Maging ilaw ng iyong sariling anino,
Panatilihing nakatingin sa liwanag.
Maging ilaw sa paligid ng kadiliman ,
Huwag lumingon sa pagkabagabag.
Kung gaano kaliwanag ang araw,
Ganoon din ka-itim ang anino.
Kung gaano kasaya ang isang araw,
Kapalit ay hinagpis sa isang linggo.
Lumalagabgab ang mismong apoy,
Anino ang makikita't dinadatnan.
Usok ang sumisimbolo sa kaluluwa,
Abo ang nagpapakita ng kahihinatnan.
Sinusundan man ng kadiliman,
Hindi kailanma'y matatakot.
Madilim ang naging karanasan,
Maliwanag na malayo ang abot.
-Mr. Pride
San Deva Tower
[Bonifacio Global City]
Ilang buwan na ang nakalipas mula noong may pagsubok na dumating. Sinubukan kong magpakatatag, sinusubukan kong magpagaling. Ngayong tapos na ang lahat ng 'to, lumilipas ang pagmamagaling. Humanda ang taong may kagagawan nito, siya ang sunod na susubuking tanggalin.
Hindi na naantay ng Ama ni Leon ang paghuli sa mamamatay tao na kumuha sa buhay ng kanyang asawa. Masyadong matagal kumilos ang pulisya sa ganitong klaseng tao. Bumalik na siya sa Japan para asikasuhin ang negosyo nila na sandaling naantala dahil sa trahedya.
Malalim ang iniisip ni Leon, "Kailangan kong gumawa ng paraan para malaman kung sino ang taong nasa likod nito."
Habang nagliligpit siya ng mga gamit ay nakita niya ang isang business card na nakasiksik sa bulsa ng leather jacket na suot niya nu'ng dakpin sila ni Daisy.
Sandali siyang napaisip, "Matutulungan mo ba akong mahanap ang pumatay sa Mama ko?" Bulong niya.
[knock knock]
"Hi Leon!"
Kaharap niya ngayon si Daisy habang nagtataka kung paano nito nalaman kung saan siya nakatira.
"Ginagawa mo rito?" Tanong ni Leon sa kanya.
"Dinadalaw ka, hindi ba halata? Hindi mo ba ako na-miss?" Sabi niya saka diretsong pumasok sa loob ng unit. Tumingin-tingin si Daisy sa paligid, "Ang linis naman ng bahay mo. Ikaw lang ba mag-isa dito?" Tanong niya.
"Oo," maikling sagot ng binata.
"Ang galing mo naman mag organize ng mga gamit mo, ang perfect. Walang alikabok tapos naka-ayos ng pantay-pantay." Pansin ni Daisy sa interior arrangement. "Perfectionist ka ah. Psychopath ka siguro." Dagdag niya.
"Sinong nagsabi sa'yong dito ako nakatira?"
[knock knock]
Agad na pinagbuksan ni Daisy si Mackey at Danica na noon di'y kararating lang. Magiging maingay na naman ang buong unit. Ilang beses na akong na-reklamo.
"Hoy, bakit ka nandito?" Tanong ni Mackey kay Daisy.
"[Hoy, bakit ka nandito] Kahit ikaw ang salarin?" Pinagalitan siya ni Leon.
Napatingin ang tatlo kay Leon. Ngayon lang kasi nila itong napansing magsalita ng medyo mahaba at magalit.
"Kalma ka lang boss, binayaran niya kasi ako." Nakangiti si Mackey sa kanya.
"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ni Leon sa kanila.
"Sabi ni Danica, igala ka raw namin." Wika ni Daisy.
"Wala akong sinasabi," umiiling si Danica.
"Oo na, ako na. Gusto talaga kitang igala kasi malapit na mag Christmas. Gusto kong madama mo ang pasko." Banggit ni Daisy sa kanya.
"Ayoko," maikling tugon nito.
"I'm not asking you kung gusto mong sumama. Inuutusan kita, 'di ba sabi ko dati, simula noon susunod ka na sa'kin?" Tinaasan niya si Leon ng isang kilay.
"Hindi ako puma-"
"Blablablabla! Hindi kami aalis dito hanggat hindi ka nagbibihis." Inantala ni Daisy ang sasabihin niya.
"Lumabas muna kayo, magpapalit ako." Bigkas ni Leon na ikinatuwa ng tatlo.
SM Aura.
Dito nila dinala si Leon na parang hindi makahinga dahil sa maraming tao. Anong gagawin namin dito?
"Boss, paano mo malalaman kung buntis ang aso?" Tanong sa kanya ni Mackey.
"Lubayan niyo ako, pakiusap." Napipikon niyag tugon.
"Manood muna tayo ng sine. Sakto may Japanese Movie ngayong pinapalabas." Humirit si Daisy.
"Bat, maiintindihan mo ba?" Tanong ni Mackey sa kanya.
"May subtitle naman ata," sagot nito.
"Ay oo nga pala," napakamot ng ulo si Mackey.
"By the way, hindi ko pa kayo naririnig magsalita ng Japanese. Example naman diyan oh." Sabi ni Daisy.
"Marunong naman kami mag Japanese pero 'yung Author ng buhay namin, hindi. Hindi ba Makmak?" Katwiran ni Danica.
"Omsim, omsim." Pagsang-ayon nito sa kanya.
Nanood na silang apat ng pelikula kahit ang tatlo lang ang natutuwa. Gayunpaman ay masaya si Leon sa pagpupursigi ng tatlo. Pero kung titingnan silang apat sa loob ng sinehan na iyon, mukhang nakikisali lang siya.
Hindi niya namalayang nakatulog na siya.
"Boss, tinatanong ka kung anong masasabi mo sa movie." Nagising si Leon sa sampal ni Mackey.
Premiere pala ang pinanood nila kaya hinihingian sila ng feedback.
Anong sasabihin ko? Nakatulog ako kanina. Kaunti lang ang napanood ko.
"Maganda," maikli niyang sambit.
"Maganda raw eh tulog ka nga kanina. Pero buti na lang talaga tulog ka, kasi kung gising ka, makikita mong umiiyak kami." Banggit naman ni Daisy.
"Hoy! Hindi ako umiyak." Pagmamalaking bigkas ni Mackey.
"Anong hindi? Narinig ko kaya 'yung pag singot mo ng sipon. Kahit mahina pa 'yon, maririnig 'yon ng tenga ko. Alam mo ba kung bakit? Expert kasi ako ro'n." Nag-aasaran na naman sila.
"Umuwi na tayo," sabi ni Leon sa kanilang lahat.
"Ay 'te, nagsisimula pa lang tayo." Saad ni Daisy habang nakangiti ng sarkastiko sa kanya.
"Kumain na tayo, nagugutom na 'yung mga muscles ko, nagc-crave sa protein." Wika ni Mackey.
Kumain sila sa isang Fast-Food Restaurant. Ang may pinakamaraming order ay si Mackey. Nang matapos kumain ay nagpunta sila sa rooftop.
"Boss, may piso ka diyan?" Tanong ni Mackey.
"Anong gagawin?" Patanong na sagot ni Leon.
"Magwi-wish lang," sagot niya.
"You believe in that? Who'll grant your wish then, this mall?" Tugon ni Leon sa kanya sabay bato ng buong sampu.
Agad na tumakbo si Mackey at Daisy sa fountain para mag wish. Habang sila ni Danica ay naiwan sa isang tabi.
"Magkakasundo 'yan silang dalawa," banggit ni Danica.
"Sana, nang hindi na ako ma-istorbo." Bigkas ni Leon.
"Sinong niloko mo?" Pinaypayan ni Danica ang sarili niya. Lagi nitong dala ang kanyang pamaypay, malamig man o mainit ang panahon. Sumunod siya sa dalawa at iniwan si Leon.
Nang matapos ay bumaba ulit sila para bumili. Kung anu-anong brand ang pinasukan nila, iba-ibang kasuotan din ang binili. Bumili si Mackey ng sapatos, bumili si Danica ng damit at bumili si Daisy ng make-up collection.
"Anong sa'yo? Libre ko." Alok ni Daisy kay Leon.
Umiling siya bilang tugon na parang wala siyang kailangan na kahit ano.
Pauwi na sana sila nang makarinig sila ng sigawan sa hindi kalayuan. "Boss?" Senyas ni Mackey kay Leon.
"Huwag na muna tayong sumali sa kahit na anong gulo." Sabi ni Danica sa kanila.
"Huwag munang sumali eh siya na mismo nawala?" Banggit ni Daisy.
"Nasaan na siya?" Tanong ni Danica.
BINABASA MO ANG
Vigilante
Mistério / SuspenseHaunted by their pasts, a group of young individuals finds a new purpose: joining the Anti-Predator Squad. This shadowy vigilante organization is dedicated to eradicating the rampant crime plaguing the city and its surrounding regions. But their mis...
