VII: FIRST SUSPECT

77 6 0
                                        

Naglalakad sa piraso ng lubid,
Nakatingin sa kabilang dulo.
Dala ang patpat upang mabalanse,
Ang paghulog ay hindi sigurado.

Minsan nang nawala at nagbalik,
Naging banta sa gabing malagim.
Akala ng ibang tao ay patay na,
Dumidiskarte pala ng palihim.

Wala nang maisip na sisisihin,
Bumabalik sa dating kagawian.
Kapag hindi kinakaya, nabibitin,
Itinuturo ang walang kamalayan.

Hanapbuhay ang puno't sanhi,
Kaya nagaganap ang hindi dapat.
Mag-isip ng tama't may binhi,
Magdesisyon ng karapat-dapat.

-Mr. Pride 


"Konti na lang, mabubuo ko na ang istorya mo. Lagot ka sa'kin men, ako mismo ang huhuli sa'yo. Kailangan ko lang ng matibay pa na ebidensya." 

Sa pangalawang pagkakataon ay bumalik kami ni Karma sa crime scene. Nahihirapan kasi akong makabuo ng konklusyon sa kasong ito lalo na't bukod sa wala kaming mahawakang matibay na ebidensya ay wala ring nakasaksi na pwedeng tumestigo. 

Ang tanging maaasahan ko lang ay ang imagination at speculation kong pang siraulo. Hindi pa one hundred percent sure. 

"Sinong kausap mo?" Pagtataray na tanong ni Karma. 

"Sarili ko, bakit? Gusto mo ba akong kausapin?" Sagot ko. 

"HAHA baliw," bulong niya. 

"Karma, kung ikaw 'yung killer at papasok ka sa condong ito, ano ang una mong pupuntahan?" Tanong ko sa kanya. 

"Rooftop?" Sagot niyang patanong. Hindi siya sure. 

"Bakit?" Tanong ko ulit.

"Maganda ang tanawin," maikli niyang sagot.

Sabagay, maganda nga ang tanawin dito. Try niya kayang mag punta sa probinsya, maganda ro'n ang mga building. 

"Okay, pumunta tayo ngayon sa rooftop." Sabi ko sa kanya. 

"T*ng ina mo! Ginawa mo akong utak kriminal." Galit niyang sigaw.

Ang lutong no'n ah. Tagos sa puso ko. 

"Sundan mo na lang ako," saad ko saka umalis. 

Bumaba kami at pumunta sa staff para hingiin ang susi sa rooftop. Pag pasok namin sa elevator ay napansin kong hindi gumagana ang CCTV dito. 

"Itong condo na 'to 'di ko malaman kung naghihirap ba o under renovation." Wika ko. 

"Under renovation naman talaga," nakapulupot ang mga braso ni Karma sa dibdib. 

"Huh? Kailan pa?" Tanong ko.   

"Hindi mo ba nabasa sa baba?" Tanong niya pabalik. 

Kung alam ko lang eh. Kinuha ko na lang ang mini notebook ko at sinulat ang word na 'renovation.' 

"Sorry ah, malabo na kasi mata ko." Sarkastiko kong sambit. 

Dumating ka kasi sa buhay ko. 

Nakarating na kami sa floor 70 dahil hanggang doon lang ang residency elevator. Dumiretso kami sa hagdanan at inakyat ang rooftop. Habang humakbang pataas ay nakita ko ang liwanag galing sa pinto. Bukas na pala ito, humiram pa ako ng susi. 

"Pumunta ang killer dito 'no?" Tanong ni Karma sa'kin. 

"Hindi ko alam," sagot ko kahit 'yun naman talaga ang naiisip ko. 

"Hindi naman tayo pupunta dito kung hindi naramdaman ng instinct mo." Ani niya. 

Nandito na kami sa rooftop at wala naman gaanong kakaiba, maliban sa pinto syempre. Ininform sana kami ng staff na nakabukas ang pinto kung isa sa tauhan nila ang pumunta rito para sa isang bagay, pero hindi. Ibig sabihin hindi nila alam na bukas dito. 

Isa pa, yupi ang bahagi ng pinto. Halatang pinilit itong buksan sa pamamagitan ng pwersa. 

"Bakit kaya siya pumunta rito?" Nagtataka si Karma. 

"Maganda kasi ang tanawin," sagot ko habang nakatingin sa kanya. 

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung anong ginawa ng killer dito. Nakakainis! Mautak siya. Pumatay siya habang nasa renovation 'tong condo.

Sa pagkakataong ito, may isang tao ang biglang pumasok sa isip ko. Isang tao na sampung taon nang nawawala.

"Arthur," bulong ko.

"Arthur?" Naguguluhang tanong ni Karma.

Ang dating pangalan ng condong ito ay Floret Tower. Ito 'yung panahong pagmamay-ari pa ni Arthur ang buildings na 'to. Regalo niya ito sa kanyang mag-ina dahil dati silang nakatira sa squatter area ng Manila. Kaya lang, na-bankrupt ito taong 2009 at binili ng entrepreneur na si Nathaniel Gregorio. Pinalitan niya ito ng pangalan at ito'y naging Natt Condominium. 

Okay, naaalala ko na ang lahat. Kaya pala parang pamilyar sa'kin si Ate Violet at Daisy. Sila pala 'yung nakita ko sa magazine dati na mag-ina ni Art. 

"Balik tayo ulit sa Unit 679. May hahanapin lang ako." Banggit ko kay Karma.

Bumaba ulit kami at pumunta sa crime scene. Alam ko na ang hahanapin kong ebidensya.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Karma. 

"Husband and Wife things," sabat ko sa kanya. "Joke lang! Ang gusto kong gawin natin ay...

"Maghanap tayo ng baraha." Utos ko.

"Huwag mong sayangin ang oras ko. Bakit baraha?" Tanong niya.

"Will tell you later on." Kinindatan ko siya.

Sa limang minuto naming paghahanap ay sa wakas, may nakapa na rin ako sa loob ng unan. Hindi naman totally loob, nasa loob ng punda nito. Kinuha ko iyon at doon ko nakumbinsi ang sarili ko na malaki ang posibilidad na si Art ang may gawa ng lahat ng 'to.

"Ace of Hearts," bigkas ni Karma habang ipinapakita ko sa kanya ang nahanap ko.

"Naalala mo 'yung sasakyan na hinabol natin last week? Iyong baraha sa gulong no'n? Parehas ng design at material sa baraha na 'to." Mutawi ko saka kumindat.

Binigay ko ang baraha kay Karma at hinayaan siyang tingnan ito. Nagulat pa siya sa hindi ko malamang dahilan.

"Bakit?" Tanong ko.

"Anong ibig sabihin ng Pride?" Tanong niya habang pinapakita sa'kin ang likod na bahagi ng baraha.

Nagulat din ako. May nakasulat palang Pride do'n? Hindi ko napansin kanina. Nakatingin lang kasi ako kay Karma.

Napansin kong nangangatog ang tuhod nya. Bigla siyang nanghina at mukhang may iniisip na malalim.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.

"Umalis na tayo," para siyang nagmamakaawa sa'kin.

"Okay,"

Lumabas kami ni Karma sa crime scene. Kinuha ko ang phone ko at tumawag kay Daniel.  

PHONE CALL: 
Luckey: May primary suspect na ako. 
Daniel: Sino? 
Luckey: Pahanda na lang ako ng whiteboard tsaka projector. 
Daniel: Sige.  

VigilanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon