Damang dama ni Dean ang mainit na labi ni Jema. Nagsusumiklab ang kanyang damdamin. Nakabibingi ang kabog nang kanyang dibdib.
Nang magkahiwalay ang kanilang mga labi ay bakas sa mukha ni Jema ang labis na pagkagulat sa ginawa ni Dean.
Hindi ito makapagsalita, yumuko na lamang si Dean at agad itong niyakap nang napakahigpit ni Jema... Makalipas ang ilang minuto.
Sa sala ni Dean
"Jema, kwentuhan mo naman ako ng tungkol sa inyo ni Bei" wika ni Dean
"Si Bei?? Bakit naman si Bei? Wag mo sabihing nagseselos ka sa kanya ah…" tanong ni Jema
"Hindi sa ganon. Nadinig ko kasi kayo na para bang matagal na kayong lubos na magkakilala" wika ni Dean
"Dean, magkababata lang kami. Wala nang maaari pang humigit duon." tugon ni Jema
"Hindi ka ba nagkaroon man lang nang kahit kaunting pag tingin sa kanya? Lalaki pa din naman siya Jema." wika ni Dean
"Weird pero... Hindi e, wala talaga. Para lang kasi talaga siyang kapatid sa akin. Nangako siya nuon na bago mawala ang nanay ko na aalagaan at hindi niya kami pababayaan ni Ama. Hindi ko naman din syempre lubos akalain na seseryosohin nya yun. Kaya kahit pinipilit ko siyang tumigil na, isasagot lang nun sakin na hayaan siya sa gusto niyang gawin" sambit ni Jema
"Ang di ko maintindihan ay bakit kung gusto niya pala kayong alagaan ng tatay mo, bakit hindi siya magbanat ng buto?" tanong muli ni Dean
"Ang totoo niyan, noon kulang na lang mabali na ang kanyang mga buto para lang matulungan kaming umahon sa kahirapan... Maunlad pa ang buhay namin ni Ama nuon. Nagkaroon lang talaga siya nang malaking pagsubok sa buhay kaya eto kami ngayon, andito.
Mabalik ako, halos araw araw kumakayod si Bei. Sobra siyang busy sa trabaho hanggang sa inatake sa puso si Ama habang nasa bahay.. Muntik na siyang mawala samin, dahil wala pa siyang kasama nuon sa bahay buti na lang ay nakita siya ni Tiya Berta. Simula nuon, nagresign na si Bei sa trabaho. Napagisip isip niya na dahil sa pagtatrabaho ay hindi niya kami natutu-tukan. Kung wala daw siyang trabaho ay sana mas nabantayan niya si Ama. Ganun niya kami protektahan" pagkukwento ni Jema
"Hindi pala totoong tumatambay lang siya dahil ayaw niyang mag trabaho... Nakamamangha ang pinapakita niyang labis na katapatan sa inyo, Jema" wika ni Dean
"Saan ka ba talaga galing, Dean? Bakit napaka matalimhaga nang mga salita mo?" seryosong biglaang tanong ni Jema habang nakatitig sa mga mata ni Dean
Bigla naman nakaramdam nang kaba si Dean sa naging biglaang tanong ni Jema
"Ah eh, sa probinsya... Hindi mo din alam kung saan, kasi hindi naman kilala ang probinsya namin" sagot ni Dean sabay iwas sa tingin ni Jema
"Alam mo, hindi ka magaling magsinungaling" wika ni Jema
Napahinga naman nang malalim si Dean at lumuhod ito sa harap ni Jema upang magpantay ang kanilang mga mata
"Jema, kung ano man ang mga tanong na bumabagabag sa iyo patungkol sa akin, ay sana wag mo nang pilit alamin. Wala itong madudulot na maganda sa atin" wika ni Dean habang nakatitig sa mga mata ni Jema
Hindi nito alam kung bakit sa lahat nang mga mortal na kaniyang nakakasalamuha ay kakaiba si Jema at tila ba hindi niya mabasa, maski ang iniisip nito.
Bigla naman ngumiti si Jema at bahagyang pinisil ang mga pisngi ni Dean at ninakawan ito nang halik.
Bigla namang namula ang mga pisngi ni Dean. Ang inosenteng inaakto ni Dean ay labis na kinatutuwa ni Jema.
BINABASA MO ANG
Isaiah: Protector of the Heaven's Gate
Science FictionGaWong Story. (Pure Fiction) Si Isaiah ang tagapag tanggol nang Pintuan nang langit, binigyan siya nang isang misyon at kinakailangan niyang bumaba sa lupa upang puksain ang mga naghahasik nang lagim. Kinakailangan niyang palitan ang kaniyang panga...