Ang eskinita ay parang peklat sa mukha ng lungsod—makitid, amoy basura, at naiilawan lang ng isang poste na kumukurap-kurap at tila naghihingalo.
Isa itong perpektong hunting ground para sa mga holdaper.
"Bilisan mo, totoy. Ibigay mo na pati 'yung cellphone mo. 'Wag mo nang hintaying gamitin ko 'to." Ang boses ay nanggagaling sa isang lalaking may malaking tiyan. Ito ay nakasuot ng madungis na denim jacket.
Mabilis niyang nilabas at pinaikot ang kanyang balisong [snick-snack].
Ang biktima ay isang batang halos trese anyos lang na may suot na malaking salamin. Siya ay nanginginig na sa takot. Tumutulo na rin ang luha niya habang kinakapa ang bulsa at inaabot ang kanyang manipis na wallet.
"P-parang awa niyo na po, pambaon at pamasahe ko lang 'to," nauutal na sabi ng biktima.
"Ang malas mo lang at bayaran na ng renta, totoy." Hinablot ng lalaki ang wallet at dinuro ang bata upang hingin din ang cellphone nito.
Sa itaas ay nakadapo ang isang lalaki sa kinakalawang na fire escape ng isang lumang gusali. Ang lalaking ito ay nanonood sa nangyayari.
Ang suot niya ay praktikal lang para sa isang binatang kumikilos sa dilim o anino: itim na cargo pants, simpleng itim na t-shirt, at gaiter mask na nakatakip sa kanyang ilong pababa. Ang gloves niya ay fingerless leather na may gasgas sa dami ng inakyat niyang pader.
Hindi kumurap ang binata. Kalkyulado niya ang bawat detalye; ang distansya, ang laki ng lalaki, at ang pwesto ng hawak nitong patalim.
Hinablot na ng lalaki ang cellphone ng biktima. "Layas na bago pa kita—"
[KLANG]
Bumagsak ang binata mula sa ikalawang palapag. Hindi siya lumapag nang maingay, lumapag siya nang tahimik at pulido gaya ng isang pusa. Ang boots niya ay tumama sa takip ng dumpster sampung talampakan mula sa likod ng holdaper bago siya tumalon pababa sa mismong sahig.
Sapat na ang ingay na 'yon para mapalingon niya ang holdaper hawak ang balisong nito. Nanliit ang mata nito sa dilim.
"Sino 'yan? Umalis ka na, hindi ka kasali rito."
Humakbang ang binata sa ilalim ng ilaw ng poste. Nakatayo lang siya nang tuwid at kalmado, halata sa postura niyang nakahalukipkip. Ang kanyang mga mata lang ang nakalitaw sa mukha niyang may saplot na maskara.
"Sore, kimi no janai yo [That's not yours, you know]," sabi ng binata. Hindi malalim ang boses niya pero ito'y may katigasan at malamig.
Tumawa ang lalaki na may pangit na halakhak. "Galing ka ata sa cosplaying, bata? Pinagsasabi mo? Umalis ka na bago pa kita bigyan ng malalim na hiwa sa mukha mo."
"Last chance," sabi ng binata. "Otoshite [Drop it]."
Ngumisi lang ang holdaper at biglang sumugod. Isang padalos-dalos na saksak ang kanyang bungad na ang layunin ay manakot lang at hindi pumatay. Inaasahan niyang aatras o matataranta ang binata.
Pero hindi ito umatras ni kahit isang pulgada. Sa halip, pinasok niya rin ito at sumugod.
Yumuko siya sa ilalim ng braso ng lalaki at kumilos nang may bilis na hindi aakalain. Habang dumadaan ang patalim sa ibabaw ng ulo niya ay pinatama ng binata ang siko niya sa braso ng lalaki.
Narinig ang pagtunog ng buto nito. Umungol ang lalaki at kusa niyang nabitawan ang hawak na sandata. Kumalansing ang balisong sa aspalto.
Bago pa mag proseso ang sakit sa lalaki ay inikutan na siya ng binata. Isang matigas na tulak ng palad ang pinatama niya sa sikmura ng holdaper. Sapul. Naubusan ng hangin ang malaking lalaki.
Napaluhod ang holdaper, humahagok, at nanlalaki ang mga mata. Sumuntok siya nang pabigla-bigla gamit ang kabilang kamay.
Hindi lang ito iniwasan ng binata; sinabayan pa niya ang galaw. Sinalo niya ang pulso ng lalaki at ginamit ang bigat nito para paikutin siya. Malakas na sinipa ng binata ang likod ng tuhod ng holdaper.
Bumigay ang binti ng lalaki. Sumubsob ang mukha niya sa pader ng eskinita bago dumulas pababa sa tambak ng basura. Sinubukan niyang bumangon pero bumagsak siya ulit na may paghabol sa hininga.
Tumayo ang binata sa tapat niya. Kinuha niya ang wallet at cellphone mula sa bulsa ng pantalon at jacket nito habang nanginginig pa ang kamay ng holdaper.
Humarap siya sa biktima na nakasandal sa kabilang pader na may panlalaki ng mata at hindi makagalaw sa gulat.
Lumapit ang binata sa kanya. Hindi siya ngumiti; inabot niya lang ang ari-arian nito.
"Take it," sabi niya.
Nanginginig na kinuha ng bata ang mga gamit niya. "S-sino ka po?"
"Doesn't matter," sagot nito. Tumingin siya sa dulo ng eskinita kung saan naririnig na ang papalapit na sirena ng pulis. "Go home. Stick to the main roads. Genki de ne [Be safe]."
Tumango nang mabilis ang biktima at tumakbo papunta sa poste ng ilaw. Nang lumingon siya sa pinanggalingan ay wala na roon binata kundi ang holdaper na lang na noon di'y nakahilata pa rin.
Sa kabilang banda ay mayroong isang babae na tinatayang nasa edad 17 anyos. Siya ay nagmamadaling naglalakad sa kalsada bandang alas dose ng gabi. Siya ay galing sa isang paggala at nagmamadali sa kanyang pag-uwi dahil sobra na siyang nagugutom. Bukod pa roon ay malaki ang posibilidad na pagalitan na rin siya ng kanyang mga magulang dahil sa pag-uwi ng alanganin.
Natapat siya sa isang madilim na eskinita na halos wala nang nagdaraan at nakarinig siya roon ng isang nakakakilabot na tunog. Nilapitan niya ito upang marinig nang mas malinaw.
"Tulong! Tulong!" isang tinig ang nagmakaawa.
Agad na bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kabado niyang pinasok ang eskinita habang nagda-dial sa 911. Dahan-dahan din ang paghakbang niya upang hindi siya marinig. Sinundan niya ang daan kung saan palakas nang palakas ang tunog.
Sa 'di kalayuan ay nakita niya ang dalawang lalaki. Ang isa ay nakasuot ng kulay-abong patient gown na pawang tumakas lang sa ospital. Ang mukha niya ay mukhang nasa 30-40 taong gulang. Ang isa nama'y nakasuot ng itim na jacket at malapad na sombrero. Siya ay nasa edad 40-50 taong gulang.
Walang habas na binu-bugbog ng lalaking naka-jacket ang lalaking naka-gown. Naawa ang dalaga sa kaawa-awang kalagayan ng biktima kaya't agad niya itong inawat upang matigil ang pananakit.
"Hoy, Kuya! Anong ginagawa mo?!" Sigaw niya sa naka-jacket, halata sa kanyang boses ang takot at pagkagulat.
"Umalis ka na, Miss, kung ayaw mong madawit. Hindi mo ito problema." Tugon naman nito sa kanya na may lamig at pagbabanta ang tono.
"Tulong, pakiusap!" Pagmamakaawa ng naka-gown habang nakahandusay sa lupa. May balot pa ang ulo nito ng puting benda, palatandaan na ito'y galing sa isang seryosong operasyon.
"Umalis ka na, Kuya! Kundi tatawag ako ng pulis. Hindi mo ba nakikita ang kalagayan niya?!" Sabi ng dalaga na may halong takot.
Sa halip na matakot ay humalakhak ang dalawang lalaki sa narinig. Ipinagtaka iyon ng babae at lubha siyang naguluhan. "Ano'ng mayroon? Bakit kayo tumatawa?" Tanong niya.
"Sa tingin mo talaga may nangyayaring krimen, ano?" Saad ng naka-jacket na may mapang-asar na ngiti.
Tumayo ang lalaking naka-gown na parang walang nangyari at tinanggal ang balot sa kanyang ulo. Nakita ang malalim na peklat sa kanyang sentido, ngunit tila hindi ito sariwa. Pakonti-konti rin siyang humakbang papalapit sa babae na lalong ikinatakot ng dalaga.
"It's a bait," bulong ng lalaking naka-gown sa kaniya, ang tinig ay malalim at nakapangingilabot.
Akmang tatawag na ang babae ng pulis nang biglang dakmahin ng lalaking naka-gown ang telepono nito. Tinapon nito ang phone niya sa sahig at tinadyakan nang paulit-ulit hanggang sa ito ay tuluyang masira.
"Ngayon, ibigay mo na ang lahat ng gamit mo sa amin," wika ng lalaking naka-itim na jacket habang nakatayo sa harap niya na parang isang pader.
Lingid sa kaalaman ng dalawa na ang dalagang ito ay isang working student. Natatakot man siya sa nangyayari ngunit hindi niya kayang ibigay ang kanyang bag na naglalaman ng kanyang kinita. Payday niya ngayon at ang maliit na halaga ng pera roon ay inaalagaan niya para sa kanyang lolo na may sakit sa baga.
"Maawa na po kayo sa akin. Wala nang matitira sa akin kung ibibigay ko 'to sa inyo." Pagmamakaawa ng dalaga na napapaluha na.
"Wala akong pakialam. Ibigay mo na sa amin 'yang mga gamit mo kung ayaw mong masaktan. Huwag mo kaming paghintayin." Wika ng naka-jacket.
Habang humahakbang paatras ay napansin ng dalaga na wala namang hawak na patalim, baril, o kahit anong panakot na bagay ang dalawang lalaki kaya't...
"Sige, ibibigay ko na. Kunin niyo na ang bag ko." Alok niya sa naka-jacket.
Nang kukunin na ng lalaki ang bag niya ay bigla niyang hinampas nang buong puwersa ang bag sa mukha nito. Ang naka-jacket ay napahakbang paatras ng konti. Sinamantala ito ng dalaga at tumakbo palayo ngunit hindi niya napansin na ang daang tinatahak niya ay may dead end. Bigla siyang na-corner sa dulong bahagi ng dalawang lalaki.
Nang mahuli ay malakas siyang sinikmurahan ng naka-gown dahilan upang siya ay manghina. Pilit ding kinukuha sa kanya ang bag ngunit hindi niya ito binibitawan kahit na anong mangyari.
Hinihiling niya na sana ay may magligtas sa kanya sa sitwasyon ngayon. Patuloy siyang hindi nagpapapaapi sa dalawang lalaki na pilit siyang ninanakawan. Habang nasasaktan ay ganoon din humihigpit ang hawak niya sa kanyang ari-arian.
"Maawa na po kayo sa akin. Wala na po talaga ako." Ani niya habang siya ay tinatadyakan at sinisipa.
Tumigil ang dalawa sa kanilang pananakit.
"Bayaran mo na lang kami sa ibang paraan." Sambit ng naka-gown, nakangisi.
"Ibang paraan?" Pagtataka ng babae ba tila naguguluhan sa ibig nitong sabihin.
Hindi na sumagot ang naka-gown, bagkus ay hinawakan niya ang dalaga sa braso nito nang mahigpit. Nilakbay niya ang dibdib ng dalaga gamit ang kamay niya. Sinubukang magpumiglas ng dalaga ngunit naglabas ng patalim mula sa kanyang tagiliran ang naka-jacket kaya't wala na siyang nagawa pa.
Sinimulan na rin siyang hawakan ng naka-gown sa ibang maseselang bahagi ng katawan. Hinalikan siya nito sa likod ng kanyang tenga at bumulong. "Maganda ka pala, eh. Madilim lang kanina kaya hindi ko napansin." Nakakadiri niyang banggit. Inamoy niya ang leeg ng dalaga bago niya ito hinalikan nang marahas.
"Lights, Camera, Action!"
Ang gabi sa Maynila ay isang mainit, makapal sa amoy ng street food at polusyon. Marami pa ring bukas na ilaw at mabilis na ritmo na tila hindi natutulog. Gayunpaman, hindi ito hadlang sa sunud-sunod na kasamaan na nangyayari.
May naglalakad na isang binata at dalaga sa pedestrian walk ng Guadalupe Bridge. Ang higanteng konkretong arko ay nakataas sa ibabaw ng umikot na Ilog Pasig. Sa ilalim nila ay ang maputik na tubig na nagre-reflect ng kalat-kalat at dilaw na mga streetlight na parang basag na salamin.
"Lumabas ka kung ayaw mong masaktan!" Sigaw ng babae. Matalas ang kanyang mga mata at sinasala ang mga anino sa ilalim ng mga suporta ng tulay. Mahigpit siyang nakahawak sa isang laruang baril.
Napabuntong-hininga ang lalaki at lumabas sa isang poste habang nakataas ang mga kamay. "Hindi mo pwedeng gawin sa'kin 'to. Kapag nalaman 'to ni pinuno, tiyak na malilintikan ka."
"Pero uuwi na siya sa susunod na linggo. At hindi pa siya nakakabalik simula noong... well, simula noong Insidente," sagot ng babae habang tinututok sa kanya ang baril. "Kung babalik siya at may kontrabida na nagkukubli sa likod ng bawat tindahan ng kwek-kwek, mapapagod siya. Kaya ako ang magiging support niya laban sa'yo. Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano ang nakikita mo at baka pagbigyan kitang makabalik sa organisasyon."
Nag-aatubili na sumunod ang lalaki at iginala ang tingin sa paligid—ilang magkasintahan, isang nag-iimpake na late-night vendor, at isang grupo ng mga teenager sa kabilang dulo. "Dalawang posibleng banta: Ang matandang nagbebenta ng sigarilyo ay maaaring makasira sa kalusugan ng maraming tao. At... isang napakaliit, napaka-ingay na daga na sumusubok tumakas sa tubo ng kanal."
Natawa ang dalaga. "HAHAHAHAHA! Mag focus ka nga. Gamitin mo ang kutob mo. Naghahanap tayo ng mga masasamang tao. Mga taong may masamang intensyon."
"Oh bakit? Hindi ba masama ang second hand smoke tsaka Leptospirosis?"
Nang makarating sila sa gitna ng tulay ay lumakas ang hangin at nawala ang ingay ng buong paligid kaya natigilan ang binata.
"Teka."
Sinundan ng dalaga ang kanyang tingin. Nakasandal sa bakal na rehas ang isang lalaki. Kaedad nila ito at nakasuot ng pamilyar at medyo malaking uniporme ng paaralan. Ang kanyang backpack ay nakapatong sa sahig ilang talampakan ang layo na nakabukas at tila nakalimutan. Hindi siya nakatingin sa buong ilog o sa mga ilaw ng lungsod; nakatingin siya sa ibaba kung saan siya pwedeng mahulog.
Nakaramdam ang binata ng lamig na bumabalot sa kanyang sikmura. Ang likod ng ulo ng lalaki ay pamilyar.
"J-Jeff?" Bulong ng dalaga na agad na tinigil ang kalokohang laro.
Siya nga - Siya nga ang kaklase ng binata. Tahimik, laging nakaupo sa likod, at ang pangunahing target ng pinaka-kilalang mga bully ng paaralan.
Gumalaw ang paa ng binata bago pa siya nagdesisyon. "Huwag kang sisigaw. Sumunod ka lang." Bulong niya sa kasamang dalaga.
Dahan-dahan silang lumapit kay Jeff at sinubukang panatilihing matatag at mababa ang boses. "Hoy, anong ginagawa mo rito? Medyo gabi na ah."
Hindi lumingon si Jeff. Ang kanyang boses nang lumabas ay patag at walang laman na tunog. "Just looking... at the... view."
"Mas maganda ang tanawin mula sa tuktok." Sinubukan ng binata na pilit ngumiti nang kaunti. "Naubusan ata ako ng battery. Pwede bang makihiram ng cellphone mo? Tatawagan ko lang parents ko, siguro nag-aalala na sila."
Sa wakas ay lumingon si Jeff. Malawak at namumula ang kanyang mga mata ngunit walang anumang ilaw. Hindi siya mukhang galit o malungkot - parang wala lang.
"I don't have a phone," bulong niya.
"Oo nga pala," sabi ng binata at siya ay lumapit pa. "Kung ganoon umupo muna tayo sandali. Alam mo... 'yang calculus test? Sobrang hirap. Talagang bumagsak ako sa integral section. Nakuha mo ba ang sagot para sa 4x^3 - 5x kanina?"
Umismid si Jeff ng isang tuyo at walang katatawanan na tunog. "X^4 - 5x^2/2 + C. I don't care about the test. Or about calculus. Or about school. Or about anything."
Sumikip ang lalamunan ng binata dahil alam niya kung ano ang nangyayari. Nakita niya rin ang ilang pasa nito sa katawan.
"Dahil ba 'to kay Alex at sa mga kasama niya?" Tanong ng binata nang mahina at umaaksyon sa loob ng maaabot na distansya. "Ang mga bully? May ginawa na naman ba sila?"
Hindi sumagot si Jeff. Mahigpit lang siyang humawak sa malamig na bakal na rehas.
"Alam kong pangit sila. Sila ay mga basura, okay? Ikaw? Ikaw ang pinakamatalinong tao na naging kaklase ko. Pare, huwag mong kunin ang sarili mong buhay."
Biglang umiling si Jeff habang bumulwak ang luha sa kanyang mga mata. Pagkatapos ay bigla siyang pumatong sa rehas at akmang tatalon.
"Huwag!"
Hindi nag-isip ang binata at nagmadali siyang sumugod. Hinawakan niya nang isang kumpol ang uniporme ni Jeff at idiniin ang kanyang mga paa sa sahig. Saka niya hinila si Jeff pabalik nang buong lakas. Ang tela ay umunat at napunit ang isang tahi ngunit si Jeff ay tumilapon pabalik sa konkretong sahig nang may mahinang kalabog.
Nakatingin ang binata sa kanya na humihingal at ang buong katawan ay nanginginig. "Huwag na huwag," aniya. Ang kanyang boses ay nanginginig sa hindi inaasahang awa. "Huwag na huwag mong gagawin 'yan." Pag ulit niya.
Nang sumugod ang dalaga upang tulungan si Jeff na bumangon ay isang boses ang pumutol sa tensyonadong katahimikan.
"Aba, aba, aba. Tingnan mo naman kung sino ang nagligtas sa isang lampa."
Nagmatigas ang binata habang agad naman na nagposisyon ang dalaga at itinulak si Jeff sa likod niya. Tumingala sila at nakita ang isang grupo ng apat na lalaki na nagmamartsa patungo sa kanila—ang grupo ng mga teenager na pinawalang-bahala ng binata kanina. Pinamumunuan sila ni Dennis, ang malaking kapitan ng basketball team ng Ilustrado.
"Hoy, iyakin," pang-aasar ni Dennis habang tinuturo si Jeff. "Hindi ko inakalang se-seryosohin mo ang payo namin. At tingnan mo! Nagsama ka pa ng idadamay."
Nabaling ang atensyon ni Dennis sa binata na ipinagtaka niya. "Teka... Ikaw! Ikaw 'yung nerd na lagi kong kinukutusan kasama nito 'di ba?" Tumuro siya kay Jeff, pagkatapos ay bumalik sa binata. "Kayong dalawa 'yung utusan ko."
Ngumisi lang ang binata na lalong ikina-inis ng mga bully. "Papalag ka na? Kailan ka pa natutong lumaban?" Tumawa silang lahat. "Siya nga pala, ba't kasama mo si Secretary Reagar? Anong relasyon niyo sa isa't isa?"
"Umalis na kayo, Boss. Pagkabilang ko ng sampu, dapat wala na kayo sa paningin namin. Ituring mo na lang ito bilang natitira kong kabutihan para sa'yo." Sabi ng binata na ikina-gulat ng magbabarkada.
Tumawa si Dennis nang malakas na may nakakainis na tunog. Sinundan siya ng kanyang tatlong alipores. "Lumapit ka na nga rito nang makapkapan na kita. Kailangan ko ng pera ngayon."
Isa sa iba pang bully na si Rico ay lumapit at inaabot ang bulsa ng binata.
"10, 9, 8," panimulang bilang ng binata.
"At talagang nagbilang ka pa talaga? Sige, aantayin namin." Sabi ni Dennis.
"7, 6, 5, 4," pagtuloy sa bilang.
"HAHAHA, katakot naman po!" Katuwaan ng barkada.
"3, 2, 1," huling bilang ng binata bago sumimangot. "Sige na nga, kunin mo na 'tong last money ko."
"Ibibigay mo rin pala, magbibilang ka pa." Sabi ni Rico saka akmang lalapit muli at planong kapkapan ang binata.
Nang umabot si Rico sa kanya ay hinakbang niya ang isa niyang paa paatras, bumuwelo ng suntok, at pinaikot ang kanyang balakang. Pagkatapos ay itinulak niya ang kanyang kanang kamao pasulong. Hindi ito isang pumapaltos na suntok; ito ay isang masikip at kontroladong hook na tumama nang tuwid sa panga ni Rico.
Ang tunog ay isang nakakasukang thwack. Umikot ang mga mata ni Rico paitaas sa kanyang ulo at ang kanyang mga binti ay naging parang goma. Siya ay bumagsak sa sahig na parang isang sako ng bigas na agad na nawalan ng malay.
Si Dennis at ang natitirang dalawang bully—sina Mark at Jules—ay natigilan, nakatingin mula sa nakahandusay na katawan ni Rico patungo sa binatang nagpatulog dito.
"Anong—" nagsimula si Dennis.
Hindi na naghintay ang dalaga na matapos siya. Ang pellet gun ay kumalabog nang may tamang tunog sa konkreto nang bitawan niya ito. Ang kanyang mga paa ay gumalaw nang mabilis at nagbigay ng mabilis at mababang crescent kick na nagwalis sa mga binti ni Dennis mula sa ilalim niya. Bago pa siya bumagsak sa lupa ay mabilis na nag follow-up ang kamay ng dalaga at hinawakan ang kwelyo nito. Pagkatapos ay sinundan niya agad ng isang nakakawasak na elbow strike sa tiyan. Napasinghap si Dennis, yumukod, hinawakan ang kanyang tiyan at humihingal.
Sina Mark at Jules naman ay tila nawalan ng tapang at tumalikod upang tumakbo. Subalit ang dalaga ay nakasunod na sa kanila. Mas maliit siya, mas mabilis, at nakakagulat na malakas. Isang mabilis na pagharang sa kanyang paa ang nagpatumba kay Mark at tinapos niya ang laban sa pamamagitan ng pagbibigay ng matalim na open-palmed strike sa gilid ng leeg ni Jules na nagpabagsak sa kanya kaagad.
Nakahandusay na ngayon ang apat sa sahig.
Nakatingin ang dalaga sa kanila habang hinihingal. Ang kanyang dibdib ay umaakyat-baba at ang kanyang mga mata ay nagniningas. Tumingin siya kay Jeff at sa binatang kasama na nakatingin din sa kanya.
Si Jeff ay nakaupo pa rin sa lupa at nakasandal sa rehas.
"Ayan," sabi ng dalaga saka nag pagpag ng kanyang mga kamay. "Sa tingin ko pwede na tayong maging undercover agent." Tumingin siya sa binata saka ngumiti. "Mahusay ka pa rin ah. Malakas pa rin hook mo."
Napangiti ang binata sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Vigilante
Mystery / ThrillerHaunted by their pasts, a group of young individuals finds a new purpose: joining the Anti-Predator Squad. This shadowy vigilante organization is dedicated to eradicating the rampant crime plaguing the city and its surrounding regions. But their mis...
