5 - ULYSSES

214 10 3
                                    

"Dean!!" sigaw ni Jema, mabilis namang nailihis ni Dean si Jema kaya naman nadaplisan lang ito nang bala sa braso

Nilingon ni Dean ang masasamang elemento at sinuntok ng malakas. Napatulog niya ang lalaking bumaril sa kanyang braso.

Nasaksihan nya kung paano lumabas sa katawan ng lalaki ang itim na elemento na para bang isang usok lamang.

Saktong dating naman nang baranggay tanod na naitawag pala nang nakakita sa nangyayari kaya dinampot ang tatlong lalaki.

Tinitigan mabuti ni Dean ang itsura nang mga ito, nawala nang tuluyan ang mga itim na elementong kanina ay bumabalot sa kanila

"D-dumudugo yung braso mo... Halika dadalhin kita sa hospital" sambit ni Jema

"Hindi na. Daplis lamang ito. Maliit na tama lamang" sagot naman ni Dean

"Anu bang sinasabi mo jan? Kahit pa" pagpupumilit ni Jema

Naalala ni Dean na nabasa niya sa libro na hindi sila dapat makuhaan ng dugo sa hospital dahil maaaring matukoy na may kakaiba sa kanilang dugo kaya nagdahilan na lamang ito na natatakot siya sa hospital. Umuwi na lamang sila at dun ginamot ang kanyang sugat sa kanyang kwarto

"Mukhang sanay kang gamutin ang sarili mo nang mag isa" wika ni Jema

Nakita ni Jema na kumpleto ang medicine kit ni Dean sa kaniyang aparador. Kinuha nito ang Medicine kit mula kay Dean at siya na ang umasikaso sa sugat nito.

"Pasensya ka na kung sinusungitan kita." biglang sambit ni Jema habang nililinis ang sugat ni Dean sa braso

"A-ayos lang yun. Hindi kasi ako naging maingat noon sa mga kinikilos ko kaya naapektuhan pati ang trabaho mo, hindi ko din tukoy kung nahuli ka din sa trabaho mo noong araw na iyon" mapagkumbabang sagot ni Dean

"Ang lalim mo naman mag isip. Hindi naman" sagot ni Jema

Habang tinutulungan ni Jema na gamutin ang sugat ni Dean ay napatulala na lamang ito sa kaniya...

Nang biglang pumasok si Bei

"Pre! Nabalitaan ko nangyari kanina!" bulaslas ni Bei

Nagkagulatan silang tatlo sa pagpasok ni Bei

"Jema, andito ka pala" sambit ni Bei

"Okay lang ako. Napakachismoso mo talaga" wika naman ni Dean

"Ano ka ba pre, syempre tropa mo ko, nag-aalala lang ako sa'yo. Saka si Tiya Berta ang nagsabi sakin" tugon ni Bei

"Okay lang ako. Wala kayong dapat ipag alala, maraming salamat" nakangiting sambit ni Dean

"Mukha ngang okay ka pre. Lagkit e." mapang asar na sagot ni Bei kay Dean

Nagkatinginan na lamang sila dahil alam nito ang tinutukoy ni Bei..

"Alam mo, wala kang tulong pre. Uwi ka na" pagtataboy ni Dean kay Bei at akmang babatuhin sana nang bulak

"Ay sos! Kung alam ko lang!" Pabirong sambit ni Bei kay Dean.

Tumingin naman bigla nang seryoso si Bei kay Jema bago tuluyang lumabas nang kwarto ni Dean.

At naiwan na ngang muli sina Jema at Dean sa kwarto nito. Maya maya pa..

"Okay na siguro to." sambit ni Jema

"Okay? Higit pa sa okay ang ginawa mo. Daig ko pa ang nagtungo sa hospital upang duon magpagamot" nakangiting sambit ni Dean na tila ba labis na natutuwa sa mahusay na pinamalas sa kaniya ni Jema sa pag gagamot

Natawa na lamang si Jema sa lalim ng mga salitang binitawan ni Dean..

"O siya, isasauli ko na itong hiniram kong gamit kay Tiya Berta, kumpleto naman pala ang gamit mo rito" sambit ni Jema sabay tayo

"Akala ko kasi kung ano ang kukunin mo sa kanila." kamot batok na sambit ni Dean

"Sige hahatid ko na ito, at uuwi na ko pagkatapos. Magpagaling ka Dean" wika ni Jema

"Salamat, Jema" nakangiting tugon ni Dean

Ngumiti na lamang ito at hinatid na hanggang pinto si Jema. Sinilip niya mula sa bintana si Jema at nakita nyang nilapitan ito ni Bei mula sa malayo at hinawakan sa braso.

Nakita niya kung gaano kaseryoso ang itsura nito na malimit niyang ipakita kaya pinakinggan niya ang kanilang usapan mula sa malayo, may kakayahan din si Dean na makarinig ng usapan mula sa malayo..

"Jema, ayos ka lang ba? Pasensya ka na at wala ako kanina para protektahan ka" sambit ni Bei

"Okay lang yun, at isa pa hindi ka obligado na protektahan ako, Bei" tugon ni Jema

"Ngunit nangako ako sa iyong ina na poprotektahan kita kahit ano pa man ang mangyari." wika ni Bei

"Matagal na panahon na iyon, Bei. Tama na... Sobra sobra na ang naitulong mo sa amin ni ama." tugon ni Jema

"Hayaan mo akong gawin to. Para sainyo… Para sayo…" sambit ni Bei

Inalis ni Jema ang pagkakahawak ni Bei sa kaniyang braso..

"Gawin mo kung anong gusto mo. Pero mamuhay ka naman nang may sariling buhay, Bei." pakiusap ni Jema kay Bei

Umalis si Jema at iniwan si Bei na bakas pa din ang pag aalala. Napa isip nang malalim si Dean sa kung anong nakaraan ang mayroon sila ni Jema. Napaisip siya at...

"Kung ang mga ganung maliit na detalye hindi ko napansin nung una pa lang, ibig sabihin lamang na kulang ang aking pagiging mapagmatyag" wika nito sa kaniyang sarili

Pabalik na sana si Dean sa kanyang higaan nang nagulat ito sa kanyang paglingon, biglang lumitaw si Ulysses sa kwarto ni Dean..

"Ahh! nakakagulat ka naman! Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Dean habang nakahawak sa kaniyang dibdib

"Di ba sabi ko sa'yo, nanunuod ako. Mukhang nakakalimutan mo ang iyong misyon Isaiah" wika ni Ulysses

"Di ko yun nakakalimutan. Tumulong lang ako, Ulysses.. Elemento ang nakita ko kanina. Hindi tao ang nakasagupa ko... Nakita ko kung paano nila nilisan ang katawan ng isang tao" paglalahad ni Dean kay Ulysses

"Maswerte kang elemento lamang ang nakasagupa mo. Dahil kung isa itong nilalang mula sa kailaliman ay dapat mo itong patayin.. Ngunit hindi sapat na nakatakas ang elemento." wika ni Ulysses

Nag abot si Ulysses nang isang pulseras

"Ang bagay na ito ay lagi mong isuot, ito ay nakakatulong din sa kakayahan mong sugpuin ang mga masasama. Ngunit itong pulseras na ito ay bubuksan mo lamang kapag may nahuli ka nang masamang elemento. Dito mo sila ikukulong... Di rin naman magtatagal sa pulseras ang masasamang elemento. Sapagkat ito’y kusang maglalaho sa loob ng iyong pulseras. At tuluyan nang mawawala habambuhay.

Pakaingatan mo ang iyong sarili Isaiah. Hindi na dapat maulit ang nangyaring ito sa susunod. Mas mabilis maghilom ang iyong sugat kumpara sa mga normal na tao. Hindi nila maaaring mapansin ang bilis ng paghilom nito." mahabang bilin ni Ulysses

"Makakaasa ka, Ulysses." seryosong tugon ni Dean

"Magiging marami ang aking tungkulin sa mga magdadaang araw kaya hindi kita masyadong matututukan dito sa lupa. Maging mapag matyag at ma ingat ka, Isaiah. Kung kakailanganin mo ako, wag kang mag atubiling tawagin ang aking pangalan" bilin ni Ulysses at tumango naman si Dean

Si Ulysses ay malapit na kababata ni Dean. Halos kapatid na rin ang turing niya rito. Ito ang tumatayong kaniyang nakatatandang kapatid at ang madalas na umaalalay sa kaniya o di kaya'y nageensayo sa kaniya. Halos lahat nang mga natutunan ni Dean bilang Isaiah ay galing kay Ulysses.

Siya rin ang madalas na pinagbibilinan nang ama ni Dean. Wala nang pamilya si Ulysses kaya naman si Dean at ang ama nito ang kaniyang tinuturing na pamilya sa ngayon.

"Mag iingat ka palagi, Isaiah" huling habilin ni Ulysses bago ito tuluyang umalis.

Isaiah: Protector of the Heaven's GateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon