gwapo na nga, matalino pa. Binabawi ko na 'yung sinabi ko kaninang bobo ako. 

"Tinali ng killer 'yung lubid sa leeg ng biktima. Napansin naman 'yon agad ng biktima kaya sinubukan niya itong tanggalin pero bago niya pa ito matanggal ay hinila na ng killer 'yung lubid dahilan para makaladkad siya. Iyon ang dahilan kung bakit may mga gasgas siya sa likod at bandang puwetan. Nagkaroon din ng pasa ang batok niya dahil sa pagpu-pumilit na ma-ipiglas ang nakapulupot na lubid sa leeg." Kinausap ko ulit ang sarili ko. 

"Weird, 'yan ang mismong sinabi ni Doctor Yehnah." Nag salubong ulit ang mga kilay ni Karma.

Pogi mo talaga, Luckey. 

"Saan ka pala magpapasko?" Iniba ko bigla ang topic. Syempre, kapag kasama mo si Luckey, hindi kayo mauubusan ng mapag-uusapan. 

"Hindi ako nag ce-celebrate ng pasko, si Papa lang. Uuwi siya sa Antipolo kasama 'yung kapatid ko. Dito lang ako sa department, mag-aasikaso ng mga pending cases." Sagot niya sa'kin. 

Marangal ka talagang babae ka, kaya crush kita eh. 

"Gusto mo samahan kita rito?" Tanong ko sa kanya. 

"Sige," sabat niya. 

Hala! pumayag? Nagbibiro lang 'yung tao. Gusto ko na ngang umuwi sa bahay at matulog ng 48 hours straight eh. 

"Joke lang," napa kamot ako ng ulo. 

"Kapag hindi kita nakita rito sa 24 ng gabi hanggang mag new year, ipapalipat kita sa ibang department." Banta niya sa'kin. 

Matakot na ba ako? Nakakagulat na gusto niya akong kasama. Pwede ko naman siyang samahan dito kaso kailangan ko talaga ng pahinga. 

Deserve nating magpahinga. 

"Sasamahan kita pero dapat ako ang boss sa mga oras na 'yon." Kondisyon ko sa kanya. 

"Ano ka boss?" Ngumiti siya sa'kin. 

Ang ganda talaga ngumiti. 

Pinatawag ko ang buong Violent Crimes para sa panibagong Criminal Profiling. Ipinahanda ko na rin kay Mike at Dj ang projector, white board, at pati ang mga ebidensya na aming nakalap. 

VigilanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon