NATT CONDOMINIUM
TELEVISION NEWS:
Art Hurret Angeles, former owner of Dark Carnival, is being pointed to by the police as the suspect in the murder of Allyson Davis, who was found at Natt Condominium.
According to Private Investigator Luckey Buenaventura's statement, the motive for the murder was revenge. It's worth recalling that Natt Condominium had previously gone bankrupt but was saved by businessman Nathaniel Gregorio.
Art's name has now been moved to the wanted list, after previously being on the missing persons list. Police are now actively searching for him as a suspect.
(Warning to those eating breakfast) A lifeless woman was found in a squatter area in a Tondo, Manila district.
Police suspect the victim was r-word and then murdered. Her condition was extremely grim when discovered by a resident; her chest was gashed open down to her stomach.
The Violent Crimes Unit is still en route to the crime scene to investigate the incident.
"Hindi na nga ako gagala kung saan-saan,"
I'm eating my breakfast. Grabe na talaga 'yung mga nangyayari ngayon. Ang dami ng namamatay. Ngayon lang ulit nagsi-labasan, ano kayang mayro'n?
"Kita mo 'yan? Sabi ko sa'yo may mga nagag*hasa eh. Gusto mo pang gumala sa gabi tapos mag-iinom kayo ng barkada mo! Susunduin na kita sa school mo magmula ngayon." Sabi ni Mommy.
"Matanda na ako para diyan. Hindi na kailangan, Mom." Saad ko sa kanya.
"Te, ang mga predator, walang pinipiling biktima. Bata ka man o matanda, kung nakursunadahan ka, patay ka." Wika ni Mommy.
"May kasabay naman akong classmate ko," ani ko.
"Sinong classmate? Si Ara? Ang lakas niyo naman kung ganun." Sambit ni Mommy.
"Lalaki," bigkas ko.
Napatigil siya sa ginagawa niya. "Hoy babae? May iba ka na agad?" Ramdam ko 'yung gulat niya sa sinabi ko.
"Grabe naman, iba agad. Magka-ibigan lang kami no'n." Banggit ko.
"Gwapo ba siya? Matangkad? Malakas? Ma-ipagtatanggol ka ba niya?" Sunud-sunod niyang tanong.
"Anong kinalaman ng kagwapuhan niya sa pagtatanggol sa'kin? Duh. Mas matangkad ako sa kanya. Malakas naman siya sa tingin ko, fit 'yung body niya eh." Sagot ko.
Sana nga makapa ko 'yung abs eh. Joke.
Sinabayan na rin ako ni Mommy kumain habang nanonood ng TV. After that, naghugas ako ng pinagkainan.
"Mom, can I ask?" Tanong ko at umupo sa couch.
"Hmm?" Tugon niya.
"Ano po kayang mayro'n sa isang tao na hindi namamansin? Suplado siya at tahimik palagi. Minsan lang din siya nagre-response. Makakausap mo lang siya ng matino kapag nararamdaman niyang takot or nalulungkot ka." Mutawi ko.
"Ba't mo naman natanong? Classmate mo ba 'yan?" Tanong ni Mommy.
"Yes po," maikli kong sabat.
"Siya ba 'yung lalaking sinasabi mong sasabayan mo pag-uwi?" Tanong niya ulit.
Iyan! Diyan magaling si Mommy, ang manghula. Ba't ka ba ganyan? Alam mo ang lahat.
Tumango ako as my response.
"Baka naman Introvert," sagot niya sa una kong tanong. "Huwag kang mag-alala, mas maingay pa 'yan sa'yo kapag naging comfortable siya sa'yo." Dagdag pa ni Mommy.
"Ganu'n ba 'yon? Parang hindi naman. Hindi ko ma-imagine na maingay siya. Hindi bagay sa kanya." Sabi ko.
Honestly, mas gusto ko 'yung tahimik siya. Ba't ko kasi siya iniisip?
"Crush mo ata eh. Bilis maka move one ah. Ang landi amp*ta, redflag si g*ga." Saad ni Mommy.
"Hindi ah. Gusto ko lang makipagkaibigan sa kanya." Katwiran ko.
"Huwag mo siyang ipapakausap sa iba, dapat sa'yo lang." Wika ni Mommy.
"Ayoko nga. Kailangan niya makipag close sa lahat para masanay siya sa'min." Ani ko.
Pero pwede rin.
"Paano siya magiging comfortable sa'kin?" Curious kong tanong.
"Ba't interesado ka? Hoy, Daisy? Parang ibang tao ka na ngayon ah." Pagtataka niyang sambit.
"Gusto ko lang talaga makipag kaibigan. Iyon lang talaga, promise." Banggit ko.
"Promise mong bulok,"
Syempre hindi na siya maniniwala riyan, pasaway ako eh.
Nag ready na ako ng susuotin kong uniform. Inayos ko rin 'yung mga gamit ko sa bag. Everyday ko talaga 'tong inaayos, psychopath ako eh. Ayaw ko sa magulo.
Hashtag, perfectionist.
Naligo na ako at nagbihis. Nagpaalam na rin ako kay Mommy bago umalis.
"Tara na," bigkas ko sa Driver namin.
Habang nasa byahe ay nagpapatugtog ako ng Korean Pop Songs. I got distracted kasi may maingay na nagpapatakbo ng motor.
Bwisit! Ang ganda-ganda ng mood ko ngayon, sinisira niya.
Nakarating na ako sa school and I'm happy ako kasi doon din huminto 'yung maingay na motor kanina.
I knock on his helmet nung malapitan ko siya. Hindi niya pa ito tinanggal agad kasi inaayos niya pa 'yung mga gamit niya.
"Hi," mutawi ko habang kumakaway ng mahina.
Tinanggal niya ang suot niyang helmet at namula ako sa hiya nang makita ko si Leon. Papagalitan ko sana siya pero parang ako 'yung pinapagalitan niya sa mga titig niya sa'kin.
Bakit kasi motor? Tapos ang ingay pa.
"Morning," sabi niya saka naglakad papalayo.
Should I follow him?
Of course, sinundan ko na siya. Parehas naman kami ng classroom na papasukan.
"Wala bang naghahatid sa'yo?" Tanong ko.
"Wala," sagot niya.
"Iba 'yung bag mo ngayon. Hindi ko tuloy napansin na ikaw si Leon kanina." Wika ko.
"Kailangan bang mapansin mo'ko?" Tanong niya.
"Aawayin sana kita kanina kaso huwag na lang kasi bago ka pa naman dito." Sambit ko.
Bakit parang dumadaldal siya? Tama ba si Mommy?
Napansin kong papunta na naman kami sa abandonadong building na 'yon.
"Hoy? Hindi ka papasok?" Tanong ko sa kanya.
"Maaga pa," maikli niyang sagot. As usual.
Heto na naman, sasabak na naman ako sa mga ghost. Tama naman siya maaga pa, mukhang maaga pa akong mamamatay.
Nakapasok na kami sa loob pero ang gaan ng loob ko, hindi ko alam kung bakit. Hindi na rin ako gaanong natatakot sa paligid.
"Kaano-ano mo si Kregga?" Tanong ko sa kanya.
"Bodyguard," sagot niya na ikina-gulat ko.
"Body guard? Ang bata mo pa ah." Banggit ko.
"I told you, wanted ako sa Japan." Bigkas niya.
Hindi ko alam na seryoso siya last time nung sinagot niya 'yan sa'kin. Seryoso ba talaga siya? Feeling ko nag jojoke pa rin siya sa'kin.
"Sino pang kilala mo dito sa campus?" Tanong ko.
"Secretary Reagar," sabat niya.
Si Danica? Iyong secretary namin sa room? Paano sila nagkakilala? Ang alam ko lang ay may kapatid si Danica sa VCU.
"Paano mo nalamang secretary si Danica?"
"Secretary ko siya," paglilinaw niya.
"Ahh, secretary mo. Secretary rin kasi namin siya sa room, maganda sulat niya eh." Sabi ko.
Maganda talaga sulat no'n parang naka calligraphy. Iyong akin kasi parang nilakaran ng mga giants.
"Secretary mo!?" Ngayon lang nag sink-in sa utak ko 'yung sinabi niya. Itong taong 'to, ang daming alam sa buhay.
Bakit siya may secretary? Boss ba siya? OMG.
"Bakit?" Nagtataka niyang tanong.
"Teka lang, teka lang. Hindi ko ma-gets. Ganito kasi Leon, si Kregga or 'yung tinatawag mong Mackey, isa siya sa mga binubully rito. Paano mo siya naging bodyguard?"
Naguguluhan na talaga ako.
"Binubully siya dito?" Tanong niya sa'kin.
"Ba't hindi mo alam? Boss ka niya 'di ba?" Tanong ko pabalik.
"Hindi naman siya nagre-report. But I'm proud, hindi niya naman kailangang lumaban." Sabat niya sa'kin.
Infairness, ito na 'yung pinakamahaba niyang sinabi sa'kin. Napatawa tuloy ako ng mahina.
"Marunong ka bang lumaban?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi,"
Sabagay, kaya nga may bodyguard siya.
Ilang minuto rin kaming nag-stay sa loob bago lumabas at pumasok sa classroom. Nagtataka pa 'yung ilan kasi sabay kaming dumating, lalo na si Ara.
"Ayos ka na?"
Ara already know na wala na kami ni Jeff. Sinabi ko sa kanya sa text nitong week lang, baka kasi asarin niya ako. And because somehow, close naman sila ni Jeff, nakiusap ako sa kanya na kung pwede mag-usap kaming apat kasama si Leon. Pumayag naman si Jeff so now we're here in this abandoned building.
Again.
Hindi naman kasi pumayag agad-agad si Leon. Papayag lang daw siya kung sa abandonadong building na 'yon magkikita. Edi pumayag na ako, hindi naman na ako takot dito.
People changed.
"Ano bang sinabi mo sa Guidance Office last week?" Tanong ni Ara kay Jeff.
He didn't respond. Naiilang ata siya sa'kin.
I saw Leon, nakaupo siya sa bintana. Hindi talaga siya takot mamatay, ang taas-taas ng pwede niyang bagsakan doon. Lumapit ako sa kanya at nagtanong, "Gusto mo bang makipagkaibigan?"
"Sige," Sagot niya. Tugmang-tugma sa tanong 'di ba?
"OMG!"
Nalula ako nang tumingin ako sa baba. Bwisit talaga 'tong lalaking 'to, dito pa kasi umupo. Napa-takip pa tuloy ako ng mata, ilang seconds ko pa siya namulat ulit.
Tapos pagmulat ko wala na si Leon. He's with Ara and Jeff na, nakikipag kamay.
Bakit sa'kin hindi? :)
I don't remember anything na nakipag kamay siya sa'kin at nagpakilala. Iiyak na ba ako?
Pero okay lang, masaya pa rin ako para sa kanya. Natutu-tuhan niya nang makisalamuha kahit sa'min lang. Oo, sa'min lang, dapat nga akin lang eh.
Joke.
Iniisip ko kasi na baka pagtripan siya ng mga students dito. Natatawa nga ako last week eh, ang dami ko talagang tawa as in. Hinuhubad ni Leon 'yung sapatos niya kapag papasok sa kahit anong rooms.
Ganun ba talaga sa Japan?
Tumabi na ako sa inuupuan nilang sahig. Hindi naman ito gaanong marumi, makintab pa nga eh. Katabi ko si Leon, katabi niya naman si Ara. Katabi ni Ara si Jeff, ako 'yung nasa kabilang dulo niya.
Nakita kong bumulong si Jeff kay Ara. "Be, ano raw pag-uusapan?" Tanong ni Ara sa'kin.
BINABASA MO ANG
Vigilante
Mystery / ThrillerHaunted by their pasts, a group of young individuals finds a new purpose: joining the Anti-Predator Squad. This shadowy vigilante organization is dedicated to eradicating the rampant crime plaguing the city and its surrounding regions. But their mis...
