Kinabukasan habang papasok si Dean, may nakita siyang nilalang mula sa kailaliman. Lihim niya itong sinundan, hanggang sa maka abot ito sa bakanteng lote.
Nang ito ay makarating sa gitna nang isang bakanteng lote ay humarap ito sa kanyang likuran at…
"Hmp! Mukhang baguhan ka sa ginagawa mo" nakangising wika nang Kailaliman, habang lumalabas labas pa ang dila nito sa palibot nang kaniyang labi.
Mabalahibo at matatalas na kuko ang tunay na anyo nang mga ito, nagbabalat kayo ang mga ito upang madaling makihalubilo kasama nang mga mortal.
"Hindi ka ba nasabihan na napakalakas nang aming pang amoy sa mga katulad ninyo!" dagdag nito
Tanging ang mga nilalang sa Kailaliman ang may kakayahang makaamoy o makatukoy nang mga tulad ni Dean na tagapag tanggol mula sa itaas.
"Wala akong paki! At higit sa lahat hindi ako natatakot sayo, mukhang hindi ka naabisuhan sa kung anong kaya ko sayong gawin" matapang na sagot ni Dean
"Ikaw rin! Hindi mo alam na kami ay hindi na nakararamdam ng takot, kaya hindi ako natatakot sa kung ano man yang sinasabi mong kaya mong gawin" sambit nang Kailaliman
"Masyado ka nang madada" tugon ni Dean
Tumakbo si Dean papunta sa nilalang nang kailaliman, hinila niya ang kwintas at sabay pinindot ito.
Pagkapindot niya dito ay siya ding gulat niya habang papalusob dahil ngayon niya palang ito magagamit...
Lingid sa kanyang kaalaman na ang kwintas ay nagiging espada. Nahiwa niya sa dalawa, mula ulo hanggang paa ang nilalang mula sa kailaliman..
"Yun na yun?? Di man lang ako pinagpawisan sa nilalang na iyon?" mayabang na wika ni Dean sa kaniyang sarili
Nang biglang may nagsalita..
"Kung siya ay mabilis mong napatay, bakit di mo kami subukin?"
Paglingon ni Dean ay may pasunggab na sa kanyang isang lalaki. Agad itong nakaiwas at sa kanyang pag atras ay nakakita siya ng limang masasamang elemento at limang nilalang mula sa kailaliman..
"Ngayon natin malalaman kung karapat dapat ba kayong umakyat sa lupa o bumalik na lang kayo kung saan kayo nararapat" matapang na sambit ni Dean
Sumunggab si Dean, agad niyang napatumba ang tatlong elemento at dalawang nilalang sa kailaliman. Agad nitong ginamit ang pulseras na iniabot sa kanya ni Ulysses upang makulong ang itim na elemento rito...
Pagkatapos mangalahati nang sampung masasamang elemento at kailaliman ay sabay sabay nitong sinugod si Dean
Nagsilabasan ang mga matutulis nitong mga kuko at wari’y pupuruhan sa mukha at braso si Dean ngunit mabilis nitong naiwasan ang mga pagsugod nito sa kanya...
Kaliwa, kanan, yuko-- mabilis na iniwasan ni Dean ang sabay sabay na pagsalakay sa kanya nang mga ito.
Nang magkakasabay na sinugod nito si Dean mula sa kanan, kaliwa, itaas at ibaba ay natamaan si Dean ng suntok ng kailaliman sa kanang bahagi ng kanyang mukha.
Hindi kinatuwa ni Dean ang nangyari, humigpit ang hawak niyang espada at kasabay nang pagwasiwas niya rito ay ang paglabas nang kulay berdeng liwanag dito at mabilis nitong hinati sa dalawa ang limang masamang elemento at kailaliman na sumugod sa kanya.
"Sinuwerte lamang kayong tamaan ako sa mukha ngunit hindi pa din kayo mananalo." wika ni Dean at muling pinindot ang espada at bumalik ito sa pagiging kwintas. Ginamit ring muli ni Dean ang pulseras upang makulong ang mga masasamang elemento rito.
Tanghali na nang makarating si Dean sa kanyang trabaho, nagmamadali itong pumunta sa kanyang lamesa at nag lapag ng kanyang gamit, nang biglang may nagsalita
"Bakit ngayon ka lang Dean?" si Jema
"Ah eh, Pasensya na po" sagot ni Dean
Napayuko na lamang si Dean sa hiya, dahil hindi nito gustong makagawa nang pagkakamaling maaaring ikagalit ni Jema.
Ngunit hindi nakaligtas kay Jema ang pasa sa pisngi ni Dean
"Anung nangyari sa'yo Dean?? Bakit ganyan ang mukha mo?? Binalikan ka ba nung mga kumag na gumulo sakin kahapon??" nag aalalang tanong ni Jema habang sapo nito ang pisngi ni Dean
"Ahh hindi po ma’am.. Wag po kayo mag-alala. Wala po ito.. Napagtripan po lamang ako, totoo ngang napaka mapanganib ng maynila hehe" pagdadahilan ni Dean at pasimpleng umatras upang maalis ang kamay ni Jema sa kaniyang mukha.
Bakas na bakas pa rin sa mukha ni Jema ang labis na pag aalala, napahawak pa itong muli sa mukha ni Dean at sa mga braso nito upang tignan kung may iba pang tama si Dean sa katawan.
Kinabahala naman ni Dean ito, dahil paglingon niya sa kanyang paligid ay kita niyang nakatingin ang kanyang mga katrabaho, nagdahilan na lamang itong pupunta ng banyo upang hindi sila pag isipan pa nang masama, na alam niyang ayaw mangyari ni Jema...
"W-wala po ito. Pupunta po lamang ako nang banyo, aayusin ko po lamang ang aking sarili. Pasensya na po ulit at ngayon lang po ako nakadating, ma’am" pormal na wika ni Dean
Pagpasok ng banyo, labis na nagtataka si Dean dahil kakaiba ang kinikilos ni Jema ngayong araw.
Hindi niya mawari kung may sakit ba ito, kaya mabait sa kaniya ngayong araw o tuluyan nang nagbukas nang pinto ang dalaga, gawa nang naging pagtulong nito sa kaniya.
Pagkalipas ng ilang oras. Uwian na nila
"Dean, sabay na lang tayong umuwi hintayin mo ko kukunin ko lang gamit ko" wika ni Jema
Nagtataka man, ay napatungo na lamang si Dean, paglingon niya sa kanyang nasa paligid ay nakita nyang palihim na nag ngingitian ang kanyang mga katrabaho na wari ba’y pinag iisipan na sila nang kung ano.
Habang naglalakad pauwi sina Dean at Jema... Panay ang tingin nito kay Jema, nagtataka pa din ito sa kakaibang kinikilos nang dalaga
"Ano bang tinitingin tingin mo dyan? Lumapit ka dito at baka masagasaan ka pa dyan sa kalsada. Saka isa pa, sa kalsada ka nga tumingin" masungit na sambit ni Jema
"Jema, maaari ba kong magtanong?" tanong ni Dean
"Oo naman, nagtatanong ka na nga ngayon eh. Ano yun?" pilosopong tugon ni Jema na kinailing na lang ni Dean
"Bakit ka sumabay sakin maglakad ngayon pauwi?" prangkang tanong ni Dean
"Dean, mali ako. Hinusgahan kita nang hindi kita kinikilala. Mabait ka at busilak ang puso mo. Maliban sa niligtas mo ko, nakita din kita nung isang araw habang tinutulungan mo yung matanda. Nakita ko din na binigyan mo nang makakain yung mga batang tambay malapit sa office. Pati nga yung aso’t pusa sa kalsada pinakitaan mo din ng maganda." pagkukwento ni Jema
"Minamatyagan mo ba ko?" kunot noong tanong ni Dean, hindi niya sukat akalain na nasa paligid lang pala at nakamasid sa kaniya si Jema
"Baliw! Hindi no. Nagkataon lang... Siguro dahil iisang lugar nga lang naman ang inuuwian natin diba?
Sobrang nagsisisi ako na nag isip ako nang masama tungkol sayo na hindi naman dapat... Pasensya ka na talaga ha" paghingi nang tawad ni Jema
"Hindi na mahalaga yun. Ang mahalaga, okay na tayo. Nakita mo kung ano yung mabuti sa akin, malaking bagay na yun... Salamat." nakangiting sagot ni Dean, sa dalaga
BINABASA MO ANG
Isaiah: Protector of the Heaven's Gate
Science FictionGaWong Story. (Pure Fiction) Si Isaiah ang tagapag tanggol nang Pintuan nang langit, binigyan siya nang isang misyon at kinakailangan niyang bumaba sa lupa upang puksain ang mga naghahasik nang lagim. Kinakailangan niyang palitan ang kaniyang panga...