17 - MULING PAGKIKITA

213 10 0
                                    

"Hi"

Basa ni Jema sa nagtext sa kaniya. Hindi niya ito pinansin at hindi na nireplyan nang muli itong tumunog muli

"Tulog ka na?"
"Di ka pa nag goodnight kiss sa kin"


Nang mabasa ni Jema iyon ay bigla siyang napabangon

Agad itong lumabas nang kanilang bahay at nakita si Dean na nakaupo sa labas nang inuupahan nitong bahay.

"Maganda ka pa sa gabi, Binibini" nakangiting bati ni Dean

Agad na napatakbo at yumakap si Jema kay Dean nang makita niya ang nobyo

"Kanina pa kita hinahanap, di ka man lang nagsabi sakin kung san ka pupunta" wika ni Jema habang mahigpit ang yakap kay Dean

"Ang sarap naman nang yakap nang future misis ko" wika ni Dean

Hindi naman maiwasang mamula ni Jema sa sinabi ni Dean, bahagya niyang hinampas ang nobyo sa balikat nito

"Puro ka kalokohan" wika ni Jema

"huh? Kalokohan ba yun? Katotohanan yun ah... Di ba ikaw naman talaga future misis ko? Ayaw mo bang maging future mister ako?" tanong ni Dean na puno nang pagpapacute

Hindi tuloy naiwasan ni Jema na pisilin ang mga pisngi nang nobyo dahil sa inakto nito

"Syempre, gusto. Ang cute cute cute cute naman nang future mister ko na yan, ang sarap naman iuwi!" nakangiting sambit ni Jema habang pisil pisil pa rin ang pisngi ni Dean

"Aray naman po, baby."

"Masakit ba? Ang cute mo kasi, sorry B" wika ni Jema sabay halik sa magkabilang pisngi ni Dean

"Dito din po, B. Masakit din po dito" wika ni Dean sabay turo sa labi

"Kahit hindi masakit yan B, hahalikan ko talaga yan" nakangiting sambit ni Jema at mabilis na sinunggaban ang labi ni Dean bago pa ito makapag salita.

Siniil niya ito nang halik, hanggang sa unti unting lumalim ang kanilang halikan.

Bumitaw si Dean sa halik bago pa man saan mapunta ang halikan nila ni Jema

"Baka may makakita satin, B. Yari ako niyan kay Mang Jesse" wika ni Dean at napahagikgik naman ang kasintahan nito.

"Nakita na kita B, tingin ko makakatulog na ko niyan mamaya nang mahimbing" dagdag ni Dean habang hinahawi ang buhok ni Jema na humaharang sa kaniyang mukha

"Ako din po, B." nakangiting tugon ni Jema

"B, pasensya ka na nga pala hindi kita agad nasabihan, nagmamadali kasi si Ly kanina papunta sa Mall. Nagpasama siyang bumili nang phone. Kaya eto, binilan niya rin ako." wika ni Dean, hinila niya si Jema sa upuan sa isang tabi at pinaupo niya ito sa kaniyang kandungan.

"Basta B, next time sasabihan mo pa din ako ha. Para di ako nag aalala sa'yo. Pero mabuti naman ngayon may phone ka na. Mas mabilis na kitang macocontact." wika ni Jema habang hinahaplos ang pisngi nang kaniyang nobyo.

"Save mo agad yung number ko B hah" wika ni Dean

"Oo naman!" tugon ni Jema.

Sinapo nang palad ni Dean ang pisngi ni Jema saka ito naglapat nang isang halik sa labi nang kaniyang nobya

"Tulog na tayo? Maaga pa tayo bukas" malambing na sambit ni Dean kay Jema at tumango naman ang dalaga.

Tumayo na ang dalawa at hinatid na ni Dean ang kaniyang kasintahan hanggang sa pinto nang bahay nito, na katabi lang naman nang tinitirahan niyang paupahan.

Isaiah: Protector of the Heaven's GateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon