Naisahan ng malapit sa buhay,
Ngayon ay umaaligid sa binata.
Pruwebang nalipat sa sariling bahay,
Hindi maisip ni hindi makuha.
Hiling ay makahiling ng tulong,
Marapat na magpapakumbaba.
Kapag umabot na sa sukdulan,
Sagot at solusyun ay ang banta.
Marami ang umaasa sa Karma,
Ngunit napakabagal nito kumilos.
Tinatrapik na sa kalsada ng EDSA,
Sunud-sunuran pa rin sa mga utos.
Nagbabalik para linisin ang pangalan,
Hindi kakayanin kung mag-isa.
Para-paraan kung gumawa ng sagot,
Para-paraan kung hindi magawa.
-Mr. Pride
Rizal Park
Mr. Marauder,
I am writing to formally acknowledge your recent activities within the community, specifically your demonstrable efforts in combating criminal elements, safeguarding residents, and assisting law enforcement. Your dedication to these critical tasks has been consistently observed.
I recognize your unique background as a Filipino-Japanese teenager, the son of Yuniko, a prominent figure in both Japanese organized crime and legitimate business. Your upbringing, characterized by exposure to intense conflict, including engagement with rival assassins and direct involvement in seeking retribution for your sister's death at the hands of an American family, has undeniably shaped your formidable abilities.
It is clear that you are driven by a profound pursuit of justice, a conviction that aligns seamlessly with my own objectives. My focus is squarely on identifying and apprehending the true perpetrator behind the recent rape-slay cases, as well as the individual manipulating me into these unsavory circumstances. While I am not privy to the specifics of your current agenda or targets, I am confident that our respective missions are fundamentally compatible.
Your inherent capacity for criminal apprehension is exceptional, and I believe it can be further honed and amplified through a structured collaboration. Therefore, I extend a formal offer for you to assume the role of Captain within my vigilante organization, the Anti-Predator Squad.
I am prepared to discuss this proposition further at your earliest convenience.
Sincerely,
Destiny
For more information, contact:
elise_Flora@ aps.com
557-259
"Sino ka para sabihin 'yan?"
Ang walang kabuhay-buhay na hitsura ni Leon ay napalitan ng seryosong mukha kasabay ang gulo sa kanyang utak. Mausisa niyang inisip kung sino ang nagpadala ng ganoong liham para sa kanya.
Katatapos niya lang maligo nang mabasa ang mensaheng ito na ipinadala sa kanya ng hindi niya ka-kilala.
Kailangan niyang makapag-isip nang malalim para makapag desisyon. Pumunta siya sa sikretong basement ng kanyang kwarto at doon niya kinuha ang naka-display na knuckles. Makikita ito sa loob ng babasaging cabinet.
Nagbihis si Leon ng kulay itim na kasuotan at agad niyang kinontak ang nakasaad na numero.
PHONE CALL:
Leon: Magkita tayo.
Unknown: Magse-send ako ng address pagbaba ng telepono.
Leon: [Hangs up]
Umalis siya sa bahay dala ang gamit niya at pumunta sa napag-usapang address. "Binabantayan mo ba ang bawat kilos ko?"
[1st Person]
"Ang tagal mo naman,"
Sabi ni Daddy Art, ang tamang oras daw ng paghaharana ay kapag may isang bituin na sobrang lapit sa buwan. Wala pang nanliligaw sa'kin, I wonder kung sinong maginoo ang gagawa nu'n.
Naglinis ako kanina ng kwarto ko kasi pinilit ako ni Mommy. Tama lang din kasi sobrang kalat na ro'n. Hindi ko na kasi napapansin sa sobrang busy ko.
Nakita ko 'yung mga bagay at regalo na binigay sa'kin ni Jeff. Maganda sana kaso kailangan kong itapon. Kailangan kong maka move forward.
Habang naglilinis, nakita ko sa cabinet 'yung picture namin ni Daddy Art. Kinakarga niya ako sa picture na 'yon nung bata pa'ko. Ang gwapo niya talaga, infairness, magaling pumili si Mommy.
I'm here in Rizal Park. Marami akong masasayang ala-ala dito nu'ng bata. Nagkaroon din ito ng malaking parte sa buhay ko.
Umaambon ngayon, may bagyo atang paparating. Ang ganda rin ng buwan, buong-buo at napaka liwanag.
"Mirasol?"
Patanong niya akong tinawag, familiar sa'kin 'yung boses. Nilingon ko siya pero masyadong malabo kasi mahamog ngayon. Tumabi siya sa inu-upuan ko.
"Leon? Anong ginagawa mo rito?" Siya lang naman pala.
"Watching the moon?" Tanong niya.
"Yes," maikling sagot ko sa kanya.
"Mahilig ka ba sa buwan? Ang lakas na ng ulan." Saad niya sa'kin.
Nag i-improve na 'yung pakikipag-usap sa'kin ni Leon. Tama si Mommy, 'pag naging comfortable siya sa isang tao, unti-unti siyang dumadaldal.
"It's because I love the rain too," banggit ko.
Tumango-tango siya.
"Naalala mo 'yung solar eclipse? Hindi ba na kwento ko na may childhood best friend ako? Mahilig kasi siya sa buwan kaya nakahiligan ko na rin. Mahilig naman ako sa ulan kaya nakahiligan niya rin." Wika ko kay Leon.
Nag-exchange gift kami eh.
Nakita ko siyang tumango-tango ulit siya. Nakuha niya naman ata 'yung mga sinasabi ko. Basta ako, nandito pa rin, may inaantay na tao.
"Ba't ka nga pala nandito?" Tanong ko. Nakakapagtaka eh, hindi naman ata siya dito nakatira.
"Nagpapahangin? Sayang nga, umuulan." Sagot niya sa'kin.
"Kaya naman ako nandito kasi... Remember yesterday? Na-hostage si Mommy then may nag takas sa kanya. Imi-meet ko kasi ngayon 'yung nagligtas sa kanya." Share ko lang.
"Gabing-gabi, nakikipagkita ka." Bigkas niya.
"Nag message kasi via email. Hindi ko naman friend sa FB para sabihing bukas na lang." Pagpapaliwanag ko.
Ba't nga ba ako nagpapaliwanag? Ano ko ba siya?
Tiningnan niya ako nang masama. Ano na naman ba ang kasalanan ko?
"Email? May nagsend din sa email ko." Sambit niya.
"Anong sabi?" Pagtataka kong tanong. Ngek-ngek mo Leon, may nag email ka riyan. Gusto mo lang ako makita eh, para-paraan ka naman. Pero, 'di nga? Hindi naman siya palabiro. Ano 'to? Coincidence?
"Death threat lang," sagot niya.
"Sino naman 'yan?" Nag check ako ng messages ko.
From: Ankle Natt
Nasaan ang Mommy mo?
To: Ankle Natt
Wait lang po, tatawagan ko lang si Mommy.
"Hindi ko kilala," sumabat si Leon.
"Wait lang ah, may tatawagan lang ako." Sabi ko sa kanya at lumayo-layo ako.
Hindi sumasagot si Mommy, naka ilang missed call na ako. Ba't kasi ang aga niya matulog? Mas mukha pa siyang youth kesa sa'kin.
To: Ankle Natt
Nasa bahay po ata siya, natutulog.
From: Ankle Natt
Okay... Pakisabi, tatawag ako bukas.
Babalik na ako sa inuupuan namin ni Leon. Kaya lang, nakita kong may tinatawagan din siya. Sino naman kaya 'yon? Nag stay na muna ako sa kinatatayuan ko at inantay siyang matapos.
Nag ring bigla ang cellphone ko. Tumatawag na 'yung nagligtas kay Mommy.
PHONE CALL:
Daisy: Hello?
Unknown: Nandito na ako.
Daisy: Leon?
Narinig ko ang boses ni Leon kasabay ng boses na nagsasalita sa telepono, iisa lang pala sila. Pero, paano nangyari 'yon? Paanong si Leon ang nagligtas kay Mommy eh pumasok siya sa school noong araw na 'yon.
Gulat na tiningnan ako ni Leon pagkalingon niya sa'kin. Tumayo siya sa bench na inuupuan namin kanina at lumayo nang konti. Tinititigan niya ako nang matagal.
"Anong problema?" Tanong ko sa kanya sa telepono.
Binaba niya 'yung dala niyang bag at may kinuha na something sa loob. Ano 'yan, knuckles? Umilaw 'yon ng kulay gold nang sinuot niya sa kaliwang kamay niya. Patakbo siyang lumapit sa'kin.
"Leon, mali ka ng iniisip!" Kinakabahan kong sigaw.
He attacked me with his punches, buti marunong akong umiwas. Sinasalag ko 'yung bawat sapak niya sa'kin habang pilit ko siyang kino-convince. "Ano bang ginagawa mo?! Mag usap tayo, magpa-paliwanag ako!" Sigaw ko sa kanya.
"Kilalang-kilala mo 'ko ah," kalmado niyang saad sa'kin habang patuloy akong inaatake.
"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo! Anong kilala?" Sigaw ko sa kanya habang patuloy na umiiwas.
Napalayo siya sa'kin nang konti kasi natadyakan ko siya at sandaling natigil ang kanyang pag-atake. Nagulat na lang ako nang maging kulay red ang knuckle niya at may lumabas na kutsilyo sa gilid nito.
What kind of weapon is that?
Lalapitan niya pa sana ako ulit kaso napag desisyunan kong ilabas ang taser gun ko. Binaril ko siya sa hita para hindi ganun kasakit 'ang dadanasin niya.
Nangisay siya at nawalan ng malay.
"Leon! Leon!" Sinisigawan ko siya habang pilit kong ginigising at habang ginagawa ko 'yun ay may something ako na naramdaman sa batok ko na matulis. Bumaon 'yon sa leeg ko at bigla akong nanghina.
Unti-unti na rin akong inaantok.
BINABASA MO ANG
Vigilante
Mystery / ThrillerHaunted by their pasts, a group of young individuals finds a new purpose: joining the Anti-Predator Squad. This shadowy vigilante organization is dedicated to eradicating the rampant crime plaguing the city and its surrounding regions. But their mis...
