"Wag ka sanang magalit kung ako na mismo ang nagdala nang katotohanan sa'yo" wika ni Jema habang nakatitig sa mga mata ni Dean
"Paano ko naman magagawang magalit sa babaeng pinakamamahal ko na walang ibang inisip kundi ang aking kapakanan" wika ni Dean sabay yakap nang mahigpit sa kasintahan
"B, pangako ko sa'yo na ilalaban ko ang pag iibigan natin, kahit saan pa man ako dalhin nang pag ibig ko para sa'yo... hahamakin ko lahat. Mahal na mahal kita, Jema" wika ni Dean habang nakayakap kay Jema nang mahigpit.
"Mahal na mahal din kita, Dean. Mahal na mahal" tugon ni Jema
Sa kabilang banda...
Matapos kumain sa labas ay dinala ni Denden si Ly sa bahay na tinutuluyan nito upang ipakita sa kasintahan na maayos ang kaniyang naging buhay nang manahan siya sa lupa.
"Napakalaki nang bahay na tinutuluyan mo? Ikaw na ba ang may ari nito?" hindi makapaniwalang tanong ni Ly
"Tayo, mahal. Tayo..." wika ni Den na kinagulat ni Ly, tumayo si Denden sa harap ni Ly at hinaplos ang pisngi nito
"Kung papayag ka, nais ko sanang dumito ka na tumira kasama ko... Kayo ni Dean" alok ni Den
"M-mahal..." Hindi naman makapaniwala si Ly sa mga salitang nadinig niya mula sa kaniyang kasintahan
"Marami akong bakanteng kwarto rito na pwedeng pwedeng pagpilian ni Dean" dagdag ni Denden
"Mahal" wika ni Ly
Kinuha niya ang kamay ni Denden at hinila ito upang makaupo sila sa may Sala.
"Mahal, hindi kasi ganun na lang basta iyon... Andito kami ni Dean para sa isang misyon. Isa pa rin kaming arkanghel pareho. Well, ako oo. " wika ni Ly
"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni Denden
"May misyon pa rin kaming kailangang gawin" wika ni Ly at napayuko ito
"Hindi, ang tungkol kay Dean. Tama ba ang nasasagap kong awra sa kaniya?" tanong ni Denden at napatingin naman sa kaniyang muli si Ly
"Nakikita mo ang awrang binubuga ni Dean??" kinakabahang tanong ni Ly
"Akala ko nung una ay nagkakamali lamang ako, ngunit hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang awra na yun... Mahal, ang nag bigay sakin nang lahat nang meron ako dito sa lupa ay nag bubuga nang kaparehong awra ni Dean... Isa rin bang Bathala si Dean?" tanong ni Dean
nagulat naman si Ly sa mga nadinig niya mula kay Denden
"Bathala ang nagbigay sa'yo nang mga ito??" tanong ni Ly kay Denden
Labis ang kabang nadarama nito, Alam niyang hindi basta nagbibigay nang walang kapalit ang mga bathala, kung sakali mang magbigay sila ay may nais silang makuha na kung ano sa pagbibigyan nila
"Sabihin mo, may nangyari ba sa inyo nang Bathalang iyon?" kinakabahang tanong ni Ly
"Wala. Bago ka man humantong sa iyong konklusyon ay uunahan na kita, bigay sa akin ito nang isang Bathala. Ngunit hindi sa inaakala mo. Isa itong babaeng bathala na nakakakita nang hinaharap..." bigla naman natigilan si Denden na tila ba may naalalang bigla
"B-bakit? Ano yun?" tanong ni Ly
"Mahal, yung Bathalang nagbigay sakin nang mga ito... Hindi kaya iyon ang Ina ni Dean??" tanong ni Den
"B-bakit? Paano mo nasabi??" naguguluhang tanong ni Ly
"Mahal, yung Bathala na yun ay nakakakita nang hinaharap, naalala kong minsang sinabi niya sakin na isa ako sa mga makakatulong sa nawawala niyang anak" wika ni Denden at nanlaki naman ang mata ni Ly
BINABASA MO ANG
Isaiah: Protector of the Heaven's Gate
Science FictionGaWong Story. (Pure Fiction) Si Isaiah ang tagapag tanggol nang Pintuan nang langit, binigyan siya nang isang misyon at kinakailangan niyang bumaba sa lupa upang puksain ang mga naghahasik nang lagim. Kinakailangan niyang palitan ang kaniyang panga...