Napadalas ang paguusap nila Dean at Jema. Araw araw na din silang sabay pumasok at umuwi galing trabaho.
Napansin naman ni Bei ang biglaang pagiging malapit sa isa’t isa nila Dean at Jema. Kaya isang araw…
"Uy Dean! Mukhang gamay na gamay mo na ang maynila ah" wika ni Bei
"Hindi naman sa ganun.. May nakakasama lang madalas" nakangiting tugon ni Dean
"Pre, matanong lang kita nang seryoso" wika ni Bei
Biglang nawala ang ngiti sa mga mukha ni Bei at napalitan ito nang napaka seryosong ekspresyon sa mukha
"Dinidiskartehan mo ba si Jema?" prangkang tanong nito
Gulat man ay sumagot pa din si Dean
"Bei, wag kang mag isip nang masama tungkol samin ni Jema... Magkaibigan lamang kami. Masaya ako kapag kasama ko siya, ganun din siya sakin. Saka isa pa, di ba bawal yan sa trabaho? Kaya wala kang dapat ikabahala" tugon ni Dean
"Ikabahala? Di ah. Baka mali naman din yang iniisip mo" wika ni Bei, nawala ang pagkaseryoso sa mukha nito at pangiti na lamang itong nakipag usap kay Dean
"Pare, halata namang gusto mo si Jema. Saka sa ganda niyang yun imposibleng hindi mo siya magustuhan" sagot naman ni Dean
"Nako pre, kababata ko lang si Jema. Nagkakamali ka nang iniisip" tugon ni Bei
"Sige nga, bakit hindi mo na lang ako kwentuhan dyan sa nakaraan nyo ni Jema" wika ni Dean
"Pare, magkababata lang kami.. Nangako ako sa Ina niya bago pa man ito mawala na hinding hindi ko pababayaan si Jema at ang kanyang ama" may halong pagkaseryosong sambit ni Bei
"Sa paanong paraan e tambay ka?" tanong ni Dean
"Oy nakakasakit ka na ah" pabirong tugon ni Bei
"Ang akin lang bakit di ka magtrabaho. Baka nakatulong ka pa... Di pababayaan, e hindi ka nga tumutulong. Magtrabaho ka na kasi. Tama na ang pagiging tambay pre... Matagal tagal ka nang tambay. Tingin ko ay panahon na upang tumulong talaga sa kanila" wika ni Dean
"Alam mo hindi ka na masarap kausap pre ah... Kakatrabaho mo yan e. Kung ano ano na naiisip mo." pabirong tugon ni Bei
"haha loko!" wika ni Dean
"Pero tapatin mo ko, kahit ba pag tingin para sa kanya wala?" tanong muli ni Bei
"Gabi na pre. Matutulog na ko. Itulog mo na yan... Good night" pag iwas ni Dean sa tanong ni Bei
"Dean! Uy! Anu nga??" pahabol na tawag ni Bei ngunit patuloy lamang na naglakad palayo si Dean sa kaniya
Umalis na si Dean at tumungo na lamang sa kanyang kwarto. Sa isip isip nito, gustuhin niya man si Jema ay wala ring mangyayari dahil higit na pinagbabawal sa kanila ang magmahal ng mortal...
Lingid sa kanilang kaalaman ay nakikinig pala sa kanilang usapan si Jema.
Kinabukasan, maagang kumilos si Dean at inantay sa labas ng kanilang bahay si Jema.
Nang palabas na ito ay...
"Magandang umaga Jema!"
Napakaganda nang naging pagbati ni Dean kay Jema ngunit hindi siya pinansin nito at dinaanan lamang
"Oh, teka bakit? May nagawa na naman ba kong mali?" tanong ni Dean
Nagmadali lamang ng lakad si Jema at sumakay na lamang ito papasok sa trabaho at tuluyang iniwan si Dean.
BINABASA MO ANG
Isaiah: Protector of the Heaven's Gate
Science FictionGaWong Story. (Pure Fiction) Si Isaiah ang tagapag tanggol nang Pintuan nang langit, binigyan siya nang isang misyon at kinakailangan niyang bumaba sa lupa upang puksain ang mga naghahasik nang lagim. Kinakailangan niyang palitan ang kaniyang panga...