Kinaumagahan, maagang gumising si Dean. Habang ito ay papalabas ng kanyang upahan ay may bigla itong nabanggang babae na tila ba ay nagmamadali
"Ouch!" reklamo nito
"Nako miss, pasensya ka na. Ayos ka lang ba??" nag aalalang tanong ni Dean sa babaeng kaniyang nakabungguan
Biglang napatigil sa pagpulot ng gamit si Dean at napatulala sa kagandahang taglay nang babaeng kanyang nabunggo. Na tila ba isa itong purong anghel na hindi nararapat sa lupa kundi sa langit lamang
"Syempre hindi! kung kelan naman nagmamadali ka talaga oh." masungit na sagot nang babae habang pinupulot ang mga gamit nitong nagkalat sa sahig.
Walang paglingon ang babae habang patuloy na pinupulot ang mga nalaglag niyang gamit...
"Kung tinutulungan mo na lang akong magpulot ng mga gam-" hindi na nito natuloy ang kaniyang sasabihin
Siyang paglingon nang babae kay Dean ang pagtikom ng bibig nito... Ilang segundong napatitig ang babae kay Dean. Natigil lamang ang kanyang pagkatulala nang makadinig ng pagmamadali sa nagtatawag sa kanya mula sa ibaba ng tenement.
"Opo! Eto na!" Sigaw nang babae sa kanyang kausap.
Hindi na nakapagsalitang muli ang babae kay Dean at agad na din itong umalis buhat ng pagmamadali.
Samantalang bakas pa din ang pagkamangha ni Dean sa kanyang nakita. Lingid sa kanyang kaaalaman ay nakita pala ito nang kanyang kaibigan na si Bei at biglang lumapit
"Napakaganda niya diba?" Mapanuksong wika ni Bei
"Hah? O-okay lang" tugon ni Dean habang pilit tinatago ang kaniyang pagkamangha sa babae kanina
"Okay lang?? E kulang na nga lang matunaw ka na jan sa kinatatayuan mo. Pre naurong dila mo e. Ni hindi ka nakapagsalita kanina" sambit ni Bei
"Anu bang sinasabi mo jan? Hindi iyon ganun" pagtatanggi ni Dean
"Teka maiba lang ako, bakit nga pala ang aga mo ngayon? saan lakad?" tanong ni Bei
"Nais kong maghanap nang mapagkakakitaan para may pang tustos ako sa pang araw araw.. Ikaw, bakit maaga kang gumising?" balik na tanong ni Dean kay Bei
"Ako? Di pa nga ko natutulog.. Matutulog na nga pala ako. Sige pre jan ka na. Goodluck sa pag aapply mo." wika ni Bei
"Salamat." maikling tugon ni Dean
Nag apply si Dean sa isang malaking kompanya na makakatulong sa kanya na makasalamuha nang maraming tao at madaling matunton ang mga nais niyang puksain, kakailanganin niya rin ang trabahong ito upang hindi pagdudahan nang mga mortal na kaniyang nakakasalamuha.
Magaling sa kahit saan si Dean, mahina nga lang ang kanyang kumpyansa sa sarili. Madali siyang turuan at mabilis ding matuto. Magaling sa kung saan mo siya ilalagay...
Kaya naman natanggap agad ito sa kanyang pinag-applyan at bukas na bukas ay makakapagsimula na ito sa kanyang trabaho.
Agad na umuwi si Dean upang paghandaan ang kanyang pagsisimula sa trabaho para bukas. Paguwi niya nang tenement ay agad na bumungad sa kanya si Bei
"Pre, kamusta apply? Aga mong bumalik ah... Hindi ka ba natuloy? Naunahan ka ng takot no?" may halong panunukso ni Bei
"Hindi... Tanggap na ko. At maaari na akong magsimula, bukas na bukas din" kalmadong kwento ni Dean
"Ano? Agad agad?? Samantalang ako pre tumambay na lang pagkatapos kong mag apply ng dalawampung beses at hindi matanggap" sabi ni Bei
"Baka naman kasi hindi iyon ang hilig mo. At napakabilis mo namang sumuko." wika ni Dean
BINABASA MO ANG
Isaiah: Protector of the Heaven's Gate
Science FictionGaWong Story. (Pure Fiction) Si Isaiah ang tagapag tanggol nang Pintuan nang langit, binigyan siya nang isang misyon at kinakailangan niyang bumaba sa lupa upang puksain ang mga naghahasik nang lagim. Kinakailangan niyang palitan ang kaniyang panga...