V: LEON

100 6 0
                                        

Mentalidad ako kung tingnan,
Malayo sa antas ng malalakas.
Kinikilala pa rin bilang lider at hari,
Sa kahariang hindi mapagmataas.

Tumakbo ka hanggang may lupa,
Umakyat ka hanggang may aakyatan.
Lumukso ka na parang palaka,
Tumakas nang walang kapaguran.

Parehas nang pagod at hinihingal,
Susuko nang may pandaraya.
Maaring putok ay umaligaw-ngaw,
Buti ay may pumatid na binata.

Kung patid lang ang kasagutan,
Hindi na kailangang magpakapagod.
Kung talsik lang ang solusyon,
Hindi na kailangan pang sumugod.

-Mr. Pride

Natt Condominium 

"Pasok!"

Hindi ko alam kung bad trip ba si Tito Frank sa lahat ng kumakatok sa opisina niya o sa akin lang. Paano ba naman? Nakaka-isang katok pa lang ako, sumigaw na agad siya.

"Nasaan po ang VCU? Wala silang lahat sa taas," tanong ko.

"Pumunta sila sa Damasco Hospital para sa resulta ng post-mortem (autopsy) ng katawan ni Allyson," sagot niya sa akin.

"Bakit hindi ako sinabihan?" Reklamo ko.

"Bakit sa akin ka nagagalit? Ako ba ang leader niyo?" Tanong niya.

Bwiset ka, Karma!

"Puntahan ko lang po sila," paalam ko saka umalis.

Babalik na lang ako sa condominium. Maghahanap pa ako ng ibang ebidensya at impormasyon. Sumakay na ako sa sasakyan at dumiretso doon. Nang makarating, nakiusap ako sa staff kung pwedeng umakyat sa taas. Gusto ko kasing makausap ang may-ari. Tinawagan niya muna ito gamit ang telepono, at buti na lang, pinayagan ako.

Binigyan niya ako ng card para ma-access ko ang elevator na designated lang para sa Elite Level, which is floor 71-73. Buti naman, para wala akong makasabay—naiinis kasi ako.

Baka mapagkamalan na naman akong artista.

"Kape?" Alok sa akin ng may-ari. "By the way, I'm Violet," pagpapakilala niya.

"Ay hindi na ho, nag-almusal na ako kanina." Kahit hindi, sana pilitin ako.

"Anong kailangan mo?" Nagtitimpla pa rin siya, buti naman. Ang kapal talaga ng mukha mo, Luckey.

"New member ako ng VCU at gusto ko lang sana ng kooperasyon galing sa Security Control Room," sagot ko sa kanya.

"Ahh, gusto mong i-check 'yung CCTV Cameras?" Inilapag niya sa harap ko ang mainit na kape.

Hindi ako makapag-focus, ang bango. Sayang naman kung hindi ko ito iinumin. Kinuha ko na ang tasa at iinom na sana, kaso...

"Mommy!"

Nagulat ako sa sigaw ng isang babae. Natapon ko tuloy ang kape. Buti kaunti lang ang natapon.

Ang init!

"Hindi ko nagawa 'yung script ko, gosh. Mom! Ba't hindi mo ako gisingi—"

Napahinto siya sa kanyang pagsigaw nang makita niya ako. Kumaway ako sa kanya nang kaunti saka pinunasan ang natapon ko.

"Sa lagay mong 'yan, papasok ka pa?" Tanong ni Ate Violet sa anak niya.

Umupo siya sa harap ko at nang mapansin niya ang ID ko, lumapit agad siya sa akin. "Taga-VCU po kayo?!"

Hindi ko alam kung ang gulat niya ay dala ng excitement o takot. "Oo, bakit?" Pagtataka ko.

"Wala, tanong lang," pagbago niya ng mood.

Okay.

"She is Daisy, my one and only flower," pagpapakilala ni Ate Violet sa kanyang anak.

"Papasok pa ba ako, Mom?" Tanong ni Daisy sa Mama niya.

"Bahala ka sa buhay mo. Kung papasok ka man, umuwi ka nang maaga. Huwag kang gagala dahil dadalaw ang Tita Gumamela mo rito mamaya," saad ni Ate Violet.

"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong sa akin ni Daisy.

"Investigation tungkol sa murder case kagabi," sagot ko.

"Ah 'yung sa floor 67? Hindi niyo po nata-tanong, pero may kakaiba pong nangyari sa akin sa floor 67 noong nakaraang linggo." Tinataas-taas niya ang kilay niya habang nakatingin sa akin.

"Mayroon ba?" Tanong ko.

"Tanungin niyo po muna ako, sabihin niyo, 'may kakaiba ka bang naramdaman'?" Wika niya sa akin.

Loko 'tong batang 'to.

"Okay, may kakaiba ka bang naramdaman sa floor 67 noong nakaraang linggo?" Tanong ko ulit sa dalaga.

"Sunday night, I was in the club bar with my friends. Busy kami sa inuman at kantahan kasi...

VigilanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon