Cyndie's POV
We're on our way to cemetery na sinasabing doon daw nilibing ang asawa ko.
Dapat kahapon kami pupunta. Kaso sabi nila Daddy may aasikasuhin sila. So ngayon nalang kami pumunta.
Kanina habang nag iisip isip ako. Nagtanong tanong ako about sa issue na yun. Nag hanap ng ilang litrato. Kaso, I admit, hindi talaga ako mapanatag. Wala man lang kase akong picture na nakita habang binuburol siya. O kahit anong patunay.
Patay na DAW siya, pero sa puso ko buhay na buhay siya eh. Parang malapit lang siya sakin.
"Edward. Kung asan kaman. Mahal na mahal kita." Sabi ko sa isip ko. Naramdaman ko ang pag patak ng luha sa pisngi ko. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa matanggap.
Nang makarating kami, bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi man lang sumagi sa isip ko yung ganito. Dadalawin ko ang puntod ng asawa ko.
"Cynd, are you sure about this?" Nagaalalang tanong ni mommy.
"Why would Im not gonna be sure about this ma? Diba dapat lang na dalawin ko ang puntod ng asawa ko?" Medyo galit kong eksplinasyon.
Kahapon ko pa kase napapansin sila daddy at mommy eh. Parang may mali sa mga kinikilos nila.
"Ok.. Ok.. Basta dumiretso kalang jan, tapos kaliwa. Yung pang pitong lapida." Sabat ni daddy.
"Hindi niyo ko sasamahan?" Sabay kunot ng noo ko.
"Hindi na anak. We want you to have time with you husbond. Balik ka nalang dito sa kotse if tapos kana. Ok?" Sabi ni dad.
Tumango lamang ako. Tsaka naglakad.
••••
Someone's POV"Buhusan niyo ng tubig para magising." Ang utos ko sa kanila.
Hahaha! Siguradong matutuwa si boss nito.
Binuhusan nga nila ito ng isang timba."What the -- ano ba kasing kailangan niyo? Wala naman akong atraso sa inyo ah! " pag wawala ni Dela Fuerte.
"Oo, wala ka ngang atraso samin. Pero sa boss ko! MALAKI. At panahon na para maningil siya." Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
"Paki sabi jan sa boss mo, lumaban siya ng patas. Duwag siya!" Agad ko namang sinuntok.
"Ang tapang mo! Hahha! Alam mo ba kung gaano hindi matanggap ng asawa mo ang pagkamatay mo? Kawawang Cyndie. Nagluluksa sa taong HINDI NAMAN TALAGA NAMATAY."
Nagbago ang mukha niya. Nakikita ko ang galit dito." Hayop kayo. Wag na wag niyong iday ang pamilya ko dito. Pag ako nakawala, sisiguraduhin kong mauubos kayo." Pinipilit niyang kumawala at lumaban pero hindi niya yun magawa.
"Tignan natin. TIGNAN NATIN!"
•••••
Cyndie's POV
"Bakit ganun? Kung kailan masaya na tayo... Kung kailan naka moved on na ako sa Anak natin.. Heto ka, iniwan mo ko mag-isa. " patuloy lang ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko.
May sakit akong nararamdaman. Pero meron ding tanong. Bakit ayaw nalang sabihin sa lahat, gayung napakatagal ng nangyare.
Ang gulo. Napaka gulo.
"Siguro hanggang dito lang tayo. Pero pangako ko sayo. Aalamin ko ang lahat ng nasa likod nito." Bulong ko sabay punas sa mga luha sa pisnge ko.
Pabalik na ako, ng maramdaman kong may nakamasid sakin.
'Ed wag kang ganyan' isip-isip ko sana. Kaso ng nakita ko ang anino niya sa likod ko.This is not good. Run!!!
Sabi ng isip ko kaya tumakbo na ako papunta kila mommy.
Nakita kong wala na ang kotse nila doon. Kinabahan ako.
Napansin ko ang isang lalaking hingal na hingal .."Ang bilis niyo ho! " paglalahad nito.
"Sino ka? " siya pala yung kanina.
" Ako po yung pinaiwan ng mommy niyo. May pupuntahan lang po sila." Sa sinabi niya ay napanatag ako.
---
Pag dating ko sa bahay. Napansin kong ang tahimik.
"Yaya? Bakit ang tahimik ng bahay? Yaya ?" Asan kaya ang mga kasambahay.
Wala namang nawawalang gamit. Malinis din ang bahay.
"Khianna? Khiarra? Yaya? " pero nanatiling tahimik.
Kinabahan na ako. Agad akong tumungo sa kwarto ng mga Anak ko.
Ngunit naabutan ko lamang na naka- busal ang bibig ng mga katulong at nakatali ang mga kamay.
Anong nangyare?
Tinawag ko agad si Roy. Siya yung pinaiwan nila mommy.
"Roy' tumawag ka ng pulis. Bilis."
Sumunod naman agad ito.
Ng mapakawalan ko ang mga katulong. Umiiyak silang nag sumbong. Ngunit mabilis na bumaba ang isa.
"Ma'am Cyndie, pasensya na po! Sinubukan po naming lumaban pero hindi namin sila kaya."
"Tatlong armadong lalaki po ang pumunta dito. Pwersahan po nilang kinuha ang anak niyo. Yung isa po dun nakita ko na noon...."
Bago niya naituloy pumasok ang isang katulong. Dala si khianna.
"Anak ko!" Kinuha ko kaagad. "Asan na ba ang mga pulis?" Taranta kong tanong.
"Mam sa tingin lang po namin! Malapit sa inyo ang kaaway niyo."
Mas lalong nagpagulo sa isip ko ang sinabi niya.
"Mam, baka po makatulong.!" Tsaka iniabot sakin ang isang relo.
"Naiwan po yan ng isa sa nangloob habang naghuhugas siya ng kamay! Alan ko pong mali pero nakita ko na po yan minsan. " paglalahad nito .Sumikip ang pag hinga ko. Hindi ito totoo.
"Kay sir BILLY hoh yan hindi po ba?" Lalo akong nanghina.
Si kuya? Bakit SIYA?
BINABASA MO ANG
My bestfriend is my Forever
Teen FictionIs really forever doesn't exist? Or you're just bitter to say it? Maniniwala ka bang 'may forever kung ang bestfriend mo ang tunay na kahulugan ng forever?...