Nakaupo na sa kaniyang pwesto si Dean sa loob nang kanilang opisina. Hindi nito maiwasang isipin muli ang naging pagtitig nang Kailaliman kay Jema.
Maya maya pa ay...
"Ms. Galanza, maaari mo ba akong samahan sa Presentation room? Mukhang kilala ka nang Investor natin, nirerequest ka" wika nang aming Operations Manager na labis kinakaba ni Dean
Bigla itong napatayo, na lumikha nang ingay at naka kuha nang atensyon sa loob nang opisina.
"Yes, Mr. Wong?" tanong nang Operations Manager nila
"Ahhm, wala po. Magba-banyo po lamang." palusot ni Dean at mabilis na lumabas nang opisina.
Palihim nitong hinanap ang mga Masamang Elemento at Kailaliman.
Nagtungo ito sa exit stairs nang kumpanya
"May hinahanap ka?" biglang sambit nang lalaking nakatayo mula sa di kalayuan, nang saktong madama ni Dean ang presensya nila.
Mabilis na nilingon ni Dean ang pinang galingan nang malalim na boses na iyon
"Mukhang nagkamali sila nang padala dito sa lupa." Kalmadong sambit nito.
Ito ang lalaking prenteng nakaupo sa loob nang kaniyang sasakyan na nakatitigan ni Dean kanina lamang.
Sumandal ito sa pader ang hinithit ang tobacco na hawak nito.
"Anong kailangan mo sa kaniya? Bakit mo siya dinadamay rito?" marahas na tanong ni Dean habang galit na nakatingin sa Kailaliman
"Wag kang mag alala, pinain ko lang ang babaeng kasama mo, upang mapatawag ka. Mukhang epektibo naman" sagot nito
"Anong kailangan mo sa kin?" matapang na tanong ni Dean
"Kalma, masyado kang mainit, hahaha. Yan ba ang tinuturo nila sa inyo sa langit? Ang maging marahas sa lahat nang oras? mukhang hindi ka tinuruan nang tamang stratehiya. Hindi maganda ang bigla na lang sumasabak sa gyera" nakangiting sagot nito sabay tingin sa palibot nang hagdan.
Nakita ni Dean na napapalibutan na pala siya nang masamang elemento, mula sa taas at baba nang hagdan.
"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ni Dean
"Wala naman nagtataka lang ako kung bakit sila nagpababa nang isang bathala dito sa lupa upang linisin ang mga bagay na kinatatamaran nilang linisin" wika nang Kailaliman
"Nagkakamali ka, isa lamang akong arkanghel at hindi Bathala." Tugon ni Dean na nagpataas nang kilay nang Kailaliman.
***Muli inuulit ko po, pakibasa nang Author's Note***
"Kamangha-mangha" nakangiti nitong wika
"Ano bang ginagawa ni Lucifer at pakalat kalat kayo at hindi mapigilan" tanong ni Dean at nagkibit balikat lamang ito.
"Palagpasin mo ang araw na ito nang walang gulo, at ligtas na makakauwi ang iyong kaibigan" sabi nito at tuluyan nang nag lakad palayo.
Tinignan lamang ito ni Dean habang naglalakad palayo habang nakapamulsa. Nakasuot ito nang white polo na nakatupi hanggang sa braso, pumukaw sa atensyon nito ang kakaibang tattoo nang isang matang kulay lila sa ilalim nang kanang braso nito.
Bigla naman naalala ni Dean si Ulysses, naisip nitong kausapin ang kaibigan ngunit hindi sa ganitong lugar dahil labis na mapahamak.
Habang pabalik si Dean sa loob nang kanilang opisina ay nakasalubong nito si Jema
BINABASA MO ANG
Isaiah: Protector of the Heaven's Gate
Fiksi IlmiahGaWong Story. (Pure Fiction) Si Isaiah ang tagapag tanggol nang Pintuan nang langit, binigyan siya nang isang misyon at kinakailangan niyang bumaba sa lupa upang puksain ang mga naghahasik nang lagim. Kinakailangan niyang palitan ang kaniyang panga...