VIGILANTE

56 0 0
                                        

vi·juh·lan·tee (noun)
     •     A person who takes it upon themselves to prevent crime, investigate offenses, or punish criminals, operating outside of official legal authority. They often do so because they perceive official law enforcement or judicial systems as inadequate, corrupt, or absent.

Madalas tayong makakita ng palpak na paghihiganti. May kasabihan nga, "The best revenge is to be unlike him who performed the injury." Ayon dito, ang pinakamainam na paghihiganti ay ang hindi mismong pagganti. Ngunit may iba't ibang pananaw ang bawat tao sa usaping ito. May mga tumututol sa ideya ng paghihiganti, at mayroon namang nagnanais na iparanas sa nagparanas sa kanya ang hindi magandang karanasan.

Ang layunin ng paghihiganti ay nag-iiba depende sa kung paano ito tinitingnan. Para sa marami, ang dahilan ay ang pagbabalik ng hustisya at balanse. Kapag naramdaman ng isang tao na siya ay inapi o may naganap na matinding kawalang-katarungan, gugustuhin niyang pantayan ang laban—o higitan pa—upang masiguro na ang nagkasala ay magdusa ng naaayong kapalit.

Para naman sa iba, ito ay tungkol sa pagbawi ng kapangyarihan. Ang pag-api ay maaaring magdulot ng kahihiyan at pagkawala ng kontrol. Ang paghihiganti ay nagiging pagtatangka na bawiin ang nawalang kapangyarihan, ibalik ang pagiging dominante, at muling makuha ang tiwala sa sarili.

Marami pang dahilan upang maghiganti ang isang nabubuhay. Ngunit sino ang pinakaangkop na gumawa nito? Isang taong walang awtoridad upang gumawa ng mali para sa ikabubuti ng nakararami.

Ang Vigilante ay isang tao o grupo ng mga tao na kumikilos sa labas ng batas para pigilan ang krimen, hulihin, at parusahan ang mga pinaghihinalaang nagkasala. Ginagawa nila ito dahil sa paniniwala na ang mga opisyal na organisasyon ng batas, tulad ng pulisya, ay hindi epektibo o sapat sa pagkontrol ng krimen.

Tulad ng nasa depinisyon, ang kuwentong ito ay tungkol sa mga kabataang nagdesisyong sumapi sa isang organisasyong tinatawag na "Anti-Predator Squad." Bawat isa sa kanila ay nakaranas ng matitinding pangyayari na humihingi ng katarungan. Dahil sa kanilang edad at limitasyon, hindi sapat ang kanilang personal na kapangyarihan, kaya't pinili nilang magkaisa at kumilos nang palihim.

Sa tulong ng misteryosong taong nasa likod ng organisasyon, maraming misyon ang mapagtatagumpayan. Ngunit hindi magiging madali ang lahat.

Sasalubungin sila nig isang Detective, isang dedikadong opisyal ng pulisya na siyang nag-iimbestiga sa kaso ni Mr. Pride, isang indibidwal na itinuturing na utak sa likod ng lahat ng krimen na pinagsisikapang mahuli ng Anti-Predator Squad.

Ito ang kuwento ng mga Vigilante. Isang libro tungkol sa iba't ibang pang-aabuso at kasamaan na pilit inaayos ng mga may permisong gawin ito at ng mga walang kapangyarihan ngunit may dedikasyong hukayin ang baho ng krimen.

VigilanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon