**DINALA ni Alex si Toni sa beach.**
Tila nahimasmasan naman ito ng makalanghap ng sariwang hangin.
Hinayaan niya itong maglakad-lakad sa buhangin nang nakapaa, ang mga daliri ay lumalampas sa mga butil ng buhangin habang ang mga alon ay humahaplos sa mga paa nito.
Mayamaya lang, dumating sila Nicole, Trisha, at Aaron, kasunod ang mga magulang ni Nicole.
Nakipagkamay si Alex sa Daddy nito at humalik sa pisngi ng Mommy nito.
"What happened?" tanong ni Nicole habang nakatingin kay Toni na kinakalma ang sarili.
"Bigla na lang nag-panic," sagot niya. "I have no idea why."
"Samahan mo na lang muna ang kaibigan mo, Alex," ani Mrs. Ramirez na may pag-aalalay.
"Yes, Tita."
"Magpapahatid ako ng pagkain dito," ani Mr. Ramirez, na nagbigay ng ginhawa sa isip ni Alex.
Nagpasalamat si Alex sa mga ito, at bumalik na ang mga ito sa loob kasama si Nicole.
Nagpaiwan naman sina Trisha at Aaron, tila nagmamasid sa kanilang dalawa.
"Do you have any idea what's wrong with Toni?" tanong niya kay Trisha, nag-aalala.
Umiling ito, mukhang naguguluhan din.
Mayamaya lang, may dumating na mga staff ng resort. Nag-set ang mga ito ng mesa at upuan sa beach at naglagay ng iba't ibang uri ng pagkain.
Nakita nilang pabalik na si Toni.
Hindi na ito namumutla tulad kanina; tila unti-unti na itong bumabalik sa dati.
Sinalubong ito ni Alex, ang puso ay puno ng pag-asa.
"I'm sorry about that," agad niyang hingi ng paumanhin, ang mga mata ay puno ng pag-aalala.
"Ssshhhh, it's okay," sagot ni Toni, na may ngiti sa kanyang mga labi.
Niyakap niya ito, na tila sinisikaping iparamdam ang kanyang suporta.
"Ang dami ko nang hindi alam tungkol sa'yo, Ton. Sana isang araw, masabi mo na sa akin lahat. Kapag kaya mo nang sabihin," aniya, puno ng pag-unawa.
---
**TONI felt ashamed.**
And scared.
Hindi yun dapat nakita ni Alex.
She should have known what kind of place they were going to.
Nang ma-meet niya ang parents ni Nicole, hiyang-hiya siyang nag-sorry sa mga ito. Lalo na kay Nikki.
Naiintindihan naman siya ng mga ito, at labis siyang nagpapasalamat sa kanilang pag-unawa.
Ngunit hindi siya iniiwan ni Alex. Kahit anong pilit niya rito na dapat nasa tabi ito ni Nicole, siya ang laging pinipili ni Alex.
She felt so damn pathetic. Nagiguilty siya kapag kaharap si Nikki.
She's been nothing but nice to her and always worried about her. And here she is, stealing somebody else's boyfriend.
She shouldn't be here. She should be somewhere where nobody knows her. She would feel safe and not scared and not ashamed.
Hindi niya pa magugulo ang mga ito.
Nang sumapit ang gabi, nagpaalam na siya sa mga kasama na mauuna nang magpahinga.
They understood her.
Hindi siya pumayag na samahan ni Alex sa cottage niya. "I won't be bothering anyone tonight."
Sinabi niya rito na gusto niyang mapag-isa at magpahinga ng maaga.
Kahit napilitan, pumayag ito, ngunit sa kanyang mga mata ay may pag-aalala.
Nang mag-isa na lamang siya sa loob, napaupo siya sa sahig, niyakap ang mga tuhod, at kusang tumulo ang mga luhang kanina pa pinipigil umagos.
She felt hopeless.
She felt pathetic.
Hindi na lamang sana siya umuwi ng Pilipinas.
Hindi na lamang sana niya dinamay si Alex.
Binigyan niya lang ito ng sakit ng ulo.
Pabigat lamang siya rito.
She cried and cried until she couldn't cry anymore.
Hindi na niya namalayang nakatulog na siya habang nasa ganun paring posisyon.
---
**NAPABALIKWAS ng bangon si Alex.**
Dali-dali siyang bumaba ng kama, lumabas ng cottage, at tinakbong nakapaa ang cottage na kinaroroonan ni Toni.
Sumisigaw ito.
Malakas.
Kasabay ng malakas na hagulhol.
"No. Please stop. No!"
Ganun ang paulit-ulit nitong sigaw at pagmamakaawa.
Binuksan ni Alex ang pinto. Ni hindi man lang ito naka-lock. Nakabukas pa ang ilaw sa loob.
Gulat na gulat siya nang makita ito sa sahig. Nakahiga. Hindi gumagalaw ang katawan ngunit umiiyak, humahagulhol habang patuloy sa pagsigaw.
"Please, no. Please stop. No!!!!"
Niyakap niya ito. Ikinulong sa dibdib.
"Toni. I'm here. Shhhh... I'm here, baby. Andito na ako," aniya, nagbabakasakaling magising ito sa masamang panaginip nito at siya ang maririnig.
"Im here, baby."
Naramdaman niya ang kamay nito na humawak ng mahigpit sa braso niya. Ininda niya ang sakit, ngunit hindi siya nagreklamo.
"Ssshhh, baby, I'm here."
Umiiyak pa rin ito, ngunit sa pagkakataong ito, gising na ito.
"I'm here, baby. I won't leave you. I promise."
Her heart is breaking for her.
Anuman ang nangyari sa dalaga, she can't imagine how much it damaged her.
She held her tight, letting her know she is with her now.
She doesn't have to worry because she won't be alone now.
Mayamaya lang, nakatulog uli ito.
Dahan-dahang binuhat ni Alex ang dalaga at nilipat sa ibabaw ng kama. Pinunasan niya ang mukha nitong basa ng luha saka inayos ang kumot.
Iniwan niyang bukas ang ilaw at tumabi rito.
Hindi niya ito iiwang mag-isa uli.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
..
.
.
.
.
.
.
.
At sa labas ng cottage, nakatayo si Nicole.
BINABASA MO ANG
𝐔𝐍𝐃𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐎𝐕𝐄- 🏳️🌈𝐆𝐱𝐆✔️
Romance𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗜𝗦 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦#𝟭 COMPLETED "You are the girl that i've been dreaming of, ever since i was a little girl." #𝒈𝒙𝒈 🏳️🌈🏳️🌈🏳️🌈