Pagpasok ni Alex sa bahay, napatingin siya sa ina na may matalim na tingin sa kanya. Kararating lang niya galing eskwela, at ito ang madadatnan niya.
"What's going on with you and that Bea?" tanong ng ina, na ikinagulat niya.
Bakit bigla itong nagkaroon ng interes na malaman ang tungkol sa kanila ni Bea? Gayong wala naman itong sinasabi noong una.
"Nothing, Ma, why?" Naupo siya sa harap nito sa sofa.
"Are you forgetting something, Alex?" tanong ng ina.
Napakunot-noo siya. "About what, Ma? Ano bang reason kung bakit tila naiinis kayo sa akin, or kanino man yan?"
"What happened to you and Toni? Ipinagpalit mo na siya kay Bea?"
Natahimik siya bigla. Buong araw niyang hindi nakita si Toni. She wanted to apologize sa nakita nito kahapon ng umaga; ang makita siya at si Bea na magkasama sa kwarto niya. Alam niyang nasaktan na naman niya ang kaibigan. Kitang-kita iyon sa reaksiyon nito kahapon, at sa kung paano siya nito pinagsarhan ng bintana. And today, hindi ito nagpakita sa kaniya. Hindi niya alam paano nito nagawang magtago para hindi niya makita.
"Hindi naman sa ipinagpalit, Ma. Wala namang ganun eh. Hindi ko lang maitaboy si Bea kapag unexpectedly dumarating siya," aniya pagkakuwan.
"Do you like Bea?"
Nag-isip muna siya bago sumagot. "Crush," aniya.
"Hindi ba't si Toni ang crush mo noon pa?"
Nanlaki ang mga mata ni Alex. At ang inang kanina lang ay galit, bigla itong napahagalpak ng tawa.
"Oh Alex, oh my goodness," anito at tumawa uli.
"Ma, how did you know?" maang niyang tanong.
"Siyempre alam ko. Tanggap ko noon pa na ganyan ka na talaga. Hindi ko man in-allow na putulan ang buhok mo, tanggap na tanggap kita, anak. At tanggap na tanggap ko rin na si Toni ang first crush mo. Hindi ko akalain na mawawala pala ang pagtingin mo sa kaniya."
Sunod-sunod siyang umiling. "Hindi naman nawala eh. Tinuruan ko lang ang sarili ko na huwag umasa. Nakikita ko kasi na bestfriend lang ang tingin sa akin ni Toni. Lagi niyang pinapamukha sa akin iyon. Kaya, I tried to look for someone else."
Tumayo ang ina at tinabihan siya. Hinawakan nito ang kamay niya. "Kung ganun man, anak, kung bestfriend lang ang turing sayo ni Toni, hindi mo parin dapat siya sinasaktan. Value that friendship, anak. Someday, hindi natin alam, she will learn to see the different side of your feelings for her. She might not accept it, but she will surely appreciate you," mahabang payo ng ina.
Tumango siya ng dahan-dahan. "At kailangan mong makausap si Toni. I'm sure may importante siyang sasabihin sa'yo na hindi niya nasabi sayo kahapon dahil sa may iba kang kasama."
"Kakausapin kaya niya ako, Ma?" tanong niya.
"Try mo lang, anak. There's a hot casserole of chicken adobo in the kitchen. Dalhin mo sa kanila, so you have an excuse na pumunta doon and then kausapin mo siya. Okay?"
Tumango siya at niyakap ang ina. "Thanks, Ma, for everything."
---
Abala si Toni sa paggawa ng assignment nang may kumatok sa pinto.
"It's open, Mom," aniya na nakatingin pa rin sa binabasang libro.
Bumukas ang pintuan at narinig niya ang pagpasok ng ina. Nakatalikod siya mula sa pintuan at hindi rin siya lumingon. Nagulat nalang siya nang magsalita ang inakalang mommy niya.
"I'm sorry."
Tumayo siya mula sa upuan at dahan-dahan itong hinarap. "Alex," aniya.
"Can you forgive me, Toni?" tanong nito sa malungkot na boses.
BINABASA MO ANG
𝐔𝐍𝐃𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐎𝐕𝐄- 🏳️🌈𝐆𝐱𝐆✔️
Romance𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗜𝗦 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦#𝟭 COMPLETED "You are the girl that i've been dreaming of, ever since i was a little girl." #𝒈𝒙𝒈 🏳️🌈🏳️🌈🏳️🌈