"si Jema! patay..."
kinakabahan si Dean nang bigla niyang maalala na hindi niya pa nga pala nakakausap si Jema magmula kanina, nangako itong tatawag sa kasintahan upang ipabalita ang dahilan nang kaniyang biglaang pag alis sa trabaho, kanina lamang
"Huminahon ka anak, sino ba itong Jema na ito?" wika nang ama ni Dean
"K-kasintahan ko po, Daddy. Nangako po kasi ako na tatawagan ko siya, kaso nakalimutan ko po dahil masyado po akong nalibang sa pakikipag usap sa inyo" pagpapaliwanag ni Dean
"Huwag kang mabahala anak, tiyak kong kapag nalaman ni Jema ang dahilan ay labis siyang matutuwa para sa iyo, dahil kasama mo na kami ngayon" wika nang ina ni Dean
"Tama po kayo, alam ko pong hinihintay niya rin ang araw na ito" sagot naman ni Dean
"halika at kumain ka na muna rito, tapusin mo ang iyong pagkain, para pagkatapos ay maaari mo na siyang makausap agad" wika naman nang ama ni Dean
Agad namang sumunod si Dean sa kaniyang mga magulang at umaasang makakausap niya ang kasintahan pagkatapos nitong kumain.
Matapos kumain ay agad na kinuha ni Dean ang kaniyang phone sa bulsa at nagpaalam sa mga magulang na tatawagan muna ang kasintahan.
Nang makailang ring ay hindi pa rin sumasagot si Jema, naisipan ni Dean na tawagan si Bei
Unang ring pa lamang ay agad na itong sumagot
"Uy, pre. Napatawag ka" bungad ni Bei pagkasagot nang tawag ni Dean
"Itatanong ko lang sana kung nakauwi na si Jema? Hindi kasi siya sumasagot sa tawag ko sa kaniya" tanong ni Dean, nang makadinig ito nang tila pag usog nang upuan
"Ha? Akala ko magkasama kayo?" nagtatakang tanong ni Bei
"H-hindi. Andito ako sa bahay nang aking mga magulang. Natagpuan ko na sila, Bei. Pero maiba ako, sigurado ka ba?" nag aalalang tanong muli ni Dean sa kaibigan
"Congrats pre, pero oo nakasisiguro ako na wala dito si Jema dahil kakatapos lang manggaling ni Mang Jesse dito" sagot naman ni Bei
"Teka, tatawagan ko muna si Celine. Baka magkasama sila." wika ni Dean
"Sige pre, balitaan mo agad ako ha. Hahanapin ko na rin si Jema para sigurado" tugon ni Bei
"Sige pre. Salamat"
Agad na binaba ni Dean ang tawag upang tawagan si Celine.
At nang makailang ring ay sumagot din sa tawag si Celine
"Hello Dean, napatawag ka?" wika ni Ced
"Ced, kasama mo ba si Jema?" nag aalalang tanong ni Dean
"Huh? Hindi. Kanina pa kami nag hiwalay nang landas nung mag uwian" sagot ni Celine na tila ba nakakaramdam na rin nang kaba sa naging tanong ni Dean sa kaniya
"Siya lang ba mag isa ang umuwi? Saan kayo huling magkasama kanina?" sunod sunod na interogasyon ni Dean uoang makakalap nang impormasyon
"Sa labas nang trabaho. Nauna akong sumakay nang Jeep sa kaniya. Wala ba daw ba siya sa kanila? Sigurado ka hindi sumasagot?" nag aalala na ang tono nang pananalita ni Celine sa bawat pag tanong nito kay Dean
"Oo ced, nakasisiguro ako. Magtatanong tanong pa ko, balitaan kita kapag may balita na kay Jema" wika ni Dean
"Sige, susubukan ko ring tawagan siya at magtanong tanong sa mga katrabaho natin" tugon ni Celine
BINABASA MO ANG
Isaiah: Protector of the Heaven's Gate
Science FictionGaWong Story. (Pure Fiction) Si Isaiah ang tagapag tanggol nang Pintuan nang langit, binigyan siya nang isang misyon at kinakailangan niyang bumaba sa lupa upang puksain ang mga naghahasik nang lagim. Kinakailangan niyang palitan ang kaniyang panga...