CHAPTER 9: BOLANG KRISTAL

60 6 0
                                        

'Ang bawat kilos may kahihinatnan
Sikapin mo bago sapitin ang napiling daan.
Minsan, sarili din ang pinagdidiktahan
Kung hawak mo naman ang palad mo
Ano naman kailangan mo sa Bolang Kristal.'

-Abra [Bolang Kristal]


Ilustrado 

"Bes!" 

Hindi raw pumasok 'yung kaklase ni Jeff, si Mackey. Si Alex din naman kaya okay lang. 

Uwian na namin ngayon, umaambon pa. "May sasabihin ka ba?" Tanong ko kay Ara. 

"Sino sa mga kaklase natin ang nakakakilala sa tunay mong Ama?" Tanong niya. 

"Ba't mo naman na tanong?" Palitan namin ng tanong. 

Niyakap niya ako, "Ano bang mayro'n?" Pagtataka ko. 

"Suspect 'yung daddy mo sa murder case ng condo niyo 'di ba?" Nagulat ako sa tanong niya. 

Suspect? 

Kinuha ni Ara 'yung phone niya at pinakita sa'kin ang isang video clip. Iyon 'yung video clip ng balita kaninang umaga. Bakit hindi ko nakita? Or nakita ko tapos 'di ko lang napansin? 

"Daddy?" 

Naiyak ako bigla sa napanood ko. Bakit nila ginawang criminal ang isang taong patay na? Hindi ba nila kayang bigyan ng respeto ang daddy ko? 

And even though he's alive, he can't do that thing.  

"Be, sino nga?" Nagtanong ulit si Ara. 

"Kayo lang ni Jeff," maikli kong sagot. 

"Okay, buti naman. Huwag na muna nating ipahalata." Sabi niya. "Mauna na ako be," dagdag nito. Kumaway ako sa kanya habang naglalakad siya paalis. 

Hindi na naman ako makagalaw. Paano na 'to? Wala akong kasabay umuwi. 

Napa-upo ako sa gilid ng puno sa labas ng gate habang umaambon. Hindi ko na rin mapigilang umiyak. Bakit ba nangyayari ang lahat ng 'to sa'kin? 

Naramdaman kong wala nang gaanong bumabagsak na ulan sa'kin kaya napatingin ako sa taas. 

"Di ka pwedeng magkasakit." 

Nakatayo sa harap ko si Leon, pinapayungan ako. Nakasuot siya ng leather jacket at helmet, uuwi na ata siya. Kinuha niya ang kamay ko at binigay sa'kin 'yung payong. 

Sumakay siya sa motor at ini-start ito. Paalis na sana siya nang humarang ako sa harap niya. "Pwede mo ba akong ihatid?" Tanong ko. 

"Hindi," saad niya. 

"Sige na, please? Para mapayungan din kita habang nagmomotor ka." Pagpapacute ko sa kanya. 

"Balik mo na lang 'yan bukas." Wika niya. 

Magsisimula na sana siyang magpa-andar nang sumakay ako sa backseat para wala na siyang choice kundi ihatid ako. 

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya sa'kin. 

"Tara na," niyakap ko sa kanya ang isa kong braso habang ang isa ay nakapayong sa'min. 

Hinubad niya ang suot niyang helmet at bumaba. Akala ko galit siya pero hindi, isinuot niya lang ang helmet niya sa'kin. "Itupi mo 'yang payong. Ayoko pang mamatay." 

Hindi ba pwedeng mag payong kapag nagmomotor? Niligpit ko tuloy agad, ang seryoso ng boses niya eh. 

Pero ang bango ng helmet niya. Feeling ko ako si Iron Man. 

"T*ng ina, Leon!" 

ANG BILIS NG PAGPAPATAKBO NIYA! NAIIWAN KALULUWA KO. 

"Dahan-dahan lang," sambit ko sa kanya. 

May trauma ako sa motor, nahulog kasi ako dati. Paano na 'to? Hindi nga ako mamamatay sa serial killer, mamamatay naman ako sa kanya. 

Habang patagal nang patagal ay ganu'n din bumibilis ang pagpapatakbo niya. Pero ba't ganto? Saglit lang ako natakot, nag-eenjoy na ako ngayon. 

Sumisigaw na ako ng malakas, hindi dahil sa pangangamba kundi dahil na-eexcite ako. Ang saya pala sumakay sa big bike niya. Ang taas ko kumpara sa ibang angkas tapos marami ring tumitingin sa'min. 

Bakit kaya pakiramdam ko safe ako kapag kasama siya? 

Nakarating na nga pala kami sa Condo. Gusto ko siyang ipakilala kay Mommy pero papayag kaya siya? 

"Pwede mo ba akong samahan sa taas?"

Nagkunwari akong takot sumakay sa elevator mag-isa para samahan ako ni Leon. "Uuwi na'ko," maikli niyang sabi.

"Naaalala mo 'yung nasa abandonadong building tayo ng campus? Natatakot kaya ako no'n, dapat nafi-feel mo." Saad ko.

"Wala na tayo ro'n," seryoso niyang wika.

"Sige na, please." Nag pa-cute ulit ako sa kanya.

Bumaba siya sa motor at sinabit ang helmet niya sa manibela. Naglakad siya papasok sa loob habang nakatulala ako sa kanya.

"Ano na?" Tanong niya nang makapasok.

"Ay, sorry." Nahihiya kong banggit. Nawala kasi sa katinuan.

Naka-akyat na kami sa hallway ng Elite nang bigla niya akong dinikit sa pader. Tinakpan niya ang bibig ko at bumulong, "tahimik muna."

Tingin siya nang tingin sa paligid at hindi mapakali. Later that, namatay ang ilaw sa buong hallway, so, natakot ako.

"Pasok tayo sa Unit mo," kalmadong banggit ni Leon.

Naglakad kami nang dahan-dahan habang kinukaha ko ang susi sa bag. Hindi gumagana 'yung security ng pinto. 

MOMMY IS NOT HERE! 

Nakapasok kami sa loob at wala si Mommy dito. Hinanap ko siya sa kwarto niya pati sa CR at kung saan-saang lupalop ng unit pero wala siya. 

VigilanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon