CHAPTER 2: AMBUSH

80 6 2
                                    

Baliktad ang itim na puso,
Kasama ang guhit na patayo.
Matimbang pa rin ang pagmamahal,
Kahit na hindi punung-puno.

Barahang itim na sumisimbolo,
Sa kalakip tulong para sa kaibigan.
Gulong-gulo man ang aking utak,
Tagumpay kong naihagis sa daan.

Tinatawag na ako ng konsensya,
Magpapaalam na ako saglit.
Hindi mo dama't nahahalata?
Kinakain na ako ng inggit.

Hinanap nila kung saan galing,
Lumilipad na ba ang baraha?
Malinis na nakakapagsalamin,
Tinatanggal ang mga lupa.

-Mr. Pride


Metropolitan Manila Police Department

[9:15 pm | Commissioner's Office]


Ang Metropolitan Manila Police Department o MMPD ay ang pinakamalaking istasyon ng kapulisan sa lungsod na nasasakupan ng Metro Manila. Nandito ang himpilan ng Emergency Call Center kasama ang Paramedic, Special Agents at Rescue Operation Team na nakahandang dispatch sakaling may iba't ibang code ng emergency.


Nandito rin ang dalawang Investigation Unit; Ang Violent Crimes Unit at Serious Crimes Unit na pinamumunuan ni Daniel Fernando Reagar at ni Police Commander Victor David. Nakabase rin sa MMPD ang Special Weapon and Tactics o SWAT, maging ang BOMB Squad ay nandito rin at dito matatagpuan ang opisina ng Police Commissioner na namumuno sa mga kapulisan sa buong Metro Manila.


*


"Lance Adrian M. Viper?"


Ilang ulit niya akong tiningnan na parang nagtataka dahil iba 'yung Lance na nasa picture sa Lance na nakikita niya ngayon sa harapan niya. Hindi naman talaga ako si Lance. Ako si Luckey, loko naman 'tong bulag na 'to.


Napanood ko pala ang interview niya, ni Police Commissioner Frankie Falcon. Nabulag daw ang kaliwa niyang mata noong sumabak siya sa gyera. Nagsilbi rin pala siya bilang sundalo, nakaka-amaze naman. Ayan, may harang ang isa niyang mata na parang pampirata, 'di ko naman alam kung anong tawag diyan.


Binabasa niya ngayon ang personal information ni Venom, akala niya kasi ako 'yun.


Nagkaroon ng maraming pagbabago sa NBI. Nagbotohan sila kung sino sa'min ni Lance ang pupunta sa Cebu para sa misyon do'n at kung sino ang pupunta sa departamento para tumulong sa mga malalamig na kaso.


At ang napili nila ay si Lance, para sa Cebu at ako naman ay para sa departamentong ito. Okay lang naman sa'kin. Hindi ko naman talaga maipagkakaila na mas magaling siyang Agent sa'kin.


Gusto pa sana ni Director Albert Archer na parehas kaming ipadala do'n kaso napagkasunduan nila ng Police General na paghiwalayin kami.


I have 35% of Winrate sa mga misyong nahawakan ko. Kasama na do'n yung mga palpak-palpak na undercover missions na ipinagawa sa'kin. Nagre-recommend kasi ako ng ibang tactics and method, hindi nila ako pinapakinggan. Siguro dahil wala pa ako sa mataas na posisyon, pero maaabot ko rin 'yon.

VigilanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon