CHAPTER 11: ALEX

55 6 0
                                        

Tinatamad man kung kumilos,
Sinisipag naman kapag pumapatay.
Ito ang gawain ng isang lider,
Umaasa sa pagkilos ng alalay.

Kinailangan pang magpatulong,
Sa pabango at taga-maneho.
Tamad nga kung tutuusin at iisipin,
Kapag may binabalak nagpapa-areglo.

Ang lamya pumili ng biktima,
Dapat ay tulog o namamahinga.
Dinadaya sa isang kemikal,
Mahina lang kasi ang pinipili niya.

Matapang ang kape kung kakayanin,
Hindi mahihilo't aantukin sa byahe.
Makapag-iisip ng tama kung tutuusin,
Walang karumal-dumal na mangyayari.

-Mr. Pride


TELEVISION NEWS: 
Another body was found in Makati City at 3 o'clock this afternoon. 

According to the police investigation, the victim was r*ped and killed by stabbing. The said case has similarities to previous r*pe-slay cases found in the alleys of Tondo, Manila. 

CSI has already preserved the crime scene and is just waiting for the Violent Crimes Unit to handle the case. Anthony Hill, CBC News. 


"LAGPAS SAMPU ANG MGA KASAMA NI ALEX!" 

May kausap si Leon sa phone niya. I don't know who he was taking with. Ang naririnig ko lang ay may tinatawag siyang Rogue

I really need to think. Kailangan kong gumawa ng paraan. It's my fault anyway, sinabi kong boyfriend ko si Leon. 

"Ano naman?" Tiningan niya ako saglit tapos bumalik din agad sa kausap niya. Maya-maya pa'y binaba na niya ito at nag lakad papunta sa motor. Gusto niya ba talagang mapahamak? May balak pa siyang lumapit sa lagay na 'yan? 

I mean... Nanghihina pa rin ako sa something na itinurok sa'kin ni Eduard. Alam ko ring nakakapanghina 'yung taser gun na binaril ko kay Leon at matagal mawala ang effect nito. 

Ang bilis niya naman maka-recover if ever. 

I followed him para kapag may nangyari sa'king masama, siya ang sisi-sihin ko. Kapag namatay siya, mamamatay din ako. 

Nakita kong may kasamang dalawang babae sila Alex. Hindi ko sila namu-mukhaan kasi 'di ko naman sila nakikita sa Ilustrado. 

Nag sitayuan sila nang makita nila si Leon kasama ako. Nagkatinginan muna sila bago nila pinulot 'yung mga pamalo nila. 

"Hi Leon!" 

I stand next to him para somehow, hindi siya magalaw. Alam kong hindi ako kayang saktan ni Alex. 

"Oh, babe! Nandito ka rin pala?" Bigkas ni Alex na katatapos lang mag yosi. Ba't kasi walang mga bantay sa lugar na 'to kahit tanod man lang? Pinalibutan na tuloy nila kami. Hindi na ata kami makakatakas dito. 

"Ano pang inaantay niyo? Upakan niyo na! Huwag niyo lang saktan ang babae." Utos ni Alex sa mga kasama niya. 

But before that happens, itinaas ko na ang kamay ko. I already have an idea para mahinto ang gulo. 

"Pwede bang mag-usap muna tayo Alex?" Pakiusap ko sa kanya. 

"Anong plano mo?" Tiningnan ako nang masama ni Leon. 

Ngumiti si Alex at sinenyasan ang mga kasama niya na huwag munang ituloy ang kanilang gagawin. Naglakad naman ako papalayo sa kanila at pinasunod ko si Alex sa'kin. 

Pumunta kami sa lugar kung saan hindi nila kami maririnig at makikita. 

"Anong sasabihin mo?" Tanong ni Alex sa'kin. He combs my hair using his hand. It creeps me out. 

"Papayag na akong lumabas kasama ka," sambit ko sa kanya. 

Pinasok niya ang daliri niya sa kanyang tenga at tinanggalan 'yon ng tutuli kahit wala namang nakabara doon. "Pakiulit nga ng sinabi mo?" 

"Papayag na akong lumabas kasama ka pero ititigil mo na ang pambubully sa lahat ng students sa Ilustrado." Paglilinaw ko. 

Pumunta siya sa likod ko at tumawa nang malakas. Anong nakakatawa sa sinabi ko? May mali ba? 

Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko, "Gusto mong ihinto ko ang pambubully sa Ilustrado, kapalit ng pakikipag date sa'yo?" 

VigilanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon