Mula sa kailaliman nang purgatoryo, naroroon si Jema hawak nang umaapaw sa kasamaan na si Ezekiel o kilala sa lupa bilang si Ricci.
"Napakasama mo talaga!" sigaw ni Jema
Nakagapos siya sa isang upuan.
Tinawanan lamang siya ni Ezekiel
"Compliment ba yon, Jema? Salamat ha. Yan talaga ang gusto ko madinig mula sa inyong mga anghel at anghel anghelan hahaha" sambit nito sabay tawa nang malademonyo.
"Nagkakamali ka nang hinamon mo. Para ka na rin naghukay nang sariling libingan. Tandaan mo, once na malaman nila Ama at Dean ang ginawa mong pagdakip sa akin ay nakasisiguro ako sa'yo na uubusin nila ang natitirang lahi mo!" sigaw ni Jema na puno nang galit.
"Gusto mo bang manahan dito kasama ko?" biglang tanong ni Ezekiel
"In your dreams!" galit na sambit ni Jema at tinawanan lamang siya ni Ezekiel
"Kaya pala nahulog ang isang Bathala sa'yo. Masyado kang matapang. Gustong gusto yan nang mga Bathalang tulad... ni Dean" wika ni Ezekiel na kung kanina'y ngiting demonyo ay biglang naging seryoso at matalas ang mga tingin nito.
"Alam mo hibang ka na talaga" sambit ni Jema
"Kilala mo ba ang Ama ni Dean?" tanong ni Ezekiel, napakunot lamang ang noo ni Jema at tila naguguluhan sa nais ipahiwatig nito.
"Ang kaniyang Ama ay aking mortal na kaaway. Ilang beses niya na nga ba ako natalo? Hindi na mabilang. Oo, hindi pa ako nanalo sa kaniya kahit kailan, pero ang hindi ko maintindihan ay bakit hindi niya ako magawang tapusin kahit ilang beses niya na akong natalo. Ano pa't naging Bathala siya nang Digmaan! Isa siyang duwag at hindi karapat dapat maging Bathala!"
puno nang galit at puot ang mga salitang binitawan ni Ezekiel nang mga sandaling iyon.
"Nakasisiguro ako na ilang mga sandali na lamang ay andito na ang ating iniintay na bisita... At ikaw, ang magiging kasangkapan ko upang tuluyan ko nang magapi ang Bathala nang Digmaan." dagdag nito at napangising muli
Kinakabahan man ay hindi maalis kay Jema ang pagkamuhing nadarama para kay Ezekiel sa labis na kasamaan nito.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kay Ezekiel ang balita na ubos na ang libo libong nilikom nitong Kailaliman.
Ilang sandali lamang ay nakadinig sila nang isang napaka lakas na ingay na nang gagaling sa pinto nang purgatoryo.
Iniluwa nito si Dean kasama nang kaniyang pangkat.
Nang makita nila si Jema na nakagapos ay sabay sabay nilang naisigaw ang pangalan nito.
"Jema!" sigaw ni Bei
"Anak!" sigaw ni Mang Jesse
"By!" sigaw ni Dean
Patakbo na sana sila patungo kay Jema nang bigla silang matigilan.
Sumulpot si Ezekiel na may hawak na matalas na espadang nakatutok sa leeg ni Jema
"Isang maling hakbang ay gigilitan ko ang babaeng ito" sambit ni Ezekiel
"Napakasama mo talaga, Ezekiel!" galit na sigaw ni Bei
"Hahaha, alam ko, alam ko. Salamat!" natatawang sambit ni Ezekiel na lalong kinagalit ni Bei
"Binalaan na kita, Ezekiel! Ano pa bang gusto mo? Bakit hindi ka pa din tumitigil?" sigaw nang Ama ni Dean.
"Gustong gusto kitang tapusin... Noon, ikaw. Pero parang gusto ko masubok ngayon ang iyong anak" nakangising sambit ni Ezekiel, namayani naman ang pag aalala sa ama ni Dean nang madinig nila ang sinabi ni Ezekiel
BINABASA MO ANG
Isaiah: Protector of the Heaven's Gate
Science FictionGaWong Story. (Pure Fiction) Si Isaiah ang tagapag tanggol nang Pintuan nang langit, binigyan siya nang isang misyon at kinakailangan niyang bumaba sa lupa upang puksain ang mga naghahasik nang lagim. Kinakailangan niyang palitan ang kaniyang panga...