"So, anong pangalan ng loveteam niyo ni Alex?" tanong ni Trisha, na may pilyang ngiti.
"Ha?" sagot ni Toni, naguguluhan.
"Sabi ko, anong loveteam name niyo ni Alex?" ulit ni Trisha, hindi mapigilang magtawa.
"Ano bang pinagsasabi mo, Trish," sabi ni Toni, sabay tawa.
"Alexton?" suhestiyon ni Trisha, palihim na humahagikgik.
Lalo pang natawa si Toni. "Malapit na sa Alaxan," aniya, sabay hampas ng balikat ni Trisha.
"Tonex?" dagdag ni Trisha, patuloy pa rin sa pag-iisip.
"Ano ba, Trish," sabi ni Toni, umiiling.
"Ano ba kasi maganda. Tonlex?" patuloy ni Trisha.
"Gawin mo nang Tonsil, malapit na," sagot ni Toni, na kahit naiinis ay natatawa na rin.
Seryoso pa ring nag-isip ang kaibigan. Nasa labas sila nakaupo habang hinihintay si Alex na matapos sa huling klase nito.
"Alam ko na, Tolex. Ano sa palagay mo?" tanong ni Trisha, sabik sa reaksyon ni Toni.
"Ang sagwa pakinggan, Trish. Tumigil ka na nga kakahanap ng pangalan ng loveteam," sagot ni Toni, ngunit ang ngiti sa kanyang mukha ay hindi mapigilan.
"AlTon na lang. Ayun, medyo okay na, AlTon," sabi ni Trisha, na tila nagtagumpay sa kanyang misyon.
Napailing na lamang si Toni, pero hindi maikakaila na aliw na aliw siya sa usapan nila.
Tumunog na ang buzzer. Tumayo si Toni at hinila na rin si Trisha.
Mayamaya lang ay dumating na si Alex.
"Ice cream?" tanong agad nito, sabik na makita ang ngiti sa mga kaibigan.
"Ay gusto ko 'yan," sagot din agad ni Trisha, halos lumundag sa tuwa.
Inakbayan siya ng bestfriend at lumabas na sila ng school campus. May ice cream parlor sa katapat ng school kaya doon sila pumunta.
"Anong flavor ang sayo, Trish?" tanong ni Alex sa kaibigan habang tumitingin sa menu.
"Vanilla," sagot ni Trisha, na parang batang excited sa kanyang treat.
Tumango si Alex at iniwan sila sa table nila para umorder.
"Alam mo Ton, bagay na bagay talaga kayo ni Alex. Sasagutin mo na ba siya?" tanong ni Trisha na may ngisi.
Pinandilatan siya ni Toni. "Ang sama-sama mong mag-isip. Bestfriend ko siya, okay? Hindi manliligaw."
"Talaga? Kaya pala iba yung titigan niyo sa isa't isa. Mag-bestfriend lang kayo," sabi ni Trisha, kumindat pa.
"Tumigil ka nga. Nakakahiya kay Alex kapag marinig niya yang mga pinagsasabi mo," sabi ni Toni, ngunit hindi maikakaila ang blush sa kanyang pisngi.
Pagkalipas ng ilang minuto, bumalik na si Alex dala ang order nilang ice cream.
"Here we go. Enjoy your ice cream, ladies," anito, inilagay ang cup ng strawberry ice cream na paborito ni Toni sa harapan niya.
"Alex, hindi ka ba nahihiya na naka-school uniform ka? Na naka-skirt ka?" tanong ni Trisha rito.
"Wala naman akong magagawa eh. Hintayin ko na lang na makapagtapos na sa high school," sagot ni Alex, na tila sanay na sa ganitong usapan.
"So magpapagupit ka na?" tanong ni Trisha, puno ng curiosity.
Tumango si Alex. "Oo, plano ko talaga. Parang ang guwapo ko seguro kung gupit lalaki na ako. Sure ako na marami pa ang magkakagusto sa akin," biro nito.
BINABASA MO ANG
𝐔𝐍𝐃𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐎𝐕𝐄- 🏳️🌈𝐆𝐱𝐆✔️
Romance𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗜𝗦 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦#𝟭 COMPLETED "You are the girl that i've been dreaming of, ever since i was a little girl." #𝒈𝒙𝒈 🏳️🌈🏳️🌈🏳️🌈