TEN

498 24 3
                                    

She looked at her and smiled.

"Really?" she asked her, again.

Tumango ito. "Yes. It's real. Sinasagot na kita, Alex."

"Wow!"

Tumawa ito sa tuwa.

Niyakap niya ito. "Thank you, Nikki," aniya, and her voice was sincere.

"I hope you won't hurt me, Alex," sabi ni Nikki, may halong takot sa kanyang boses.

Kumalas siya rito, hinawakan ang mga kamay nito, at tumingin mismo sa mga mata nito. "I won't hurt you, Nikki. I can't promise it, but I will do everything to make this work. Thank you for giving me this chance."

She was sincere with her words. Almost two years din siyang nanligaw dito. At ngayon, sinagot na rin siya nito sa wakas.

They hugged again, feeling the warmth of each other's embrace. Three years ago nang makilala niya si Nikki sa pinagtatrabahuan. Isang taon silang naging magkaibigan bago niya ito niligawan.

Hindi naging madali para dito ang tanggapin ang panliligaw niya dahil sa kaniyang kasarian. Ngunit sa matiyagang paghihintay, nakita rin nito na mabuti ang kaniyang hangarin. Na kahit na babae din siya, kaya niyang mahalin at alagaan ito.

At ngayon, girlfriend na niya ito. Nakakaproud. Nikki is one of the prettiest girls na nakilala niya. Bukod sa maganda, mabait pa at napaka humble kahit na may kaya ang pamilya. Isa sa nagustuhan niya rito ang pagiging open nito sa katulad niya. Hindi siya nito ikakahiya kahit hindi pa sila magkasintahan.

She is the kind of woman na maipagmamalaki niya kahit kanino.

---

AT the age of 28, Alex can say she is already successful in her career. She got the job as a creative manager in one of the top music companies, and she loved her job so much. She loved everything about music.

She already has her own condo unit, her sports car, and a beautiful girlfriend. Ano pa nga ba ang mahihiling niya? Nasa kaniya na ang lahat.

Kumatok siya sa isang opisina na may nakasaad sa labas ng pinto: C.E.O.

"Come in," sigaw ng nasa loob.

She opened the door at agad napangiti nang makita ang nobyang abala sa likod ng mesa nito. Nag-angat ito ng ulo at agad ring napangiti ng makita siya.

"Hi, honey," aniya rito.

Lumapit siya at naupo sa kaharap na upuan ng office desk nito. "Hi, hon," ganting bati nito na halatang pagod.

"I'm done for today. Would you like to eat outside or mag-oorder na lang ako sa condo?" tanong ni Nikki.

Ibinaba nito ang hawak na pen at dinampot ang cellphone. Tiningnan nito ang oras. "We can eat outside na lang, hon. I will be ready in ten minutes."

"Okey, that's good. Aantayin na lang kita sa kotse?"

Tumango ito.

Tumayo na si Alex at nagpaalam na sa nobya. Kinuha niya ang backpack sa office niya at bumaba na ng building na pinagtatrabahuan niya these past few years.

Sa sasakyan sa parking lot na niya hinintay si Nikki. Exactly ten minutes later, nakita na niya itong lumabas ng entrance ng building. Alam na nito saan lagi nakapark ang sasakyan niya kaya dumiretso na ito sa kung saan siya naghihintay.

Pagkasakay nito sa tabi niya, agad niyang hinalikan ito sa labi. "Let's go," aniya pagkatapos ng halik.

"Yes please. I'm starving."

𝐔𝐍𝐃𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐎𝐕𝐄- 🏳️‍🌈𝐆𝐱𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon