Yumayao na mahal sa buhay,
Huwag hayaang makatulog.
Kumbinsihin na manatili,
Kahit malapit nang mahulog.
Naghihingalo na sa sakit,
Marami ang pinagdaanan.
Akmang susuko, hindi pwede,
Marami ang maiiwanan.
Ang ala-ala ay bumabalik,
Kasiyahan ay nagpaparamdam.
Katotohanan ay humahagupit,
Kalungkutan ay nangingialam.
Mahirap man na bitawan,
Nakasanayan nating kasama.
Pagpahingahin na sa kapayapaan,
Hangga't may oras, mamaalam na.
-Mr. Pride
Ilustrado
"Marumal? Nililigtas lang ni Leon si Alex."
Pinilit ko ang sarili kong maniwala sa kanilang tatlo pero 'di talaga kaya ng konsensya ko.
"Ahuh, akala mo siguro sinasakal ni Boss si Alex. Te, sini-cpr niya lang 'yung tao, nagpapakamatay kasi." Sabi ni Kregga.
I don't get it. Nagpapakamatay? Si Alex?
Pero parang tama si Kregga, nililigtas lang ni Leon si Alex kanina. The moment na umakyat ako sa second floor, taas-baba 'yung braso ni Leon. Kung matino ka pa namang tao, hindi ka mananakal ng ganoon.
Ano 'yun, sakal-hinga, sakal-hinga? Ang bobo mo talaga Daisy.
Bakit kasi hindi sila tumawag ng medic? Kahina-hinala pa rin sila kung iisipin. Unang-una sa lahat, hindi alam ni Alex ang lugar na 'to. Kailangan pang lumusot sa dalawang bakod para makapunta rito. Aakalain ng mga estudyante na hindi na 'to sakop ng school.
Paano makakapunta si Alex dito? Bakit siya magpapakamatay?
"Kung iniisip mo na dapat tumawag kami ng tao sa clinic, sinadya namin 'yon dahil sa isang bagay." Banggit ni Danica.
"Ako, ikaw, si Rhivanni, Yehnah, Kregga, at si Reagar lang ang nakakaalam ng lugar na 'to. Kapag sinabi mo sa Clinic na may nagpakamatay dito, sa tingin mo maniniwala sila? Hindi, kasi ang lugar na 'to ay matagal nang hindi pinupuntahan.
"Maraming kaibigan si Alex at kapag tinanong mo 'yun ng isa-isa kung alam ba nila ang lugar na 'to, ang isasagot nila ay hindi. Iyon ang pagba-basehan ng mga tao na ang taong ito ay hindi nagpakamatay, kundi ay pinatay.
"Kapag nalaman ng pamilya ni Alex ang nangyari, maghihiganti sila sa'kin dahil ako ang pinag-iinitan ni Alex ngayon. Ang Ama niya ay Chairman ng LB Furnitures, isang taong makapangyarihan.
"At kung iniisip mong papatayin ko 'tong bata na 'to, nagkakamali ka. Bakit ko naman 'yun gagawin? Natalo na ba ako nito sa suntukan? Kung may papatay man sa lalaking 'to, one thing is for sure...
"Isa siya sa mga talunang nabiktima ng pambu-bully." Wika ni Leon.
Inunahan niya na ako sa lahat ng sasabihin ko. It makes sense naman. But the fact silang dalawa ni Jeff ang binu-bully ni Alex, hindi ko magawang maniwala.
JEFF?
Hindi niya naman siguro pinatay si Alex? Tama, hindi, hindi niya 'yun magagawa. Kilala ko siya at takot siya sa kahit na anong gulo, maging sa usaping patay.
"Huwag mo nang palalain ang gulo. Nailigtas ko man 'to o hindi, iiwanan natin siya dito hanggang sa matagpuan siyang nabubulok. Lahat tayo babangungutin ng konsensya, walang makakaligtas sa'tin."
"Kung balak mong sirain ang buhay mo, ngayon pa lang magsumbong ka na." Inutusan ni Leon si Kregga na tanggalin ang pagkatali sa'kin.
May point naman siya, hindi ko lang kaya gumawa ng mali. Gusto kong i-report 'yung pagpapakamatay ni Alex kaso lang baka wala talagang maniwala.
Baka maging suspect pa kaming apat sa nangyari.
TELEVISION NEWS:
The son of Leonardo Acedia was found dead in an abandoned structure located at Ilustrado University.
The current President of LB Furniture is appealing to those handling his son's case to do their job well. They do not believe their son committed suicide, and this was confirmed by a doctor from Damasco General Hospital.
BINABASA MO ANG
Vigilante
Mistério / SuspenseHaunted by their pasts, a group of young individuals finds a new purpose: joining the Anti-Predator Squad. This shadowy vigilante organization is dedicated to eradicating the rampant crime plaguing the city and its surrounding regions. But their mis...
