Bumaba si Alex mula sa minamanehong sasakyan. Pagkatapos itong ilock, papasok na sana siya sa gate ng bahay nang mapansin ang katabing bahay na bukas ang gate. Bigla siyang kinabahan.
"Toni," iyon ang agad niyang naisip.
Ang laki ng mga hakbang niya patungo sa kabilang gate. Ang una niyang nakita sa labas ng bahay ay ang kanyang ina habang may kausap ito.
"Mom," tawag niya rito.
Lumingon ito sa kaniya. "Alex, you're back! Halika, andito ang kapatid ng Tito Freddie mo," anito, masayang nakangiti.
Lumapit siya sa mga ito habang iginagala ang paningin sa labas ng bahay. Ilang taon na rin siyang hindi nakakapasok dito.
Isang lalaki, o isang babae? Ang nakangiti sa kaniya. Mas bata marahil kaysa sa kaniyang ina.
"This is Alex," sabi ng ina, na parang kilala na siya.
"Hello po," nahihiya niyang wika.
Ang boses ng kaharap ay boses lalaki, ngunit malambing at mahinhin. Mukhang totoong babae ito.
"Call me Tita Andrea. I'm Toni's only tita," anito, may ngiti sa labi.
"Nice to meet you po," sagot ni Alex, na medyo kinakabahan pa rin.
Sumilip siya sa loob ng bahay, nagbabakasakaling makita niya ang inaasam na makita.
"Sorry, Alex, pero wala ang pamangkin ko," sabi ni Tita Andrea.
Nahihiya siyang tumingin dito. "Lagi kang naikwento sa akin ni Toni. But I'm sorry, kasi hindi pa siya makakauwi."
Nanlumo siya. Pero sa pagkakataong ito, hindi na ganun kasakit.
Sinabi ni Tita Andrea na siya muna ang tatao sa bahay at gusto raw ipa-renovate ng parents ni Toni kaya ito ang mag-aasikaso.
"Mauuna na muna ako, Mom," nagpaalam na siya rito at sa ina.
Pero bago tuluyang makalabas ng gate, narinig niya ang pangangamusta ng ina tungkol sa pamilya ni Toni at sa mismong kay Toni.
"Oh goodness, narinig ko na super popular sa boys si Toni. I heard na may boyfriend na nga daw eh."
Napahinto siya.
It's been five years since they last talked. Kelan ba nagsimula ang lahat? Kelan ba sila nagsimulang magkalimutan? Nasa pangatlong taon siya noon sa kolehiyo.
Hindi niya alam kung bakit bigla itong hindi na nagparamdam. Walang tawag. Walang sulat. Kahit kaarawan niya, hindi na ito nakakaalala.
Sinubukan niyang sulatan ito ngunit walang sagot. Ang landline number nitong busy tone ang laging bumubungad.
Naglaho na lamang ito na parang bula.
---
Alex felt a mix of emotions—sadness, frustration, and confusion. She couldn't wrap her head around why Toni had suddenly disappeared from her life. They had shared so many memories, laughter, and secrets. How could it all just fade away?
As she walked back to her car, memories flooded her mind. The late-night phone calls, the inside jokes, and the plans they had for the future. It felt like a part of her was missing, and she didn't know how to fill that void.
"Maybe I should reach out again," she whispered to herself. "Maybe it's time to try one more time."
With that thought, she took a deep breath and decided to send Toni a message. "Hey, I miss you. Can we talk? It's been too long."
As she clicked send, she felt a glimmer of hope. Perhaps they could reconnect, and maybe, just maybe, they could find their way back to each other. After all, true friendship is worth fighting for.
BINABASA MO ANG
𝐔𝐍𝐃𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐎𝐕𝐄- 🏳️🌈𝐆𝐱𝐆✔️
Romance𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗜𝗦 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦#𝟭 COMPLETED "You are the girl that i've been dreaming of, ever since i was a little girl." #𝒈𝒙𝒈 🏳️🌈🏳️🌈🏳️🌈