Chapter 3: sevenortiz_20

90.1K 1.2K 79
                                    

Nagising ako sa isang kwartong hindi ako pamilyar. Kinusot kusot ko ang mata ko para ma-check kung namamalikmata lang ba ako pero hindi talaga ito 'yung kwarto ng condo ko. Different furniture, wallpapers tsaka 'yung bed sheet iba rin sa pagkakaalala ko. Umupo ako at inikot 'yung paningin ko sa buong kuwarto. Tumama 'yung mata ko sa bedside table at nakita ko doon ang isang family picture. 

"Tito Sebastian, Tita Zea and... Seven-" 

"You're awake" Seven entered the room.

"Bakit nandito ako?" Naguguluhang tanong ko.  

"Kasi po hinahanap ko yung susi ng unit mo sa bag mo pero wala. Unang araw mo palang dito nawawala na agad yung mga gamit mo" He said. Pumunta si Seven sa closet niya.

"Ah" Napatango ako. Saan ko na naman kaya naibaba yung susi na 'yon? "Dito ka rin natulog?" Tanong ko kay Seven. Umiling siya. "So walang nangyari sa 'tin?" Tanong ko uli. Nakita kong napangisi si Seven.

"Change your clothes, pupunta ako sa office ng building na 'to para hingan ka ng key," Ibinato ni Seven sa 'kin 'yong damit. Walang nangyari sa'min dahil nakadamit pa rin ako. 

"Bakit walang nangyari sa 'tin?" Tanong ko uli. 

"Kasi ayoko." Napangiwi ako sa sagot ni Seven. "Magbihis ka na at lumabas, may pagkain sa lamesa, kumain ka na rin" Sabi nya saka lumabas. Nag punta ako sa cr at duon ako nag ayos. Ang haggard ko na pala. After no'n ay lumabas nako. 

"Ahh!" Napasigaw at napatalon ako sa gulat nang may lumundang na pusa sa harap ko. Kapit kapit ko ang dibdib ko dahil halos atakihin ako sa puso.

"Meow..." Tinignan ko yung pusa. Color gray sya at may blue eyes, medyo malaki na rin at chubby. Napaatras ako nang may lumapit pa na isang pusa and this time color yellow naman ito. Tumingin ako sa kabilang side ko at may white cat din do'n. WHAT THE  FUCK?! 

"Oh, My God" Hindi naman ako takot sa cat sadyang nagulat lang ako sa dami nila. Lumaki kasi ako na walang pet sa bahay. Not that ayaw nila pero the last time kasi na nagka-pet kami noong bata is kinagat si Trevor sa may bandang face so na-trauma si Dad.

"Hi," I smiled at the cat. 

"Meow" Tumakbo sa 'kin yung white cat at naramdaman kong dinilaan nya yung paa ko. "Meow" 

"What do you want?" Binuhat ko yung white cat "Are you hungry?" 

"Meow..." Sabay sabay silang sumagot. Gutom na sila.

Pumunta ako sa kusina ni Seven at doon ko nakitang may tatlong cat bowl sa floor at sa ibabaw ng sink ay may container na may naka print na cat food. Kumuha ako ng cat food at nilagay sa bowl sa baba. Isa isang kumain ang mga pusa. 

Mahilig pala sa pusa itong si Seven parang alam ko na yung costume ko for the next holloween, ah. Habang kumakain ang mga cats ay pumunta naman ako sa dining dahil may pagkain do'n. It's bacon, egg, tuna and fried rice. Sobrang heavy naman nyang mag breakfast.

Ilang sandali lang ay narinig ko nang bumukas yung door sign na nandyan na siya. Nag start na akong kumain dahil ayokong isipin n'ya na hinintay ko pa s'ya. 

"Here" Nilapag niya sa harap ko yung key.

"Thanks" I smiled at him. Napalingon s'ya sa mga cats na tahimik na kumakain sa isang gilid saka ako tinignan.

"Did you?" He asked. I nodded saka ako sumubo ng rice.

"Malamang alangan namang kusa nilang nilagyan yung plato nila ng pagkain. Ano'ng tingin mo sa mga pusa mo? Immortal?" Pambabara ko.

"Nice mo kausap" Sinamaan niya ko ng tingin. Hindi na 'ko sumagot at nagpatuloy nalang sa pagkain.

"Hindi ka kakain?" Tanong ko nang mapansing umiinom lang siya ng tubig at sumandal sa sink.

Calming the Waves (Galvez Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon