III: CRIMINAL PROFILING

107 7 2
                                        

Binabagabag ng damdamin,
Hanggang sa panaginip sinusundan.
Hindi makaalis, hindi makatakas,
Patuloy na tinatawag ng laman.

Ang bisyo ay hindi gusto,
Pinipilit na magbagong buhay.
Ngunit kabataan ang ginugusto,
Nagpapasaya sa kanya nang tunay.

Kamatayan ang nakikitang solusyon,
Nahihirapan nang lumaban.
Nag-agaw buhay na't kinumbulsyon,
Nabuhay pa rin kahit makasalanan.

Mahirap mang hanapin ang lunas,
Nagkaroon ng temporaryong paghinto.
Kamatayan ang sagot, hindi hugas,
Kaysa magmalinis ay magmatino.

-Mr. Pride


NATT CONDOMINIUM


Ang Violent Crimes Unit o VCU ay isang Investigation Unit, kung saan sila ang humahawak sa mga kasong HOMICIDES, MGA KAHINA-HINALANG PAGKAMATAY, ADULT SEXUAL ASSAULTS, PAGDAKIP, PAGNANAKAW, EXTORTION, MGA PANANAKIT AT PAGKAWALA NG MGA TAO. 

Ang VCU ay kalimitang binubuo ng limang miyembro; isang POLICE SERGEANT at APAT NA POLICE DETECTIVE. Ngunit sa kaso ng Violent Crimes Unit sa kwentong ito; mayroong isang POLICE CAPTAIN, CRIMINAL PROFILER, POLICE CHIEF AT DALAWANG DETECTIVE. 

Isang malamig na bangkay ang sumalubong sa mga pulis pagpasok nito sa Unit 679 ng Natt Condominium. Ang labi ay naninigas at naaagnas na. Ang lagay ng biktima ay karumal-dumal dahil ang mata nito ay dilat at ang leeg ay may bakas na siya ay pinatay sa pamamagitan ng lubid.

Ang nakadiskubre ng bangkay ay isang matandang Janitor na kilala sa pangalang, "Mang Ben." Siya ay kasalukuyang naglilinis nang aksidente niyang makita ang labì ng biktima.

"Ano pong pangalan niyo?" Tanong ng isang Pulis.

"Ako po si Ruben Mariano, 52 na taong gulang. Isa po akong janitor sa condong ito." Sagot niya.

"Ako naman po si Daniel Reagar, Deputy Chief ng MMPD. Pwede niyo po bang ipaliwanag sa'kin ang mga nangyari?" Interview ng Pulis.

"Katatapos ko lang gumamit ng banyo no'n. Pumunta ako sa mga Janitress." 

[2 hours ago] 

May isang matandang janitor sa isang condominium na kasalukuyang gumagamit ng banyo. Siya ay dumudumi nang biglang may tumawag sa kanyang telepono. Sinagot niya ito ngunit wala namang nagsasalita. Pagkalipas ng isang minuto ay binaba niya ang tawag.

Pumunta siya sa kinaroroonan ng mga janitress upang tanungin ito kung tapos na nilang linisin ang Floor 66 hanggang Floor 70 ng condo. Sumagot ang mga ito, "Hindi pa."

Narinig ng janitor na nag-uusap ang mga janitress tungkol sa kanilang kakainin. Nagpasya siyang makisabay ng makakain kung sakaling bibili ang mga ito. "Bibili kayo ng ulam?" Tanong ng Janitor.

"Opo, Mang Ben." Sagot ng isa.

"Pwede bang makisabay? Nagugutom na rin kasi ako." Sabi ni Mang Ben.

"Sige po. Ano po ang ipabibili niyo?" Tanong ng janitress.

"Kahit ano na lang siguro. Kung ano ang bibilhin niyo, ganu'n na rin sa'kin." Sabat ni Mang Ben.

"Sige po. Bibili na po kami." Paalam ng mga ito sa kanya.

Nang maka-alis ang mga janitress ay nagtungo na si Mang Ben sa floor 66 upang maglinis. Maayos naman ang kanyang pagtatrabaho sa palapag na ito. Pagkatapos ay umakyat siya floor 67 para matapos na agad ang kanyang paglilinis. Gumamit siya ng elevator paakyat dito.

Paglabas niya sa elevator ay nakaamoy siya ng hindi kaaya-ayang sangsang. Tiningnan niya ang paligid para i-check kung may patay bang daga o pusa ngunit wala siyang nakitang kahit ano. Hindi niya na lang ito pinansin at nagpatuloy sa pag mop ng sahig.

Kahit may nararamdaman na siyang kakaiba ay patuloy pa rin siya sa paglilinis hanggang sa matapat siya sa UNIT 679. Dito na siya sobrang nakaamoy ng hindi maganda.

Inisip niya na baka may namatay ditong hayop na naiwanan ng may-ari dahil hindi napakain. Kaya't idinikit niya ang kanyang tenga sa pinto upang pakinggan ang mga nangyayari sa loob. Wala siyang narinig na kahit ano.

Sinilip niya ang ilalim na bahagi ng pinto at napansin niyang bukas ang ilaw sa loob. Kinatok niya ang nasabing unit ngunit hindi ito bumubukas kahit na sumigaw-sigaw na siya sa labas.

Lumabas ang isang residente sa katapat na unit. Hindi niya ito pinalampas at nagtanong, "Ka-kilala niyo po ba ang nakatira dito?"

Itinanggi ito ng babaeng nakatira sa tapat ng unit. Maging ang masangsang na amoy ay ngayon lang din niya napansin.

Sa sobrang pag-aalala ni Mang Ben ay bumaba siya at pumunta sa staff upang manghiram ng susi. Nu'ng una ay hindi siya pinapayagan nito ngunit nang ipinaliwanag niya ang kanyang mga napansin ay pinahiram din siya ng susi.

Nagmadali siyang sumakay sa elevator. Pinindot niya agad ang 6 at 7 saka umakyat. Pumunta siya sa UNIT 679 at dito bumungad sa kanya ang patay na...

"Tao!"

"May patay na tao!" Sigaw niya na may kasamang gulat. Sa sobrang takot ay nanikip ang kanyang dibdib at nawalan siya ng malay. 

[Present time] 

"Nagising na lang po ako na pinapaypayan na nila ako. Napagdesisyunan naming tumawag sa Violent Crimes." Sabi ni Mang Ben.

"Buti sa'min po kayo tumawag. Iyong iba ayaw sa'min, gusto sa Serious Crime Unit." Saad naman ni Daniel.

"Kayo po ang mas kilala namin," wika ni Mang Ben. 


TELEVISION NEWS: 

A lifeless woman was discovered at Natt Condominium at 9:00 PM tonight. She has been identified as Allyson Davis, 37 years old, and is the seventh victim found in the aforementioned condominium.

Police suspect she was strangled to death.

The discovered body was highly sensitive and was not publicly displayed, as it was found in an upright position with ropes wrapped around it.

There were no witnesses to this incident, leading case investigators to state that evidence is the sole means of apprehending the culprit. Michelle Dy, CBC News. 

Maganda si Karma, hindi na ako magsisinungaling. Light Morena ang balat niya na buma-bagay sa personality na mayro'n siya. Tama lang 'yung haba ng buhok niya, lagpas nang konti sa balikat. Medyo mahaba 'ang pilikmata niya na buma-bagay sa tamang laki at hugis ng kanyang mata. 

Ang paborito kong part ng katawan niya ay 'yung medyo matangos niyang ilong. Heart naman ang shape ng kanyang labi. Love at first sight ba 'to? 

"Nandito na pala kayo. Kamusta 'yung nahuli?" Tanong ni Daniel kay Karma.

"Naidala na sa presinto," sagot nito.

"Ito na ba 'yung galing sa NBI?" Tanong ulit ni Daniel. Tumango si Karma bilang pagsang-ayon.

"Luckey Buenaventura, 36 years old. Former Private Investigator from NBI transitioning to a Criminal Profiler or Detective Buenaventura from VCU." Sumaludo si Luckey.

"Ang dami mong sinabi," bulong ni Karma.

"Hindi ba dapat ganun?" Tanong ni Luckey.

"Oo, pero same vibes lang naman kayo ng kaharap mo." Pagtataray ni Karma.

Humalakhak si Daniel bago magpakilala, "I'm Police Deputy Chief Daniel Fernando Reagar, 42 years old. Pinanganak ako sa Pateros at doon lumaki. Bata pa lang ako, nakikita ko na ang sari-"

"Siya ang may hawak sa investigation unit natin. Madalas siyang tumambay sa opisina natin kaya mapapansin mong may table siya roon. Ayaw niya sa room na parang katulad sa'tin kasi claustrophobic siya." Pagputol ni Karma sa pagpapakilala ng Ama.

Lumapit si Daniel kay Karma at bumulong, "Bakit mo sinasabi?" Ngumiti si Karma dahil dito.

Nang matapos ang pagpapakilala ay inutusan na agad ni Daniel si Luckey para i-check ang buong crime scene.

Napagkasunduan din nila ng Team Leader ng Forensics na palabasin muna ang lahat ng nasa loob para maiwang mag-isa si Luckey. Sinabi ni Luckey na hindi naman kailangan pero gusto atang malaman ni Daniel kung paano kumilos ang Criminal Profiler na nakuha nila.

"Iyong ibig mo bang sabihin sa same vibes kami ay pareho kaming pogi? Kaso parang may sayad 'yang nakuha mo 'nak." Bulong ni Daniel kay Karma.

"Pareho po kayong may tililing," sambit naman ni Karma.

Humakbang si Luckey ng dahan-dahan at masinsinang tiningnan ang paligid. Walang bakas ng pagbalibag sa pinto ngunit ang pintuan ay may gasgas. Malinis ang sahig at walang dugong tumulo. "Namatay talaga ang biktima sa pagkapos ng hininga."

Nilibot niya ang buong bahay at nakita niya na; hindi maayos ang pagkakapatay sa shower kaya't may patak pa na tumutulo dito. May tasa ng kape, palatandaan na ang biktima o ang killer ay nag tsaa noong time ng krimen. Magulo ang higaan na nagsasabing dito nangyari ang pagpatay. At may footprint na naiwan dito sa likod ng sofa, sa likod ng kurtina, at pati na rin sa likod ng pinto ng kwarto. Iisa lang ang laki ng mga footprint na natagpuan.

Tiningnan ni Luckey ang biktima. Ito ay nakatayo at balot ng lubid sa katawan; isa sa leeg na naka-konekta sa pader kaharap ng kanyang likod, isang paikot sa baywang na nakakabit sa pader kaharap ng biktima, isa sa kanang paa na nakakabit sa kaliwang pader, isa sa kaliwang paa na naka-konekta naman sa kanang pader, at isa sa ulo bandang noo na nakakabit sa sahig.

Ang bawat tali ay nakakabit sa hook na gawa sa ginto. Ang isa pang kakaiba sa biktimang ito ay may nakakabit pang lubid sa dalawa niyang pala-pulsuhan. Ang kaliwang wrist ay naka-konekta sa kisame kaharap ng kanyang kaliwang balikat habang ang kanan nama'y naka-konekta rin sa kisame ngunit medyo malayo sa kanang balikat nito.

Kaya't kung titingnan ang dalawang buong braso ng biktima ay naka-hugis itong, "L." Ang kanyang mga hintuturo ay nakalabas, ang ibang daliri ay sara. Kung titingnan ang kisame kung saan nakaturo ang kaliwa ay may makikita ritong "F" habang sa kanang pader naman kung saan nakaturo ang kanang kamay ay may nakasulat na "T."

Niluwagan ni Luckey ang gapos sa leeg ng biktima at napansing hindi ito ang lubid na pumatay sa kanya. Manipis lang ang bakas, "Ano kayang ginamit dito? Hindi kaya makapal na sinulid?"

VigilanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon