SIXTEEN

493 20 1
                                    

DURING lunch time, sinamahan ni Alex si Nicole kumain sa isang restaurant malapit sa pinagtatrabahuan. Habang naghihintay ng kanilang mga order, biglang nag-vibrate ang mobile phone niya na nakatago sa bulsa ng suot na pantalon.

Nang buksan ang phone, may message na dumating from an unknown number. Binuksan niya ang message at agad napangiti sa nabasa.

"Hi. This is Toni. Save my number pls. I would love to know if you're thinking about me, coz I'm thinking about you."

Napakagat labi siya para itago ang kilig na nadarama. Mabuti na lang at abala rin sa phone nito si Nikki.

Agad siyang nag-reply. "Hello, baby. I want to know if you're not tired yet? Coz you've been running through my mind."

Ang corny niya, pero kinikilig siya sa sariling kakornihan. Kay Toni niya lamang ito nagawa; sana lang hindi maduwal ang dalaga.

Napatawa tuloy siya sa naisip. Napalakas nga ang tawa niya kaya sinaway siya ni Nikki.

"Sorry," aniya.

Nag-vibrate uli ang phone niya. "That will be my favorite exercise, running through your mind."

"What is your plan for today?" tanong niya.

"Magkikita kami ni Trisha mamaya. Have dinner together. She will bring someone with her, by the way. Aaron is his name if you can still remember."

Napaisip siya. Pero hindi niya maalala kung sino ang tinutukoy nito. "You're going out with a guy?"

She didn't like the idea. She didn't want anyone to come near her Toni. She won't allow that, lalo na kapag lalaki kasama nito.

"Yes. But if you're free, you can join us."

Dapat lang kasama ka. Hindi niya hahayaang may ibang poporma sa dalaga.

Nang dumating na ang pagkain nila, itinabi niya muna ang phone. Ngunit sa tuwing may messages na dumarating, hindi niya magawang i-ignore ito, lalo na at galing kay Toni.

"May lakad ka ba mamaya?" biglang tanong ng kaharap.

Napatingin rito si Alex.

"Meron. Magkikita kami ng mga dati kong high school friends."

"Really? Sino-sino?"

"Naalala mo si DJ Trish?"

Tumango ito.

"Siya at ang isa pa naming kaibigan," aniya.

"Yung naikwento mo sa akin na hindi na nagparamdam sayo? What's her name again?"

"Toni."

"Yeah, Toni. So, she's back?"

Tumango si Alex.

"When?"

"Kahapon."

Natahimik si Nicole. Muli nitong itinuon ang atensyon sa pagkain.

Hindi alam ni Alex kung ano ang iniisip ng nobya.

"So that was why you were not at your condo last night?"

Now, she is caught. And she doesn't want to lie again.

"Yes," aniya.

Tumingin sa kaniya ang nobya. Tila may hinahanap sa kaniyang mga mata.

Pagkaraan, ngumiti ito.

Not a sad smile, but an understanding smile which made her suddenly feel guilty and disappointed at herself.

Nicole is her girlfriend. They may not have the very romantic relationship, but she should respect her.

Masasaktan ito kapag nalaman nitong may iba pala siyang minamahal.

---

NAGDADALAWANG ISIP si Alex kung itutuloy pa ba niya ang pagsama kila Toni at Trisha. Ginugulo siya ng utak niya buong maghapon.

Hinihintay niya sa lobby ng building si Nicole. Madilim na sa labas. Hinihintay na marahil siya ni Toni sa mall kung saan sila magkikita.

Napatingin siya sa humawak sa braso niya. "Bakit andito ka pa? Akala ko ba may lakad kayo ng friends mo?" ani Nikki.

"Nagdadalawang isip ako," pag-amin niya.

"Dahil ba sa akin?"

Tumango siya.

"Ayokong mag-isip ka ng masama."

"It's okay, hon. Walang problema sa akin. Naiintindihan kita," putol nito sa sasabihin niya.

"Are you sure?" paninigurado niya.

Ngumiti ito at tumango. "But I want you to invite your friends sa Sunday."

Nagulat si Alex sa sinabi nito. "I'm dying to meet Toni and Sunday will be the perfect day coz it's my birthday."

Ano ang isasagot niya?

Tumawa ito sa reaksyon niya. "Alex, I'm not going to steal your friend. Ano ka ba? Gusto ko lang sila makilala, lalo na si Toni. Okay lang ba?"

Wala namang masama sa hiling ng nobya. Ngunit hindi ito magiging madali sa kaniya.

It's wrong. And Nicole doesn't know that.

---

LAHAT ng agam-agam sa puso ni Alex ay naglahong bigla nang masilayan ang babaeng nakaupo sa isang mesa sa labas ng Japanese restaurant. Nakita niyang tumayo ito agad nang makita siya at kumaway pa.

Sinalubong siya nito kasama ang matamis nitong ngiti. She wanted to kiss her right there and then. But she needs to control her emotions.

This is not the right time and place for her true feelings. But when Toni hugged her, laying her head on her chest, how was she supposed to hold back herself?

"I miss you," di na niya mapigilang pag-amin. She held her tight, loving the feeling of being close to her like this.

Nawala lahat ng pagod niya. Para bang nagkaroon siya ng panibagong energy.

"I miss you too," anito nang tumingala sa kaniya.

Hinalikan niya ito sa noo. "May private room tayo sa loob. Naka-ready na rin ang dinner," anito.

"So hinintay mo talaga ako dito sa labas?"

It warms her heart.

"Yes. After ko ma-receive ang message mo na malapit ka na."

She smiled. Oh, how she hoped this woman could be her woman. She will never get tired of her sweetness.

Hinila siya nito papasok sa loob ng restaurant.

Saka niya napansin ang suot nitong blue dress na kitang-kita ang mahahabang mga binti. Nang humarap ito, mabuti na lang at hindi ganun kalalim ang neckline ng suot nito. Baka masuntok niya ang bawat taong tititig sa cleavage nito.

"Are you checking me out?" natatawang tanong nito nang mahuli siyang nakatitig.

"Well, I can't help myself. You look so beautiful in that dress."

Nasa tapat na sila ng isang private room nang bumulong ito sa tenga niya. "I'm more beautiful when I'm naked."

Nanlaki ang mga mata ni Alex. Saka biglanguminit ang pakiramdam. Narinig niya ang hagikhik nito nang buksan ang pinto at hilahin siya papasok sa loob.

She groaned when she imagined her naked underneath her touch. No, she is wrong. She will never be able to have self-control kapag si Toni na ang kaharap, kayakap, iniisip, or kasama.

Toni is her weakness.

𝐔𝐍𝐃𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐎𝐕𝐄- 🏳️‍🌈𝐆𝐱𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon