18 - KATOTOHANAN

199 12 1
                                    

Nakita ni Dean si Jema na nakatingin sa kanilang tatlo kaya dali daling nilapitan ni Dean ang kasintahan

"Naiintindihan mo na ba ngayon, B?" tanong ni Dean nang makalapit kay Jema

"H-hindi ko alam, sorry B" nahihiyang sagot ni Jema

"Tingin mo ba kaya kitang ipagpalit sa kahit na sinong babae sa mundo?" tanong ni Dean habang hinahawi ang buhok ni Jema na humaharang sa kaniyang mukha

"Hindi pa ganung kasira ang tuktok ko, Jessica Margarett para ipagpalit ka sa kahit na sino" wika ni Dean na labis na kinabilis nang tibok nang puso ni Jema. 

Inaya ni Dean si Jema patungo sa dalawa, nang makalapit ay napangiti naman si Denden habang si Jema naman ay nakayuko lamang dahil sa hiyang nararamdaman nito

"Den, I want you to officially meet my future Wife, si Jessica Margarett Galanza, Jema for short. B, you know naman Miss Dennise, right?" pakilala ni Dean kay Jema

"Denden na lang Jema" nakangiting bati ni Denden sabay lahad nang kamay nito

Nahihiya man ay agad na inabot ni Jema ang nakalahad na kamay ni Dennise

"Pasensya na po uli kayo sa nangyari kanina, I really didn't know" wika ni Jema

"Wag mo na kong i-po. Nakakatanda hehehe. Isa pa, wala yon. Kung ako ang nasa posisyon mo baka hindi na ko nakapag timpi" natatawang sambit ni Denden, si Ly naman ay nagtataka at walang alam sa nangyayari

"Oh, paano? Hahayaan muna namin kayong sulitin ang muling pagkikita ninyo" wika ni Dean

"Dean, maraming salamat. Paano mo pala nalaman?" wika ni Ly

"Pag ibig... Naguumapaw na pag ibig para sa isa't isa" wika ni Dean, napangiti naman sina Denden at Ly dahil alam nito ang nais ipahiwatig ni Dean. 

Nagpaalam na ang dalawa at aalis na sana nang muling tawagin ni Dean si Ly

"Ly" tawag ni Dean at napalingon naman ang dalawa

"Paano ba yan? Pareho na tayo..." wika ni Dean sabay ngisi

Napailing na lamang si Ly

"Hindi tayo pareho Dean... Mas mahirap pa rin ang sitwasyon mo" wika ni Ly sabay belat na parang bata kay Dean. 

Nagulat naman si Dean at natawa na lang sa panunuksong kilos nang kaibigan niya sa kaniya.

Tuluyan nang nakaalis ang dalawa, habang naglalakad pauwi kasama si Jema ay hindi maiwasan ni Dean na maalala ang huling salitang sinabi sa kaniya ni Ly

"Bakit mas mahirap pa rin ang sitwasyon ko? Dahil ba sa anak nang pinuno nang tribo si Jema" mahinang sambit ni Dean sa kaniyang sarili

"Ano yun, B? may sinasabi ka?" tanong ni Jema at tila natauhan naman si Dean

"Ha? Wala, B" wika ni Dean

magsasalita pa sana si Jema nang biglang may lumapit sa kanilang limang Kailaliman.

Agad namang pinunta ni Dean si Jema sa kaniyang likuran.

Ang limang Kailaliman ay mga nakangisi at mga nanlilisik ang mga mata.

"Bakit ba lagi na lang kayong sumusulpot sa lugar na to? Dito lang ba talaga yung kuta ninyo?" wika ni Dean

Si Jema naman ay labis na nakakaramdam nang kaba dahil sa mga lalaking halos pumalibot na sa kanila

"Dyan ka lang, B. Wag kang matakot, akong bahala sa'yo" wika ni Dean

"Paano kapag may baril na naman yang mga yan?" mahinang sambit ni Jema

Isaiah: Protector of the Heaven's GateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon