TWO

959 38 1
                                    


"Antoinette Labajo?"

Napahinto sa paglalakad si Toni at lumingon sa tumawag sa pangalan niya. Sa kanyang harapan ay ang isang babae na may mahabang buhok at magandang ngiti.

"Yes?" tanong niya sa babaeng nasa harapan na niya.

"My name is Bea," sagot nito, na may kasamang mahinhing ngiti.

"Well, Bea, what can I do for you?" tanong niya, nakatanim ang pagdududa sa kanyang isipan.

May kinuha itong pink na sobre sa bag nito at iniabot sa kaniya. "Nahihiya kasi akong personal na ibigay ito, kaya makikisuyo sana ako sayo."

Tinanggap niya ang sobre at binasa ang pangalan ng receiver ng sulat. "For Alex de Guzman," basa niya sa sulat.

"Yes, please pakibigay sa kaniya?" sabi ni Bea.

Pinagmasdan niya ang babae. Senior na ito, kagaya ni Alex. Maganda siya, ngunit may kakaibang aura na nagbigay sa kanya ng pangamba. Labag man sa kalooban, ngunit tumango siya.

"One last 'thank you' at iniwan na ako nito sa hallway ng school."

Inipit niya sa libro ang sulat at tumuloy na sa library kung saan naghihintay ang kaklaseng si Trisha.

---

"Wala ka sa mood," bulong agad ni Trisha pagkaupo niya sa tabi nito.

"Paano mo alam?" tanong niya rito nang pabulong rin, habang sinisimulan ang pagbukas ng computer sa harapan.

"Well, nakasimangot ka at nakakunot ang noo. So, sino na naman ngayon ang nag-abot ng love letter para sa bestfriend mo?"

Kilala na nga siya ng kaibigan.

"Someone named Bea, Miss Whatever," sarkastikong sagot niya.

"Maganda?" tanong ni Trisha, na tila naiintriga.

"Medyo," sagot niya, na nahirapang ilarawan ang tunay niyang nararamdaman.

"Sexy?"

"Hindi. Mukha siyang kalansay."

"Ouch! Nagseselos ka lang."

"Nope!" matigas na sagot niya, ngunit sa loob, may tinig na nag-aalala.

"Yes, you are. Kailan mo ba aamining may crush ka kay Alex?"

Pinandilatan siya ni Toni. "Shut up, Trish. I will never feel anything other than sister love towards Alex. At hindi ako makikipagrelasyon sa tulad niya."

Hinarap siya ng kaibigan, may seryosong ekspresyon. "Are you against gays?"

"Of course not. Hindi lang ako komportable to be in a relationship with a lesbian."

"Okay, sabi mo eh. Huwag ka lang magsalita ng patapos, kasi ngayon palang kinakain mo na lahat ng mga sinasabi mo. Kasi aminin mo man o hindi, you like Alex. More than a friend."

Hindi na sumagot pa ang dalagita para hindi na humaba pa ang argumento nila. Sa kabila ng lahat, nagseselos siya, oo. Dahil unti-unti niyang nararamdaman na nawawalan siya ng puwang sa buhay ni Alex sa dami ng mga admirers nito.

---

Sumilip si Toni sa bintana. Napangiti siya ng makita si Alex na nasa kwarto rin nito. Magkaharap ang bintana ng bawat kwarto nilang dalawa, kaya madalas silang nagdudungawan sa bintana.

"Alex, I'm hungry," sigaw niya rito. Napalingon ito sa kanya, at nakangiti ring lumapit sa bintana.

"Your place or mine?" biro nito, na may halong saya.

𝐔𝐍𝐃𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐎𝐕𝐄- 🏳️‍🌈𝐆𝐱𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon