Kinabukasan ng umaga, sabay nang pumasok sa school sina Alex at Toni. Ngunit hindi maipagkailang mayroon nang pagbabago sa samahan nila; tila may kulang. Halos wala silang imikan. Sa parte ni Toni, alam niyang may kirot sa puso niya. Alam niyang maraming bagay ang magbabago sa mga susunod pang mga araw. Simula palang ito ng unti-unting pagkabuwag ng samahang nabuo ng maraming taon.
Isang simpleng 'bye' lang ang binitawan nila sa isa't isa bago naghiwalay sa campus.
Inaasahan ng dalagita na hindi siya nito isasabay sa recess time, pero nagkamali siya. Dahil nakaabang na ito paglabas niya ng classroom.
"On time ako, kaya sana hindi ka na magtatampo sa akin. And flower for you," sabi ni Alex, na may hawak na isang pulang gumamela.
Lumambot naman agad ang puso ni Toni. Nakangiti na siya nang tanggapin ang bulaklak. It reminded her of the first time na bigyan siya nito ng bulaklak.
"Thank you," ani niya, na tila nahulog ang lahat ng sama ng loob.
Isinabay na nila si Trisha sa canteen.
Akala niya okay na ang lahat, pero the moment na masaya na silang nagmemeryenda, dumating si Bea. Nakangiti itong bumati kay Alex bago sa kaniya.
Paano nga ba niya nagawang kainisan ang babae kung mabait naman pala ito sa kaniya? Dahil inaagaw lang naman nito ang bestfriend niya sa kaniya.
"So Toni, how is Alex as a friend?" tanong ni Bea bigla.
Nagkatinginan sila ni Alex bago niya sinagot ang tanong ng babae. "She's the best," simpleng sagot niya, kahit na may bahid ng inis.
"Wow, I hope we can be good friends as well," sagot nito na lalo pang nagpainis sa dalagita. Ang mga salitang iyon ay tila nag-iinit ng dugo sa kanyang mga ugat.
"That wouldn't be impossible, Bea," sagot ni Alex na may kasama pang matamis na ngiti.
She tried to hide her emotions, pero di niya iyon maitago kay Trisha, na nakatingin sa kanya na may pag-aalala.
Nang mag-ring ang bell, hudyat ng pagkatapos ng recess time, tumayo agad ang dalagita.
"Mauna na kami ni Trisha," aniya nang tumayo na rin ang kaibigan.
"Bye Toni. Maybe we can hang out sa bahay nila Alex mamaya after school?" tanong ni Bea na may kasamang ngiti.
"I have something to do later," sagot agad niya, na tila nagmamadali.
Bakit ba nagdedesisyon nalang ito ng ganun-ganuon nalang? Hangout sa bahay nila Alex? As if close na close na sila.
"Ohh, then kami nalang ni Alex. Have fun," sagot ni Bea, na tila walang pakialam.
Hindi na siya lumingon pa at iniwan ang mga ito. Kumukulo ang dugo niya sa babaeng iyon.
"Medyo hindi ko gusto ang ugali ng babaeng iyon. Hindi kita masisisi kung bakit ka inis sa kaniya," ani Trisha nang pabalik na sila sa classroom.
"Nagdedesisyon na siya ng ganun-ganuon nalang. Who gives her the right to do that?" sagot ni Toni, ang boses ay puno ng inis.
"Ramdam niya siguro na wala namang problema kay Alex. Narinig mo naman ang sinabi ni Alex sa kaniya," sagot ni Trisha, na tila nagtatangkang maging makatwiran.
Hindi umimik ang dalagita. Tinanggal niya ang bulaklak na nakaipit sa likod ng tainga niya at pinagmasdang maigi, saka napabuntung hininga. Kailangan na niyang sanayin ang sarili na magkaroon ng karibal kay Alex. Lalo na sigurong nagkakagusto na ito. Hindi naman siya maaaring maging girlfriend nito. They were just best friends. And sooner or later, baka maging dating bestfriends nalang sila. Kasi she can't stand to think of Alex being with someone else romantically. Kahit anong sabi niya sa sarili na 'no big deal', nasasaktan pa rin siya.
BINABASA MO ANG
𝐔𝐍𝐃𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐎𝐕𝐄- 🏳️🌈𝐆𝐱𝐆✔️
Romance𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗜𝗦 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦#𝟭 COMPLETED "You are the girl that i've been dreaming of, ever since i was a little girl." #𝒈𝒙𝒈 🏳️🌈🏳️🌈🏳️🌈