"May araw din sakin yang babaeng yan" mahinang sambit ni Dean sa kaniyang sarili
"Ano yun Dean? May sinasabi ka?" tanong ni Celine
"Ahh, wala. Okay na itong lahat. Salamat sa tulong mo Celine" wika ni Dean
"Nako, wala iyon. Kung hindi ko nga natapunan nang kape yung ibang papel, malamang kanina ka pa sana tapos dito" nahihiyang sagot ni Celine
"Ang mahalaga, okay na. Sige mauna na ako sa'yo ha. Dadalhin ko pa ito kay Ms. Sungit" wika ni Dean at nagpaalam na kay Celine.
Dali dali naman nitong tinungo ang opisina ni Jema upang ibigay ang mga papeles na kailangan nito
"Mabuti naman at tapos ka nang makipag landian, oras nang trabaho kung sino sinong inaatupag mo" masungit na sagot ni Jema pagkapasok ni Dean nang opisina nito.
"Nagkakamali po kayo, Ma'am. Tinulungan lang po ako ni Ms. Domingo" wika ni Dean, halos magdikit na ang kilay nito dahil sa bintang sa kaniya ni Jema
"At bakit ka naman niya tutulungan?" mapangahas na tanong ni Jema
"Sabihin na lang po natin na nag magandang loob lang siya" sagot ni Dean habang nagpipigil nang inis
"Ang pagkakakilala ko kay Celine ay hindi siya yung tipo nang basta basta na lang tumutulong kung kanino... Not unless..." mapanghamong wika ni Jema
Nakakuyom lamang ang palad ni Dean habang nakatago ito sa kaniyang likod. Labis niyang kinaiinis ang maling paratang at maduming pag iisip sa kaniya ni Jema
"Tapos na po ba kayo, maaari naman na po siguro akong umalis?"
hindi pa man nakakasagot si Jema ay agad nang lumabas si Dean
Dali dali itong pumunta sa lugar na walang tao at naglabas nang galit
"Grr!! Nakakainis! Hindi kaya kampon nang dilim ang babaeng iyon at hindi ko lang makita ang madilim na presensya sa kaniya?" Inis na sambit ni Dean sa kaniyang sarili
"Mukha lang anghel pero ugaling demonyita, Grr!! Nakakainis ka Galanza" maktol ni Dean
Nang matapos itong makapag labas nang hinanakit at pabalik na sana ito sa kaniyang pwesto ay nakita niyang papasok nang banyo si Jema
Agad itong napangisi at nakaisip nang kalokohan
Mabilis at tahimik na naglakad si Dean palapit nang banyo para sa kababaihan. Pinatay niya ang ilaw at mabilis na tumakbo palayo sa banyo.
"Ahhh!"
Nadinig niya pa ang tili ni Jema habang tumatakbo siya palayo. Hindi nito maiwasang labis na mapatawa sa kababawan nang paghihiganting ginawa niya
"1-0 hahaha" wika nito sa kaniyang sarili
"Kanina lang, halos mag date na yang kilay mo sa sobrang inis, tapos ngayon ang saya saya mo na ha" biglang sulpot ni Celine sa tabi ni Dean
"Wala naman, naisip ko lang wala namang mangyayari kung magagalit lang ako ngayong araw" nakangiting sagot ni Dean
Maya maya pa ay pumasok si Jema na mababakas ang labis na pagkainis sa mukha nito
Nagkatinginan naman sina Celine at Dean, at nagkibit balikat lamang ang binata rito.
Nang magtama ang mata ni Dean at Jema ay agad na nginisian ni Dean si Jema.
Hindi naman makapaniwala si Jema dahil sa ginawa ni Dean, nakasisiguro ito ngayon na si Dean ang may gawa nang nangyari sa kaniya kanina sa banyo.
Nang sumunod na araw ay nagumpisa ang kakaibang kumpitensya sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Isaiah: Protector of the Heaven's Gate
Ficção CientíficaGaWong Story. (Pure Fiction) Si Isaiah ang tagapag tanggol nang Pintuan nang langit, binigyan siya nang isang misyon at kinakailangan niyang bumaba sa lupa upang puksain ang mga naghahasik nang lagim. Kinakailangan niyang palitan ang kaniyang panga...