"Tapos na kayo? Gabi na ah" masungit na sambit nito
"Ahh.. B, nga pala si Ly pinsan ko. Ly, si Jema nga pala Girlfriend ko" pakilala ni Dean sa dalawa
"Nice to meet you, Ly" nakangiting bati ni Jema at naglahad nang kamay, tinanguan lamang siya ni Ly at nang mapansin niyang tila nag aantay si Jema ay itinaas nito ang kaniyang kamay na nagpapakita na okupado ang kaniyang mga kamay para sa isang pakikipagkamayan
Agad na binawi ni Jema ang kaniyang mga kamay
"Uhm, mauna na siguro ako B. Gabi na din eh. See you tomorrow na lang at work?" wika ni Jema
"hatid na kita sa inyo, B" wika ni Dean
"Nice to meet you again, Ly" muling bati ni Jema bago tuluyang lumabas
Hinatid naman ni Dean si Jema sa pinto nang kanilang bahay at humalik sa labi nang kasintahan bago tuluyang magpaalam.
"You're rude" wika ni Dean kay Ly nang makabalik ito sa loob.
Nadatnan nito si Ly na nag aasemble nang inuwi nitong bagong sofabed
"Dito na ko matutulog, para naman hindi ka na nahihirapan sa pagtulog mo" wika ni Ly
"Just so you know, you don't have to be rude to her. Anak pa rin siya ni Mang Jesse, she deserve the same respect na pinapakita mo kay Mang Jesse" pagpapatuloy ni Dean
"Bakit kailangan mo pang magtrabaho?Ano pang silbi nang pitakang pinadala ko sa'yo kung hindi mo ito gagamitin? Hindi ka pinadala dito sa lupa upang mag banat nang buto. May misyon ka Dean, baka nakakalimutan mo" wika ni Ly
"Hindi ko nakakalimutan yon, Ly. Kailangan kong magpanggap na isang mortal, kailangan kong maipakitang nagtatrabaho ako para hindi magduda yung mga taong nakapalibot sa akin. Isa pa, sa'yo na mismo nang galing na huwag kong aabusuhin ang kayang ibigay nang pitakang iyon" sagot naman ni Dean
"Hadlang ang trabahong kinuha mo sa iyong misyon. Lisanin mo na yan" utos ni Ly
"Hindi yun hadlang. Doon ko nga nakasalamuha si Ezekiel sa di inaasahang pagkakataon. Marami rin akong mga masasamang elementong nasugpo dahil dyan sa trabahong sinasabi mong hadlang... Kalokohan" sambit ni Dean
"Watch your mouth, Dean" sambit ni Ly
"No, you watch your mouth. You showed no respect to my girlfriend" ani ni Dean
"Ayan! Dahil dyan sa kahibangan mo sa babaeng yan, natututo ka nang sigaw sigawan at sagutin ako" sagot naman ni Ly
"Kung hindi ka naman naging bastos, wala tayong magiging problema rito eh" tugon ni Dean
"Yang pag mamahal mo sa anak ni Mang Jesse ang hihila sa'yo patungo kay Lucifer... Mga makasalanan" may poot na sambit ni Ly
"Mas gugustuhin ko pang mahila patungo kay Lucifer basta kasama si Jema kaysa mabuhay nang wala siya" sagot ni Dean
"Baka nakakalimutan mo, ang nahulog na anghel ay para sa nahulog na anghel. Arkanghel ka pa rin Dean. Hindi ka pa tuluyang tinataboy sa langit" mapangahas na wika ni Ly
"Wala akong pakielam sa walang kwentang patakaran nila... Ang mahalaga, nagmamahalan kami ni Jema" sagot ni Dean
"Nadidinig mo ba ang sarili mo, Dean?? Tiyak kong labis na ikadidismaya ni San Pedro ang mga salitang iyong binitawan" wika ni Ly
"Wala kayong karapatang diktahan ang aking buhay" wika ni Dean na nagpatigil kay Ly
Naalala nito ang lihim sa tunay na pagkatao ni Dean
BINABASA MO ANG
Isaiah: Protector of the Heaven's Gate
Ciencia FicciónGaWong Story. (Pure Fiction) Si Isaiah ang tagapag tanggol nang Pintuan nang langit, binigyan siya nang isang misyon at kinakailangan niyang bumaba sa lupa upang puksain ang mga naghahasik nang lagim. Kinakailangan niyang palitan ang kaniyang panga...