Walang malay, nahulog sa bitag,
Hindi naisipang solusyunan.
Resulta't kahihinatna'y naging bihag,
Walang nag-isip na lumaban.
Buti na lang may alagad ng Hari,
Nakaisip ng matalinong paraan.
Walang alinlangan siyang umihi,
Dumaan sa bahaging likod na hagdan.
Adhikain ay manatili, hindi pwede
Ang pagtakas ay naisakatuparan.
Bumulusok ang isip at kokote,
Naloko't nagantihan ng kabataan.
Tagumpay ngunit nabigo,
Hindi masaya sa naging resulta.
Ang utak ay gulong-gulo,
Kinailangang maghanap ng pruweba.
-Mr. Pride
"Taas ang kamay!"
Nagulantang ang lahat ng tao na nasa loob ng bangko nang may dumating na isang puting SUV sakay ang doseng armadong lalaki.
"Walang gagalaw kung ayaw niyong masaktan!" Sigaw ng isa sa mga ito.
"May gumalaw lang talaga ng kahit isa sa inyo, babaha ng dugo ang bangko na 'to." Kalmadong sabi ng kanilang leader.
Agad na yumuko ang mga tao sa loob ng bangko. Kanya-kanya silang takip sa kanilang mga ulo at ang iba sa kanila ay hinimatay na sa takot.
"Sige na, kunin niyo na ang lahat ng dapat kunin." Utos ng leader sa mga kasama nito.
Kumilos ang mga armadong lalaki, kuha doon, kuha dito. Ang tanging puntirya lang naman nila ay ang mga pera sa loob ng bangko. Ang kaso, natagalan sila sa pagkuha ng pera dahil sa matibay na seguridad ng bangko kaya't bago pa man sila makalabas ay dumating na ang mga pulis.
"Napapalibutan na tayo!" Sigaw ng armadong lalaki sa labas bago pumasok sa loob upang isara ang buong bangko.
"Hostage na 'to! Hostage na 'to!"
TELEVISION NEWS:
Damisla Rural Bank Attacked by Armed Men
The Damisla Rural Bank is currently under surveillance by the Special Weapons and Tactics (SWAT) team due to an ongoing hostage-taking incident.
According to police, the armed men's motive was robbery. Police arrived during the robbery, which led to the hostage situation.
The Serious Crimes Unit is en route and will be handling the case. Jilyan Marta, CBC News.
"Hostage?"
Nag-aalala ako sa mga taong nasa loob ng bangkong 'yon. Hindi ako mapakali, gusto kong pakiusapan ang Commissioner tungkol dito.
"Oo, obvious na 'yan." Pagtataray sa'kin ni Karma.
"Ano? Re-responde ba tayo?" Tanong ko sa kanilang apat.
"Hindi tayo ang binigyan ng orders." Sabi ni Chief Daniel.
Nararamdaman ko ang panghihinayang nilang apat. Bakit kasi ganito ang sistema dito?
"Bwisit talaga! Tapos ipapasa rin sa'tin yan mamaya 'pag hindi nila kayang i-handle." Inis na saad ni Karma.
"True ba?" Tanong ko.
Nagpunta ako sa opisina ni Tito Frank, mag ba-baka sakali lang. Gusto ko siyang pilitin kahit back up man lang ang contribution namin do'n. It's just that, I can't trust anyone in the Serious Crimes Unit. Sila 'yung mga pulis na nadadaan sa pera.
"Bakit bawal kami pumunta doon?" Tanong ko kay Tito Frank.
"Sorry Luckey, ipinag-utos 'yon ng Pulis Heneral. Kung pwede lang ako mag desisyon para doon, malamang kayo na ang ipinadala ko." Malungkot niyang wika sa'kin.
Sabagay, hindi nga pala siya ang may hawak ng pinakamataas na posisyon. Assistant General lang siya sa ka-buohan.
"Makinig ka Luckey; hindi naman lahat ng trabaho ay aangkinin niyo na. Kaya nga may ibang Investigation Unit, para makapag focus kayo ng sarili niyong kaso." Paliwanag ni Tito Frank.
"Wala naman silang silbi. Ibibigay pa rin nila sa'min 'yung kaso 'pag nahihirapan sila." Reklamo ko.
"Galing ba 'yan kay Karma?" Tanong niya.
Paano niya nalaman? Dakilang reklamador ba si Karma rito?
"Hindi po sir. Alam ko lang ang ugali nila." Katwiran ko.
"Basta, makinig na lang kayo sa order ko." Banggit ni Tito Frank.
Bumalik akong disappointed sa opisina namin. Tinitigan ko si Karma at ngumiti tapos back to serious mode na ako ulit.
"Wala eh, sa SCU talaga binigay. Hindi na ata magbabago ang isip." Bigkas ko sa kanila.
"Mag-update ka na lang sa Profiling. Detective Mike at Dj, pakihanda ng projector." Utos ng Team Leader.
PROFILING
"Noong nakaraan, hiningi ko kay Chief Reagar ang investigation record ng 'The Cackles Murder.' At napansin kong may pagka-similar siya sa nangyayari ngayon sa lungsod na ito.
"Pero gusto kong sabihin sa inyo na ang way niya ng pagpatay ay kahit anong paraan. May sinaksak siya, may binaril siya, may nilunod siya at isang beses pa lang siya pumatay gamit ang lubid.
"Ang tanging pagkakapareho lang ng mga biktima niya ay 'yun nga, tinatanggalan sila ni Cackles ng kuko sa kanang hinlalaki na hindi naman pareho sa nangyari kay Allyson.
"Ang nakikita ko sa pangyayaring ito, si Mr. Pride ay may something kay Cackles. Kung titingnan natin ang dalawang killer, hindi ko masasabing magkasundo sila o nasa parehong panig. Kaya't doon pa rin tayo sa nauna kong mga sinabi. Si Arthur Angeles pa rin ang ating main suspect at hindi tayo titigil hanggat hindi siya nahahanap.
"Pumunta naman tayo sa r*pe-slay case kaninang umaga. Alyanna Saragoza, 17 na taong gulang, isang working-student na taga Binondo.
"Ayon sa pagtatala ng CSI, dalawang linggo at isang araw na ang itinagal ng bangkay sa eskinita kung saan siya natagpuan. Assume niyo nang nabubulok ang biktima. Alam niyo kung ano 'yung nakita ko sa kasong ito?
"Similar siya sa mga r*pe-slay cases ni Lust noong taong 2005 hanggang 2008 kung saan kinakatay niya ng walang awa ang mga biniktima niya ng panggagahasa. Makikita niyo sa larawang ito ang sinapit ng dalagita. Ang lalim ng pagkakahati sa kanya mula sa gitnang bahagi ng dibdib hanggang sa kanyang vagina.
"May natagpuan bang semen sa kanyang puwerta? Sad to say, wala. But according to Doctor Yehnah, may gaze at laceration siyang na-examine. Ang biktima ay sapilitang ginalaw.
"September 3 at 12 in the midnight, naglalakad ang dalaga pauwi galing sa trabaho. Ayon sa magulang ng biktima, masipag daw talaga ang anak nila kaya kahit sapat naman ang naibibigay nilang pera dito ay nagtatrabaho pa rin ito.
"As usual, 'yan naman ang laging sinasabi ng mga magulang kapag namamatayan sila ng anak. Sinasabi nilang masipag ito kahit malayo na ang loob sa kanila ng kanilang anak.
"Sunday is a salary day ng restaurant na pinapasukan niya. Hindi ko alam, baka old school 'yung may-ari. Idagdag ko pa na may sinusuportahan ang dalaga na bayarin sa ospital na pinag-admitan ng kanyang lolo.
"Bayaran mo ako sa ibang paraan."
"Ito 'yung lagi kong naririnig kay Eduard dati kapag may utang ako sa kanya. Minsan ang kapalit ay ililibre ko siya sa kung saan. Minsan naman ay hindi niya pinapa-bayaran dahil marami na raw akong naitulong sa kanya.
"May isang snatcher na sumugod sa biktima. May nangyaring agawan, sakitan, at nakawan at nakita nitong suspect natin ang mga pangyayari. Tinulungan niya ang dalaga at nag demand siya ng bayad kapalit ng kanyang pagliligtas.
"Walang awang ginalaw ni Lust ang biktima. Kinuhanan niya rin ito ng litrato bago patayin.
"Nakakatawa lang isipin na 'yung killer ni Allyson at ang killer ng bagong biktima ay may koneksyon. Mas madali natin silang mahuhuli, hindi na tayo mahihirapan sa imbestigasyon. Tanggalin na rin siya sa Missing List at ilipat sa Wanted." Report ko sa Violent Crimes Unit.
"Wait lang, may naalala ako. Hindi ako sure ah pero pwede bang magtanong?" Sabi ni Dj.
"Go ahead?" Tanong ko.
"Itong si Eduard Cree, siya ba 'yung nang hostage dati? Year 2008 ata 'yun sa pagkakaalam ko." Tanong pabalik ni Dj.
"Tama," mabilis na sumagot si Chief. "May kumakatok, hanggang dito na muna." Dagdag pa niya.
"Sino po sila?" Tanong ko sa officer na pumasok.
"Good afternoon po. Ipina-patawag daw po si Chief Reagar sa opisina ng Commissioner." Sabi niya.
"Kailangan pa bang puntahan? Alam naman naming magpapatulong ang SCU sa'min." Saad ni Karma.
"Totoo? Ang bilis ah." Wika ko.
"Diyan lang kayo," banggit ni Chief Daniel saka umalis.
20 minutes kaming nag-antay at sa wakas bumalik na siya. Tama nga si Karma, nilipat sa'min ang investigation kasi hindi kinaya ng SCU. Masaya ako kasi nilipat sa'min pero nalulungkot ako kasi ang daming nasayang na oras.
BINABASA MO ANG
Vigilante
Mystery / ThrillerHaunted by their pasts, a group of young individuals finds a new purpose: joining the Anti-Predator Squad. This shadowy vigilante organization is dedicated to eradicating the rampant crime plaguing the city and its surrounding regions. But their mis...
