Isang mapayapang umaga. Tahimik at normal na araw sa lupa. Kulay asul ang mga ulap, kalagitnaan ng tirik ng araw.
Isang mapayapang araw para sa lahat ng tao sa lupa. Ngunit sa itaas na banda. May isang tagapag tanggol na nag ngangalang Isaiah. Siya ang tinatawag na "Protector of the heaven's gate" o "tagapag bantay nang pinto sa langit." nang ikalawang henerasyon.
Isang bihasang arkanghel na sinanay upang protektahan ang pinto ng langit laban sa mga demonyo o binansagang kailaliman, masasamang elemento at anghel na nahulog sa lupa o nahulog na anghel (Fallen angel).
Maputi, makisig ang pangangatawan at matipunong siyang tunay si Isaiah, may tangkad na 5'10.
Mapayapang nagbabantay si Isaiah sa heaven's gate nang...
"Isaiah, pinapatawag ka nang Mahal na Panginoon." wika ni Ulysses na kaibigan ni Isaiah
Nagtataka man ay sumunod si Isaiah sa utos ng kanyang kaibigan at pinuntahan ang Mahal na Panginoon.
"Isaiah, kamusta ka na?" bungad na tanong nang Panginoon
"Maayos naman po ang aking lagay, Mahal na Panginoon" tugon ni Isaiah
"Pinatawag kita dahil may mahalagang misyon akong nais ipagawa sa iyo... Nais kong bumaba ka sa lupa at tahimik na mapigilan ang mga masasamang plano nang mga nasa kailaliman. Pansin kong dumadami at bumibilis ang paghahasik nila ng dilim." wika nang Panginoon
Labis ang pagtataka ni Isaiah dahil sa tinagal tagal niya nang tagapagbantay ng heaven's gate, ngayon lamang siya binigyan ng misyon na hindi sa nakasanayan niyang lugar.
"Ngunit bakit po ako? Kung wala po ako ay sino po ang magbabantay sa pintuan nang langit?" tanong ni Isaiah
"Nakahanap na kami nang pansamantalang papalit sa iyong posisyon kaya wala kang dapat ikabahala, Isaiah" tugon nang Mahal na Panginoon
Labis na nalilito si Isaiah sa biglaang naging desisyon nang Mahal na Panginoon sa kaniya, kaya naman hindi nito maiwasang magtanong...
"Kung hindi po ninyo sana mamasamain, nais ko lang po sana tanungin kung bakit ako po, higit sa lahat ang inyong napili na gawin ang misyong ito?" magalang na tanong ni Isaiah
"Pinanghihinaan ka ba ng loob na gawin ito, Isaiah?" balik na tanong nang Panginoon
"Hindi naman po sa ganoon, mahal na Panginoon... Sa tagal po nang aking pagbabantay sa pintuan nang langit, ngayon lamang po ako nabigyan ng ganitong pagkakataon. Natatakot po akong biguin kayo dahil hindi po ito ang akin nakasanayang misyon." tugon ni Isaiah
"Malakas ka Isaiah. Malawak ang iyong isipan, alam kong kaya mo sila.. Darating at darating ang araw na susubukin kita sa ibang aspeto, at ang pagkakataon na iyon ay dumating na.. Alam kong hindi mo ako bibiguin. Inutusan ko na din si Ulysses na bantayan ka kapag wala na siyang masyadong gawain. Aasahan kong hindi mo ako mabibigo Isaiah." tugon nang Panginoon
Bumalik si Isaiah sa kanyang pusisyon sa huling pagkakataon, bago siya humarap sa bagong pagsubok.
Nakatayo lamang ito, habang nakatingin sa lupa at tila ba napakalalim ng kanyang iniisip..
"Napakagandang tignan ng lupa sa gabi, sa mga oras na nakasindi na ang mga ilaw na nagsisilbing liwanag nila sa gabing madilim... Ngunit alam ko, kahit hindi ko pa ito napupuntahan... kung gaano ito kadilim" wika ni Isaiah sa kaniyang sarili
Nakasanayan ni Isaiah ang tumingin sa lupa sa tuwing gabi, labis itong natutuwa sa magagandang tanawin at kislap nang mga ilaw tuwing gabi.
May kakayahan rin itong tumanaw nang ilang kilometrong layo mula sa kaniyang kinatatayuan.
"Hindi ka pa bumababa sa lupa pero ang mukha mo'y tila ba pinagbagsakan na ng langit at lupa..." wika ni Ulysses na biglang sumulpot sa tabi ni Isaiah
"Ulysses, bakit higit sa lahat sa akin binigay ang pagsubok na ito? Hindi ako nararapat sa hamon na ito. Dito lamang dapat ako nakabantay sa pinto" wika ni Isaiah
"Alam mo namang lahat ng bagay ay may dahilan di ba? Hindi naman ibibigay sayo ang hamon na ito nang walang dahilan, Isaiah... Sa lupa, andoon lahat ng maaari mong makasalamuha kapag dumating na ang nakatakdang panahon... Di ba dapat bilang taga pagbantay ng pinto, alam mo na ang dapat mong asahan na makakasagupa mo para hindi sila makapasok. Kung kaya mo silang pabagsakin sa lupa pa lamang, ay wala na kaming dapat ikabahala dahil alam naming kayang kaya mo kami protektahan dito sa langit." pangungumbinsi ni Ulysses
"Pinupunto mo bang magiging ensayo ko sa pakikipaglaban sa lupa ang mga nasa pinakailaliman?" tanong ni Isaiah
Hindi na sumagot si Ulysses at tumango na lamang. Inabot niya ang isang maliit na libro na naglalaman ng lahat ng dapat niyang malaman sa lupa..
"Andito lahat sa maliit na librong ito ang dapat mong malaman sa lupa, ang libro nang kaalaman. Ang kaalaman na nilalaman nito ay walang katapusan. Lahat ng nais mong malaman, sa iyong pagbuklat pa lamang ay makikita mo na ang kasagutan, sa lahat ng iyong mga katanungan, kaya paka ingatan mo ito... Ngunit may mga bagay din itong pinagbabawalang maisagot sa'yo. Yun ay ang pagtukoy kung nilalang sa kailaliman o fallen angel ang kaharap mo. Kaya mag iingat ka sa pakikisalamuha. Umpisahan mo nang magbasa basa para sa pagbaba mo bukas ay tiyak na handa ka na." bilin ni Ulysses
Nag abot din si Ulysses nang isang kwintas at...
"Itong kwintas na ito ay lagi mong isusuot at wag na wag mong iwawaglit, sa pagkat ito ang magsisilbing iyong armas laban sa mga nasa kailaliman. Kung kakailanganin mo ako, ilagay mo lamang ang kanan mong palad sa ibabaw ng libro at banggitin ang aking pangalan at ako'y darating... Ngunit sa panahong pinaka kailangan mo lamang ako... Marami akong tungkulin na higit pa sa binigay sa iyo... kaya sana kung ako'y iyong tatawagin ay sa panahong pinaka importante lamang... Di ka dapat mabahala sapagkat ang iyong lakas ay mananatili at maaari pang mas lumakas ang iyong kakayahan base sa iyong napag eensayuhan, kaya galingan mo at... Magiingat ka kaibigan." wika ni Ulysses
Umalis na si Ulysses at nag umpisa nang basahin ni Isaiah ang libro.
Kinabukasan...
"Isaiah, bago ko makalimutan, hangga't maaari wag mong gagamitin ang tunay mong pangalan sa lupa..." pahabol ni Ulysses
"Kahit na kanino?" tanong ni Isaiah
"Wala ni isa ang dapat makaalam ng iyong tunay na pangalan." mahigpit na bilin ni Ulysses
Tumango lamang si Isaiah. Batid sa kanyang mukha ang pagkaseryoso sa tatahaking misyon
"Pinabibigay sa iyo ito ng iyong ama.. Pakaingatan mo ito sapagkat dito ka kukuha ng kakailanganin mo sa pang araw araw..." Sambit ni Ulysses sabay abot nang isang pitaka
"Pitaka?? Nabasa ko ito sa libro.. Alam ko na ang gamit nito." tugon ni Isaiah
"Wag kang papakasilaw sa walang hanggang kayang ibigay sayo nito..." dagdag ni Ulysses
"Wag kang mag alala, hindi ako mabilis matukso nang mga mabababaw na bagay..." tugon ni Isaiah
"Hanggang dito na lamang kita maihahatid. Mag-iingat ka. Hanggang sa muling pagkikita kaibigan." sambit ni Ulysses
"Ikaw din Ulysses, wag nating biguin ang Panginoon sa hamon na ito. Hanggang sa muli, kaibigan" wika ni Isaiah
BINABASA MO ANG
Isaiah: Protector of the Heaven's Gate
Science FictionGaWong Story. (Pure Fiction) Si Isaiah ang tagapag tanggol nang Pintuan nang langit, binigyan siya nang isang misyon at kinakailangan niyang bumaba sa lupa upang puksain ang mga naghahasik nang lagim. Kinakailangan niyang palitan ang kaniyang panga...