Nang lingunin nang dalawa kung ano ang kung anong bumagsak mula sa langit na dulot nang isang malakas na kidlat ay labis ang kanilang pagkagulat sa kanilang nakita
"Napakatagal niyo namang malaman ang aking tunay na katauhan" wika nang isang makisig na matandang lalaki na tila ba'y nasa edad 40's lamang, nakasuot ito nang puting suit and tie na may lining na gold, kumikinang rin sa puti ang suot nitong sapatos at nakasuot rin ito nang shades.
Napalingon pa si Denden sa matandang lalaki at kay Dean nang ilang ulit, nagtanggal ito nang shades at naglakad palapit sa dalawa
"Kamukha mo nga" wika ni Den at kunot noong napatingin naman sa kaniya si Dean
"Hindi mo man lang ba ako sasalubungin nang isang yakap, aking anak?" sabi nito
"A-ama?? Kayo ang aking tunay na ama?" hindi makapaniwalang tanong ni Dean
"I prefer if you call me Dad" wika nito
"Ang cool!" natutuwang sambit ni Denden
Tila ba wala sa sariling niyakap ni Dean ang kaniyang ama, hindi pa rin ito makapaniwala na sa loob nang mahabang panahon ay nasa harap niya na ang kaniyang tunay na ama.
"Nakatitiyak akong labis na maiinggit ang iyong ina kapag nalaman niyang nagkita na tayo" wika nang ama ni Dean nang magkalas sila sa pagkakayakap
Hinarap naman nang ama ni Dean si Denden at sabay na naglahad nang kamay
"You can call me Mr. Wong, Miss Lazaro." wika nang Ama ni Dean
Nahihiya naman si Denden na abutin ang kamay nang isang Bathala
"Come'on Miss Lazaro, nasa lupa naman tayo. A hand shake wouldn't hurt" wika ni Mr. Wong at mabilis na inabot ni Denden ang kamay nang Ama ni Dean
"Isa pong karangalan, mahal na Bathala nang Digmaan" wika ni Denden, natawa naman si Mr. Wong sa sinabi ni Denden
"Dito sa lupa ay pantay pantay lamang tayo nang estado. Pareho tayong nasa larangan nang business..." wika nang ama ni Dean
"Dean, isa sa shareholders natin si Mr. Wong. Malaki rin ang perang ininvest nito sa ating kumpanya" paliwanag ni Denden kay Dean at tila ba hindi makapaniwala si Dean sa mga nadidinig niya
"Tingin ko ay hindi pa rin na-aabsorb nang aking anak ang ating pinag uusapan" natatawang wika ni Mr. Wong, bigla naman sumeryoso ang mukha nito at
"Patawarin niyo kami dahil wala kaming nagawa sa mga sinapit ninyo. Alam kong isa ka lang rin sa mga nadamay Ms. Lazaro. Marami kayo, napakarami ninyong nadamay nang ihulog sa lupa" wika nang ama ni Dean
Nalulungkot man ay tanggap na ni Dennise ang kanilang sinapit
"Pasalamat pa rin po ako at mabait ang ating mahal na Panginoon upang hindi bawiin ang aming mga buhay. Mas mabuti na rin po siguro yun kaysa sa makitil." wika ni Denden
***sa istoryang ito ay ang pinakamataas sa lahat ay ang Mahal na Panginoon, sumunod ang mga Bathala, dahil maraming klase nang mga Bathala***
"Marami pa rin pala talaga ang mga nahulog na anghel na nanatiling nasa tamang daan" wika ni Mr. Wong at tumango naman si Dennise sa sinabi nang matanda
"Mr. Wong, mauuna na po muna siguro ako, marami pa po akong trabahong kailangan asikasuhin, bibigyan ko po muna kayo nang pagkakataong magkausap nang masinsinan ni Dean." wika ni Denden at bumaling kay Dean
"Dean, ako nang bahala sa pasok mo rito, mag early out ka na lang para makapag bonding kayo nang iyong Ama" dagdag ni Denden
"Salamat Den" nakangiting sagot ni Dean
BINABASA MO ANG
Isaiah: Protector of the Heaven's Gate
Science-FictionGaWong Story. (Pure Fiction) Si Isaiah ang tagapag tanggol nang Pintuan nang langit, binigyan siya nang isang misyon at kinakailangan niyang bumaba sa lupa upang puksain ang mga naghahasik nang lagim. Kinakailangan niyang palitan ang kaniyang panga...