Ang una kong pag-ibig at ulan,
Hindi na magkasamang dumating.
Nagalak pa rin naman kahit papaano,
Tulala't malalim ang tingin.
Bumibilis ang bitaw ng puso,
Umiindak sa tuwa ng palihim.
Ang mundo ay parang guguho,
Pakunti-kunting dumidilim.
Lumiliwanag ang buong paligid,
Sa kabila ng hindi magandang panahon.
Hindi maganda ang muling pagkikita,
Ramdam ko na ang patak ng ambon.
Maganda ang pangyayari sa buhay,
Ang susunod na darating ay hindi.
Maayos pa kung hindi nagliway-way,
Kadiliman ang hantungan sa huli.
-Mr. Pride
Lunes na naman. Ito ang simula para sa isang buong linggo ng klase. Samu't saring ingay ang maririnig dito mula sa mga estudyante.
Ngunit nagulantang ang lahat nang makarinig sila ng isang maingay na sasakyan na kararating. Napakamot na lang sa ulo ang guwardiya habang binubuksan ang gate ng paaralan upang papasukin ang isang binata na may dalang bigbike.
"Panis," maririnig mula sa isang nakangiting lalaki kasama ang mga kaibigan.
Bumaba ang binata at nagtanggal ng helmet. Naglakad siya papasok ng building at at balak dumiretso sa faculty ng mga guro.
"Ang pogi be," isang salitang maririnig sa kalayuan.
Habang umaakyat siya sa hagdan ay may tumawag sa kanya.
PHONE CALL:
Unknown: Ikaw talagang bata ka! Hindi ka man lang nagpaalam bago ka nagpuntang airport
Him: Hindi niyo po ako papaalisin sa ganyang pagkakataon.
Unknown: Kahit na! Paano kung gusto kitang ihatid man lang?
Him: Hindi na ako bata, Ma.
His Mother: Kumusta ka naman diyan?
Him: Ayos lang. Ingat kayo ni Papa.
His Mother: Umayos ka sa pag-aaral mo diyan, ha?
Him: I will.
His Mother: Tatawag ulit ako mamaya. [Hangs up]
Nang makarating sa faculty ay nagtanggal siya ng sapatos bago pumasok, at hinanap ang mesa ng kanyang pangunahing guro.
"Excuse me, hijo? Nababasa mo ba ang nakasulat sa labas? Ang sabi roon, kumatok muna at bumati bago pumasok." Sabi ng isang lalaking guro.
Lumabas ulit ang binata, saka siya kumatok at bumati, "Morning."
"Ginang Holland?" Tanong niya sa mga guro, ngunit walang pumapansin sa kanya.
"Anak!" Lumapit sa kanya ang isang babaeng guro at nagpakilala. "Ako si Mrs. Holland. Ikaw ba si Leon?"
Tumango naman ang binata bilang tugon.
"Nakapagpasa ka na ba ng mga requirements sa registrar?" Tanong ni Mrs. Holland.
"Inaasikaso na ng Papa," sabat niya.
"Okay, mabuti naman. Pupunta na tayo sa classroom. Pakidala itong mga gamit ko," utos ni Mrs. Holland sa kanya.
♠
I'm here na sa school. Another unfortunate day for me, gosh. Lagi na lang natatapat ang late days ko kung kailan may importanteng gagawin sa school. Wala na, late na naman ako nito. Sana wala pa si Ma'am sa classroom.
Bakit kasi may corpse sa condo namin kagabi? Nakakainis! Hindi natiis ng pagka-tsismosa ko. I hate myself na talaga.
"Bes! Bes!"
Nakatingin silang lahat sa'kin habang pumapasok sa classroom. Para namang hindi pa sila sanay, eh lagi naman akong late.
"Oh bakit? Ano na namang nakalimutan mo?" Tanong ni Ara sa'kin.
"Wow, ah! Alam na alam mga pangyayari sa buhay ko, kabisadong-kabisado. Sige, ipamukha mo pang makakalimutin ako." Saad ko sa kanya. "Ganito kasi, hindi ako nakagawa ng script."
"Napuyat ka na naman?" Tanong niya ulit.
"Oo, hindi mo ba nabalitaan? May patay sa condo namin." Wika ko sa kanya.
"Siraulo! Hindi ako nanonood ng TV." Reklamo niya sa'kin. "Pero seryoso, may patay sa inyo? Ano raw pangalan?" Tsismosa niyang tanong.
"Bobita! Kahit hindi naman sa TV, makikita mo rin yan sa feed mo sa social media platforms. Huwag mo na 'yang isipin, ang kailangan ko script. Pwede ba magpatulong?" Pakiusap ko sa kanya.
"Hindi na kaya, sis, gahol tayo sa oras. Salubungin mo na lang si Mrs. Holland. Sabihin mong hindi ka prepared kasi may emergency. Tsaka te! Iyong pinili mong topic, about sa 7 deadly sins. Hindi ako mahilig do'n at wala akong alam do'n."
"Pagbibigyan kaya ako no'n?" Kinakabahan kong tanong.
"I'm not sure though, mabait naman siya," aniya.
Sabagay, hindi naman siya masungit. Binalita naman sa TV na may natagpuang corpse sa amin, baka aware na siya ro'n.
Sana talaga payagan akong bukas na lang.
Agad akong lumabas ng classroom upang salubungin si Mrs. Holland. Nakakahiya naman kasi kung sa loob ako ng classroom magpapaalam. Sakto naman at nakita ko siyang naglalakad sa hallway. Lalapitan ko na sana siya nang mapansin ko 'yung lalaking nakasunod sa kanya.
Bakit bumibilis 'yung tibok ng puso ko?
Alam mo 'yung nostalgic feelings? Iyong parang nangyari na 'to before. Iyong parang nakasalubong ko na siya dati. Iyong parang matagal ko na siyang kilala at nakasama.
Wala namang espesyal sa kanya pero hindi ko maalis 'yung mata ko kakatingin. Sandali akong natulala. Ang sarap niya
-ng pagmasdan.
Kaso ang seryoso tingnan ng mukha, masungit ata 'to. Siya 'yung klase ng tao na hindi palangiti at minsan lang tumawa. Another person na naman na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Napaka-inosente ng mukha, tahimik, at walang emosyon.
Ang gwapo sana kaso parang hindi ako papansinin. Tho, I'm still interested getting along with him.
"Mirasol!" Sigaw sa'kin ni Mrs. Holland. Napabalik tuloy ako sa tunay na mundo. Anong ginagawa mo Daisy? Kagagaling mo lang sa malalang break up.
Jeff.
Bigla kong naalala 'yung nangyari kagabi na hindi ko na sana maalala pa.
"Sorry po Ma'am," paghingi ko ng tawad.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin. Sanay na akong gumising na siya ang hinahanap ko. Sanay na akong pumasok na siya ang inaantay ko para maging inspirasyon. Wala akong buhay sa buong araw 'pag hindi ko siya nakikita. Wala na pala kami, paano na ako?
"Bakit ka nasa labas?" Tanong sa'kin ni Mrs. Holland.
"Sasalubungin ko po talaga kayo because... Ipapalam ko po na... Hindi ako nakapaghanda sa debate. May patay po kasi sa condo na-"
"What are you talking about? Panalo ka na hija." Hindi na niya ako pinatapos magsalita.
"Po? Ano pong ibig niyong sabihin?" Na-curious ako.
"Nag-back out na kalaban mo, 'di ba? Hindi mo ba nakita sa group chat kagabi?"
How can I? Bahang-baha 'yung bahay namin kagabi ng luha sa kakaiyak ko.
"Hindi ko po nabasa kasi kinuhanan kami ng statement sa bahay tungkol sa murder case." Ito na lang ang pinalusot ko.
"Basta hindi ako magpapa-debate, magle-lecture lang ako ngayong araw at exempted ka roon pati sa quizzes. I-tour mo na lang muna 'tong si Marauder sa buong campus para makabisado niya itong lugar na 'to." Utos niya sa'kin.
Marauder... That's interesting.
"Kami lang dalawa?" Nagulat ako.
"Malamang? Kayo lang naman ang exempted. Iyong mga kaklase mo, hindi naman." Saad ni Mrs. Holland.
Shit! Nahihiya ako sa hindi malamang dahilan.
Pumasok na kami sa loob ng room. Umupo na rin ako sa upuan.
"Attention Class!" Pasok ni Mrs. Holland habang pumapalakpak nang paisa-isa. "He is Leonel Marco Marauder from Kyoto, Japan."
Leonel - Leon for short.
Cool! Iyon na lang itatawag ko sa kanya. Wow, 'kala mo naman magiging close.
"Arigato po kuya!"
"Shang shing sheng!"
"Ano po breed niya?" Loko-loko talaga 'tong mga kaklase ko.
"Nakakapagsalita at nakakaintindi siya ng tagalog. Huwag niyong kausapin sa ibang lengguwahe na may kasamang katatawanan. Hindi 'yan maganda." Wika ni Mrs. Holland.
Napansin ni Ara 'yung tingin ko sa bago naming kaklase. "Ang lalim ng titig, ah. Kakainin mo?"
Sa hindi malamang dahilan ay tumango ako ako sa sagot niya. "G**o! Anong kakainin?" Tanong ko.
"Kapag kumakain kaya tayo, tinititigan mo nang malalim 'yung pagkain. Hindi ba? Feeling ko kasi 'pag tinititigan mo, nasasarapan ka." Aniya.
My gosh.
"Hindi ba pwedeng kinikilala ko 'yung tao?" Katwiran ko.
"Landi mo 'te. May Jeff ka pa, hoy." Bigkas niya saka pinulupot ang mga braso sa dibdib.
Hindi niya pa nga pala alam. Hindi ko na muna sasabihin at baka kulitin pa ako kung anong dahilan. Hindi ko pa naman naintindihan 'yung sinabi ni Jeff kagabi, pero masakit.
"Umupo ka ro'n sa tabi ni Mirasol."
Nakakainis naman si Ma'am eh. Tatlo na tuloy kami ni Ara dito. Sa akin pa talaga itatabi, eh hahawaan ko lang yan ng bungangang nananampal, eh.
May tatlo kaming column sa classroom at bawat column ay may anim na row. Sa bawat row ay may tatlong upuan, dalawang babae at isang lalaki. Nasa kanan 'yung lalaki at nasa kaliwa naman 'yung dalawang babae. Marami kasing babae sa section namin.
Napansin kong nililibot ni Leon ang mata niya sa'min. Hindi niya ata kilala kung sinong Mirasol ang tinutukoy ni Ma'am.
"Dito," nagtaas ako ng kamay para malaman niya. Tumayo na ako at hinintay ko siyang ilagay ang gamit niya dahil maglilibot pa kami.
"Tara na?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sa'kin. Good boy!
Naglakad na kami palabas ng classroom. Sumesenyas pa sa'kin si Ara kung bakit hindi kami pinapagalitan. Gusto niya rin atang sumama sa'min.
Pumunta kami sa second-floor ng annex one. Ipinakita ko muna sa kanya 'yung Guidance Office. Pagkatapos ay pumunta kami sa Principal's Office, at panghuli ay sa Registrar. Hindi siya nagsalita noong pinuntahan namin ang lahat ng 'yon. Tumango lang siya bilang tugon.
"Wala ka man lang sasabihin?" Tanong ko sa kanya.
"Wala," maikli niyang sagot.
Sige.
Ang lalim ng boses niya ah, nakakatakot makipag-usap.
Pumunta kami sa Track and Field, pati sa mga tambayan doon. Pumasok din kami sa Basketball Court at nilibot ni Leon 'yung mga mata niya sa paligid. Sunod kong itinuro sa kanya ang mga CR. Pagkatapos ay pumunta kami sa canteen.
"Nagugutom ka ba?" Tanong ko sa kanya.
Umiling lang siya.
"Alam mo, mukha kang aso sa ganyan. Sumagot ka naman ng maayos par." Reklamo ko sa kanya.
"Par?" Pagtataka niya.
"Parang sira," bulong ko.
Bumili ako ng pagkain ko. Binilhan ko rin siya ng coke. Umupo kami sa table at nag-usap. "So, bakit ka lumipat dito?" Tanong ko sa kanya.
"Wanted ako sa Japan," sagot niya.
Iyon oh. Sumagot na siya nang maayos na medyo joke. Tumawa na lang ako sa sagot niya. "Ano ba kasing ginawa mo? Nagnakaw ka?" Sarkastiko kong tanong.
Tinitigan niya lang ako nang malalim kaya't tinitigan ko rin siya.
Mahaba ang eyelashes niya kumpara sa ibang lalaki. Makapal din ang kilay niya at maganda ang mga mata. Medyo matangos 'yung ilong at may maputlang labi. Anemic ba siya?
Iyong buhok niya, tama lang, hindi mahaba at hindi rin maikli. Maliit nga lang siya kumpara sa'kin kasi nu'ng naglalakad kami kanina, parang mas mataas ako ng 2 inches.
Iba talaga 'yung presence kapag kasama ko siya. Like what I've said earlier, parang nagkasama na kami dati sa iisang event.
At higit sa lahat, kamukha niya si Leon sa Resident Evil. Putek, kaya pala parang familiar. Parehas pa sila ng name.
Ang tagal na pala naming nagtitigan ni Leon. Hindi ko na kinaya, lumingon ako sa ibang bagay. Hindi ako makapaniwalang matatalo niya ako.
"Probinsyano ka ba?" Out-of-the-box kong question.
"Bakit?" Maikli niyang tugon. Ang tipid niya talaga sumagot. Akala mo naman mauubusan ng salita.
"Moreno ka kasi. Sporty ka, 'no?" Tanong ko.
"Hindi," sabat niya.
"Ilang taon ka na?" Huling tanong ko.
"18," mabilis niyang sagot.
Hindi na ako natutuwa sa pakikipag-usap dito. Ang ikli ng sagot, minsan umiling-iling lang.
"May lugar ba ritong hindi pinupuntahan ng marami?" Nagulat ako sa tanong niya. Hindi sa mismong tanong, kundi sa haba ng pagkakasabi.
"Ano? Pakiulit nga. Iyong mas maliwanag at mas mahaba." Wika ko. Gusto ko siyang magsalita nang mahaba, nag-e-enjoy ako.
Hindi niya ata nagustuhan, lagot. Tumayo siya at naglakad palabas ng canteen. Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at sinundan siya. "Hoy! Saan ka pupunta?" Sigaw ko sa kanya.
Huminto siya saglit at lumingon sa'kin. Pagkatapos ay naglakad na ulit siya papalayo. Hinabol ko siya para sagutin ang tanong niya kanina.
"Abandoned playground. Tara, pumunta tayo ro'n."
Hindi ko sana siya sasagutin kasi natatakot pa ako sa abandonadong palaruan na 'yon. Ang daming kuwento do'n na may multo.
Takot din kaya siya sa multo?
"Ito 'yung abandonadong palaruan. Itong building sa tabi, para 'to sa kindergarten dati, kaso nasunog at maraming namatay. Simula noon, pang-Junior High to College na lang ang school na 'to." Wika ko sa kanya.
Naglakad siya papasok sa building nang hindi man lang nasindak sa sinabi ko. "Hoy? Papasok ka talaga?"
"Oo?" Pagtataka niyang sagot.
Pumasok siya sa loob habang ako nandito sa labas - nagdadalawang-isip kung susundan ko ba siya o hindi. Of course! He won again. Hindi ko kinaya, mas nakakatakot ang mag-isa kaysa sa loob na kasama ko siya. Pumasok na rin ako at hinabol siya.
"Ano ba kasing gagawin mo rito?" Tanong ko.
"Wala," maikli niyang sagot.
Nakakabwisit talaga 'tong lalaking 'to. Sana talaga hindi ko na 'to tinuro.
"Kapag hindi mo ako mahanap, baka nandito lang ako." Ani niya.
Bakit niya naman iisiping hahanapin ko siya? Ano siya, sinuswerte?
"Sa tingin mo ba pupunta ulit ako dito?! Huh?! Kahit kasama pa kita, hindi na ako sasama sa sunod. Bahala ka sa buhay mo kung atakihin ka sa puso dito kapag nakakita ka ng multo!" Galit kong tugon sa kanya.
He chuckled.
HE CHUCKLED, MEN! Anong nakakatawa?
Napalitan ng takot 'yung galit ko nang makarinig ako ng malakas na tunog. Napayakap ako sa kanya dahil sa gulat.
Hindi ko na kaya, natatakot talaga ako. Wala na akong pake kung anong maging reaksyon niya sa ginawa ko. Gusto ko lang mabawasan 'yung kaba ko.
"Balik na tayo," kalmado niyang sambit.
Buti naman!
Hinawakan niya ang kamay ko na ipinagtaka ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano 'yung nararamdaman ko. Para akong kinikilig na nahihiya na sobrang saya na mahihimatay. Basta halu-halong emosyon. Sino ka ba Leon?
Naglakad kami palabas ng building. Bumalik na rin kami agad sa classroom.
"Bes, bes! Gising na."
Nakatulog pala ako sa last subject namin kanina bago mag-free time. I'm still sleepy, buti na lang tumunog nang malakas ang bell, nabuhayan ako ng konti.
"Hindi ka sasama?" Tanong ni Ara sa'kin. Umiling ako kaya umalis na siya. Wala akong gana kumain. Ayaw ko rin munang gumala at makisalamuha.
Walang hiya ka kasi, Jeff.
"Kailangan mo?" Tanong ni Leon sa'kin.
Shit! Lagi na lang akong napapatitig sa kanya. "Class president ako eh, kailangan kong matandaan mukha niyo." Palusot ko.
Payuko na siya at matutulog na rin sana. Gaya-gaya naman 'to.
"Hindi ka ba nagugutom?" Tanong ko habang tinatapik siya.
"Hindi," tumingin siya sa'kin saglit at yumuko na ulit.
Yumuko na rin ako, wala akong magawa. Gusto kong matulog pero hindi enough ang isang oras. Sabog akong magigising at ayoko mangyari 'yon. Last time na gumising akong sabog, pumunta ako sa classroom ni Jeff tapos hinalikan ko siya. Akala ko panaginip, eh.
Biglang tumayo si Leon at lumabas.
"Hoy! Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Ano ba 'yan, pabago-bago ng desisyon.
Here we go again.
Sinundan ko siya at hinabol. Hindi raw siya nagugutom pero pupunta siya sa canteen. Nagutom ako bigla, nakaamoy ako ng spaghetti.
"Kakain ka?" Tanong ko kay Leon.
"Oo," sagot niya.
Malamang, kaya nga pupunta sa canteen, eh, kasi kakain. Ano pa bang ibang dahilan, Daisy? Makikipagsuntukan siya kay Alex?
Alex!
Nakita ko si Alex kasama ang barkada niya sa dulong table ng canteen. May inaakbayan siya na babaeng takot na nakikisama sa kanila.
"Pwede bang isa ibang canteen na lang tayo?" Pakiusap ko kay Leon.
"Bakit?" Tanong niya.
"Mas masarap kasi 'yung pagkain do'n sa kabila." Palusot ko.
Ayokong makita siya ni Alex, baka siya naman 'yung mapagtripan. Anak kasi siya ng isang makapangyarihang tao, lahat ng gusto niyang banggain, binabangga niya. Lalo na kapag...
Nakadikit o malapit sa'kin.
He likes me. Kung anu-ano ang ginagawa niya kapag nagseselos. Muntikan niya na ring mapatay si Jeff dati.
Isa siya sa pinakabaliw na taong nakilala ko. Bakit kasi hindi pa siya na-kick out sa school na 'to? Napakapangit din ng sistema dito, eh. Binabayaran ata ng Daddy niya itong school.
Hindi ako pinansin ni Leon. Nakapila pa rin siya dala ang isang tray. Nakakuha kami ng pagkain at umupo sa kabilang dulo na table, para 'di kami makita.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Nakita ko si Jeff, kumakain sa gitna. Mag-isa lang siya ngayon at gusto ko siyang kausapin pero nasasaktan ako.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Leon.
"Yes," maikli kong sagot.
Nakita kong nakatingin si Alex kay Jeff. Napansin niya na naman ito at mukhang may mangyayari na namang masama.
"Lipat tayo sa gitna," saad ko kay Leon.
"Bakit?" Tanong niya.
"Basta, sumunod ka na lang sa'kin." Hinila ko ang kamay niya.
Lumipat kami sa gitnang hilera ng mga table kung saan malapit at makikita ko nang konti si Jeff. Magkaharap na kami ni Leon ngayon habang kumakain.
Nakita kong tumayo ang grupo ni Alex at parang papunta kay Jeff. Sabi ko na nga ba, may mangyayari na naman. Paano ko na siya maipagtatanggol? Hindi na kami. Ang awkward naman ng sitwasyon.
"Kilala mo sila?" Tanong ni Leon na ikinagulat ko. Alam niya ba ang mga nangyayari sa likod niya?
"Iyong nakaupo sa table na kanina ko pa tinitingnan, ex-boyfriend ko. Tapos 'yung mga naka-varsity, bully sila dito." Bulong ko.
"Di ba sila natatanggal?" Tanong ulit ni Leon.
"Matatanggal saan? Dito? Malabo, makapangyarihan pamilya niyan." Sagot ko sa kanya.
Pero ang hindi ako sigurado hanggang ngayon ay kung bakit hinahayaan lang ni Jeff na mangyari ang lahat ng pananakit sa kanya. Mas makapangyarihan naman si Tito.
Hinahawak-hawakan ni Alex si Jeff sa tenga nito. Dinudumihan naman ng mga kasama nito 'yung pagkain niya. Ang sasama talaga.
Nakatitig lang si Jeff sa table at walang ginagawang kahit na ano.
"Kamusta na ang pogi ng STEM 1? Balita ko may nagtanggol sa'yo kagabi na katulad mo... Isang mababang uri." Narinig kong tanong ni Alex.
Tinitigan lang siya ni Jeff nang malalim na ikinatuwa ng magbabarkada.
"Tumatapang na siya oh. Akala mo papalampasin ko ang ginawa niyo kay Dennis kagabi?" Nakangiting wika ni Alex.
"Hoy lampa! Anong nakain mo?" Tanong sa kanya ng kasama nito.
"Hindi sila magkasama ni Mirasol pre, nag-away ata." Humalakhak si Alex habang hinahampas-hampas nang mahina ang balikat ni Jeff.
Hindi ko namamalayang bumabagsak na ang luha ko. Naghahalo 'yung emosyon ko. Nasasaktan ako kapag ginaganyan siya. Nasasaktan rin ako kasi naaalala ko 'yung nangyari sa'min kagabi.
"Sipon mo," banggit ni Leon.
Bahala na nga, lalapitan ko na sila. Wala na akong pake kung ano pang mangyayari.
"Alex!" Sigaw ko. Sinampal ko agad siya nang makalapit ako. Ikinagulat 'yon ng lahat. "Tumigil ka na. Nagmamakaawa ako."
Lumapit sa'kin si Ara na kararating lang din sa canteen. "Be, ang daming nakatingin."
Nginitian ako ni Alex, hindi pinansin ang sinabi ko. "Hi Daisy! Gagala kami mamaya. Sama ka?" Aniya habang pinapadulas ang kamay niya sa buhok ko.
Baliw talaga.
"Bingi ka ba?!" Sigaw ko sa kanya.
"Kalma baby," bigkas nito. "Binugbog kasi ng alipores nito 'yung bata ko kagabi eh. Iyong alipores na kasama niyang utusan sa school na'to. Paano kaya 'yun natutong lumaban? Gusto kong masubukan kung uubra ba sa'kin."
"So, nabugbog ang bata mo ng madalas niyong i-bully? Buti naman, unti-unti nang bumabalik sa inyo 'yung mga ginagawa niyong katarantaduhan." Bulalas ko sa kanya kahit 'di ko alam kung ano 'yung mismong nangyari.
"Umalis ka na, Alex." Mahinang sabi ni Jeff.
Nanlaki ang mata ni Alex. "Boom! Payag ka no'n, pre, pinapaalis ka? Kung ako 'yan, sinuntok ko na." Panunulsol ng kasama nito.
Biglang hinawakan ni Alex si Jeff sa kuwelyo nito at hinila patayo. Sinampal-sampal niya si Jeff. "Ulitin mo nga ang sinabi mo."
Inalis ni Jeff ang pagkakahawak ni Alex sa damit niya at kinuha ang tumbler nito. Uminom siya ng tubig at kalmadong nagsalita, "Ang sabi ko, umalis ka na."
Hindi na nakapagtimpi si Alex at sinapak niya si Jeff nang paulit-ulit. Nang mahiga ito sa sahig ay tinadyakan siya ng lahat.
"Tumigil na nga kayo!" Galit na galit kong sigaw.
Nakatitig lang si Leon sa'min bago siya lumapit. "Huwag sayangin ang boses."
"Sino 'yan, Daisy?" Tanong ni Alex nang mapansin niya si Leon.
"Boyfriend ko, bakit? Pagti-tripan mo rin ba? Sige lang, makikita mo ang hinahanap mo!" Sigaw ko sa kanya.
Honestly, hindi ko na alam kung ano pang mga sinasabi ko. Pinahamak ko pa si Leon sa sinabi kong 'yon. Nagtaka na rin tuloy si Alex at parehas tiningnan si Leon at Jeff habang nakangisi. "Interesting," mutawi niya.
"Boyfriend?" Bulong sa'kin ni Leon.
Papalapit na sana si Alex sa'min nang may sinenyasan si Leon sa 'di kalayuan - Si Kregga.
Kinuha niya ang isang tray sa tabi niya at patakbong lumapit kay Alex. Humakbang siya sa isang upuang naka-detached sa table para tumalon at hinampas ang tray sa ulo nito. Nawalan ng malay si Alex sa sobrang lakas ng pagkakahampas.
"Kregga?" Gulat kong tawag sa kanya.
Kilala ko siya kasi kaklase siya ni Jeff. But what I don't understand is... pareho silang binubully ni Alex. Paano siya nagkaroon ng lakas ng loob para lumaban ngayon?
Kaanu-ano niya si Leon?
Napatingin tuloy ako bigla sa kanya. Hindi ko napansin na nakahawak na pala siya sa kamay ko habang pinipisil ito.
"Ayos ka lang?" Tanong niya.
"Oo," maikli kong sagot.
"Let's finish this bullshit. Kung sino man ang gustong lumaban sa'kin, humakbang ka lang nang sapat para makita ko at pipilayan kita, ngayon din." Sigaw ni Kregga sa lahat ng nanonood.
Inalalayan ni Ara si Jeff na makatayo at sabay kaming apat lumabas ng canteen.
BINABASA MO ANG
Vigilante
Mystery / ThrillerHaunted by their pasts, a group of young individuals finds a new purpose: joining the Anti-Predator Squad. This shadowy vigilante organization is dedicated to eradicating the rampant crime plaguing the city and its surrounding regions. But their mis...
