10 - FALLEN ANGEL

240 11 7
                                    

Nasa daan na si Dean pauwi nang biglang makarinig nang isang ingay sa isang madilim na bakanteng lote

Palihim nitong tinungo ang bakanteng lote, nakita nito ang isang Kailaliman na nakikipag laban sa isang sugatang Nahulog na anghel.

Sa palagay ni Dean ay isa itong mabuting Nahulog na anghel dahil ang liwanag na lumalabas sa kamay nito ay kulay dilaw.

Bukod pa rito ay pumukaw nang atensyon ni Dean ang singsing na suot nito, na nangangahulugang isa siyang Chief of Fallen Angel, o sa madaling salita ay may mataas na rango sa pagkapinuno.

Nakita ni Dean na nahihirapan na ang Nahulog na anghel dahil sa malalim na tama nito sa kaniyang tagiliran.

Kinuha ni Dean ang kaniyang kwintas at pinindot ito, naglabas ito nang kulay berdeng liwanag sa espada nito, dahilan upang lumikha nang atensyon

Mabilis na sinugod ni Dean ang Kailaliman, saktong sugod ni Dean ay hindi niya napansin na may nakaabang pa palang isang Kailaliman sa gilid na sumabay sa kaniyang pag atake.

Naging mabilis ang mga pangyayari, mabuti na lamang ay mas mabilis na naiwasan ni Dean ang umatakeng Kailaliman at napunterya rin ito.

Sabay nang pag apak niya sa lupa ay ang pag bagsak nang dalawang Kailaliman.

Mabilis na nasugpo ni Dean ang mga kalaban. Pinindot niyang muli ang kaniyang espada at bumalik ito bilang kwintas, sinuot niya ito at dali daling nagtungo sa nahulog na anghel.

"Ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Dean sa nahulog na anghel.

Medyo may edad na ang lalaking nahulog na anghel kaya labis itong nahihirapan sa sugat na natamo

"Nakakatawa ang iyong tanong hijo, tingin ko naman ay alam mong napuruhan ako kaya mo ko tinulungan." Wika nang nahulog na anghel

"P-po?" Takang tanong ni Dean

"Malamang hindi ako ayos, kasi napuruhan nga ako sa tagiliran di ba?" Pilosopong sagot nang matanda

Tinulungan naman ito ni Dean na tumayo

"Sige na hijo, makakaalis ka na. Maraming salamat sa naging pag tulong mo" wika nang matanda

"Pero, malalim po ang sugat ninyo" wika ni Dean

"Hijo, isa akong nahulog na anghel. Nakaligtas nga ako makalipas ang daang taon. Sinisiguro ko sa'yo na maliit na bagay lang ito." wika nang matanda

"Kung samahan ko po muna kayo kahit hanggang sa ligtas na lugar lamang" alok ni Dean

"Ang tigas nang ulo mo. Mapapahamak ka sa pinag gagawa mo. Osiya, iupo mo muna ako roon" wika nang matanda habang tinuturo ang isang upuan sa di kalayuan

Tinulungan siya ni Dean na maglakad patungo roon.

Nang makaupo ay tinutok nang matanda ang kaniyang palad sa sugat nito sa tagiliran, may lumabas muling kulay dilaw na liwanag sa kamay nito.

Unti unti nitong hinilom ang malalim na sugat nang matanda. Hindi pa ito tuluyang magaling nang biglang tumigil at humahangos ang nahulog na anghel.

"H-hindi ko na kayang ipagpatuloy pa. Baka maubusan na ko nang lakas. Masyado pa akong mahina sa ngayon. Okay na muna ito" hingal na sagot nang matanda

"Okay na ko rito, maaari ka nang umalis hijo" pagtataboy nang matanda

"Sasamahan ko na lang po muna kayo" wika ni Dean

"Alam mo, ang tigas nang ulo mo... Base sa naging pag atake mo kanina sa kailaliman, tingin ko ay isa kang arkanghel, ano bang pangalan mo hijo?" wika nang matanda, napalunok naman si Dean. Naalala nito ang bilin ni Ulysses na wag sasabihin ang tunay na pangalan sa kahit na sino

"D-dean po" wika ni Dean

"Yung totoong pangalan?" tanong muli nang matanda

"Ah, eh... Hindi ko po kasi maaaring sabihin sa inyo. Mahigpit pong pinagbabawal" wika ni Dean

"Hindi ka rin siguro naabisuhan na hindi ka dapat basta basta nakikipag kilala sa kahit na sino, at hindi mo rin dapat sinasabi yang mga ganyang bagay. Mukhang baguhan ka. Ano kayang nakita nila sa'yo para ipadala ka rito sa lupa, bata." wika nang matanda at halos magtama naman ang makapal na kilay ni Dean sa sinabi nito.

"Hindi mo naitatanong pero isa rin akong arkanghel noon, bago pa man kami maging nahulog na anghel." kwento nito

"Ano pong nangyari?" tanong ni Dean

"Secret, no clue! Sige na, makakaalis ka na. Shupi!" malokong pagpapataboy nang matanda kay Dean.

Iiling iling na tumayo si Dean, maglalakad na sana ito nang bigla siyang tawagin nang matanda

"Dean..."

Lumingon ito upang tignan ang matanda

"Kung sakaling magkrus muli ang landas natin, sana ay sa ating dalawa na lamang ang nalalaman natin ngayong gabi" seryosong sambit nito

"Makakaasa po kayo, Ginoong-" hinintay ni Dean ang pagsambit nang pangalan nang matanda

"Jesse... Jesse ang ngalan ko" wika nito

Nagpatuloy nang maglakad palayo si Dean, nang muli niyang lingunin si Mang Jesse ay wala na ito sa kaniyang kinauupuan at tuluyan nang naglahong parang bula.

"Kinalulugod kong makilala kayo, Ginoong Jesse" wika ni Dean sa kaniyang sarili

Nang makauwi ay agad dumiretso si Dean sa kaniyang kwarto at kinuha ang librong bigay ni Ulysses.

Nagbasa ito nang mga dagdag na kaalaman tungkol sa mga Nahulog na Anghel o Fallen' Angel.

Napag alaman niya na ang mga tulad ni Mang Jesse na dating Arkanghel ay nananatiling makapangyarihan at kadalasang niluluklok bilang pinuno nang isang tribo.

Isa sa mga kinakailangan ay mayroon na agad na tagapag mana nang tungkulin ang pinuno nang tribo bago pa man ito maluklok bilang pinuno.

"Ibig sabihin nito ay may anak si Mang Jesse. Kamusta na kaya si Mang Jesse sa mga oras na ito? Malamang ay labis na mag aalala ang anak nito kapag natuklasan niya ang sinapit ni Mang Jesse. Sana gumaling na siya" wika ni Dean sa kaniyang sarili.

Pinagpatuloy niya ang pag babasa at nakasaad rito na ang isang nahulog na anghel ay para sa nahulog na anghel rin.

"Kung sino man ang nagpatupad nang batas na yan sa kanila, masyado silang mga hunghang." wika ni Dean

Pinagpatuloy nito ang pag babasa nang libro patungkol sa mga nahulog na anghel.

Karamihan sa mga mabubuting nahulog na anghel ay naninirahan nang tahimik sa lupa tulad nang isang mortal, na hindi mo aakalain na isa silang mga anghel. Nanatiling malalakas ang pang amoy at pakiramdam nang karamihan sa mga nahulog na anghel.

Isaiah: Protector of the Heaven's GateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon