"Tamang tama, halika na at kumain na tayo, isama mo na yang bisi-" hindi na natuloy nang ama ni Jema ang sinasabi nito dahil sa labis na pagkagulat sa nakita niya
Gayun din ang naging reaksyon ni Dean.
"Ahm, Ama... Okay lang po ba kayo?" tanong ni Jema
"Ah eh, Oo naman. Nagulat lang ako dahil lalaki ang kasama mo" wika nang Ama ni Jema
"Ah, oo nga po pala. Ama, si Dean po, ang aking nobyo. Dean, ito pala ang aking Ama. Si Mang Jesse." pabirong sagot ni Jema, kilala kasi ang matanda sa tawag na Mang Jesse sa kanilang lugar.
Kinakabahan man ay agad na nag abot nang kamay si Dean upang magmano sa matanda
"Kinagagalak ko po kayong makilala, Ma-mang Jesse" wika ni Dean
"Ako rin hijo..." tanging sambit ni Mang Jesse na tila ba puno nang lihim ang bawat salitang sinambit nito
"Osiya, halika at kumain na muna tayo. Nagluto ako nang pochero" ani ni Mang Jesse
"Wow! Tamang tama, specialty yun ni Tatay" wika ni Jema
"Taga saan ka nga ba pala hijo?" basag ni Mang Jesse sa nakabibinging katahimikan habang kumakain sila
"Ah eh, mula pa po sa malayong probinsya, hindi niyo rin po siguro alam kung babanggitin ko" kinakabahang sagot ni Dean
"Bakit hindi mo ako subukan?" mapanghamong tanong ni Mang Jesse na tila ba natutuwang pinaglalaruan ang binata
"Ahh ehh... Sa San Paraiso po, dulo at liblib na bayan mula sa Norte." sagot ni Dean na nagpangisi sa matanda
"Bakit ka naparito? Napaka gulo nang Maynila, kung pakikipag sapalaran lang ang iyong hangad, nako sinasabi ko sa'yo, mahihirapan ka" wika ni Mang Jesse
"Ama, natanggap nga po agad si Dean sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Ganun siya kagaling at katalino" pagbibigay puri ni Jema
"Sa trabaho pala kayo nagkakilala?" wika ni Mang Jesse
"Ahm, hindi po. Sa katunayan nga po niyan, ako po yung bagong nangungupahan sa tabi ninyo" Wika ni Dean na kinagulat nang matanda
"Akalain mo nga naman, napakaliit nang mundong ating ginagalawan" wika ni Mang Jesse at tila ba may nais ipahiwatig
Nang matapos silang kumain ay nagpresenta si Jema na maghugas, naupo naman sa sala si Mang Jesse at Dean.
Nais nang magtanong ni Dean kay Mang Jesse patungkol sa tunay nilang katauhan ngunit nagpipigil lang ito.
Mabilis na natapos si Jema sa paghuhugas kaya naman
"Anak, marami pang natirang puchero, bakit hindi mo muna dalhan si Bei at Tiya Berta mo" wika ni Mang Jesse
"pero Ama" reklamo ni Jema na kalalabas pa lamang nang kusina
"Sige na... At dun ka muna tumambay kina Tiya Berta mo... Mag uusap lang kami nitong nobyo mo" dagdag ni Mang Jesse
"Ama!" reklamong muli ni Jema
"Wag kang mag alala, natitiyak ko sa'yong kayo pa din pagkatapos naming magusap." natatawang sambit ni Mang Jesse
Tutol man ay sinunod na lang ni Jema ang utos nang kaniyang ama at tuluyan nang lumabas nang bahay.
Panay naman ang lingon ni Dean sa may pinto at bintana
"Wag kang mag alala, matalas ang aking pakiramdam. Alam ko kung andyan siya sa paligid o hindi. Alam niya din iyon kaya hindi na siya magbabalak na makiusyoso." wika ni Mang Jesse
"Kamusta po ang sugat na natamo ninyo? Magaling na po ba?" tanong ni Dean sa matanda
"Oo, wag mo na itong abalahin pa" sagot ni Mang Jesse at tumango na lang si Dean
"Yung misyon mo, pinadala ka rito upang puksain ang dilim, tama ba?" dagdag ni Mang Jesse
"Opo, at tama po ang sinabi niyo nung huli nating pagkikita... Ito po ang aking unang pagkakataon na maisabak sa isang misyon dito sa lupa" sagot ni Dean
"Ano ba ang tungkulin mo nung ikaw ay nasa itaas pa?" tanong ni Mang Jesse
"Ahm, hindi ko din po kasi maaaring sabihin" nakayukong sagot ni Dean
"Kunsabagay... Marami ka pang dapat malaman" wika ni Mang Jesse
"Maaari niyo po ba akong matulungan sa aking misyon?" tanong ni Dean sa matanda
"Ni hindi ka nga nagsasabi nang patungkol sa iyo, tapos gusto mong tulungan kita?" wika ni Mang Jesse
"Pasensya na po kayo, kabilin bilinan po kasi ito sa akin" nahihiyang sagot ni Dean
"Biro lang hijo, pinagdaanan ko din naman iyang pinagdadaanan mo" wika ni Mang Jesse
"Kung hihingin mo ang aking tulong ano naman ang ikabubuti nito para sa akin?" tanong ni Mang Jesse na biglang sumeryoso ang mukha
"Rekomendasyon? Na makabalik muli sa langit, kung inyong gugustuhin. Sa inyo na rin po mismo nang galing, dati kayong arkanghel. Malaki ang inyong maitutulong sa pag sugpo nang kadiliman kung sakaling makabalik kayo sa langit at sa serbisyo." alok ni Dean
"Matagal na panahon na kaming naninirahan rito sa lupa... Sa aking palagay ay, kuntento na ako sa kung ano ang aming sitwasyon sa ngayon" wika ni Mang Jesse na kinalungkot ni Dean
"Isa pa, kung hindi mo nalalaman hijo, maraming mga bagay na din ang aking kayang gawin bilang isang nahulog na anghel. Tumatalas ang aming pakiramdam na kahit ang tulad mong taga taas ay nadadama na rin namin ang presensya... Binabalaan kita, dapat mong aralin kung paano kokontrolin ang iyong lakas, dahil may ilang nahulog na anghel na tulad ko ang kaya nang makadama nang presensya niyo. At hindi lahat ay maaaring tanggapin kayo, yung iba sa amin ay maaaring kamuhian kayo, lalo na kung yung mga nadamay lang na katulad ko... Pero wag kang mag alala, wala naman akong galit na nadarama para sa mga taga taas na tulad mo." wika ni Mang Jesse
"Ahm... Si Jema po, isa din po siyang Nahulog na anghel, tama po ba?" tanong ni Dean.
"Oo... Ngunit wala siyang memorya sa aming nakaraan. Nakalimot siya mula nang ihulog kami mula sa langit" wika ni Mang Jesse na tila ba labis ang pagkalungkot na nadarama.
"Kung gayon, isa siyang purong anghel... Ibig sabihin po ba nito ay nararapat siyang... ipakasal sa kapwa niya nahulog na anghel?" labis na kaba ang nadarama ni Dean sa kaniyang mga salitang binitawan
Napatingin naman sa kaniya nang seryoso si Mang Jesse
"Seryoso ka ba talaga sa aking anak? Kaya mo bang kalimutan ang iyong misyon dito sa lupa at maitakwil dahil sa pag ibig mo para sa aking anak? Makakaya mo bang kalimutan ang iyong pinang galingan para lamang sa pag ibig? tanong ni Mang Jesse
Hindi naman agad nakasagot si Dean, labis na bumagabag sa kaniya ang mga naging tanong nang matanda
"Kung hindi mo kaya ang tinanong ko sa'yo, mabuti pa ay ngayon pa lang ay tigilan mo na ang anak ko" wika ni Mang Jesse
"Seryoso po ako kay Jema. Hahamakin ko po ang lahat para sa kaniya" matapang na wika ni Dean
"Isaiah!"
BINABASA MO ANG
Isaiah: Protector of the Heaven's Gate
Science FictionGaWong Story. (Pure Fiction) Si Isaiah ang tagapag tanggol nang Pintuan nang langit, binigyan siya nang isang misyon at kinakailangan niyang bumaba sa lupa upang puksain ang mga naghahasik nang lagim. Kinakailangan niyang palitan ang kaniyang panga...