Chapter 4: Sick

83.7K 1.3K 52
                                    

"Wow, kailan kapa natutong mag review?" Tanong ni Ada nang makita ako na nag review sa isang gilid. May one hour break kami sa  sixteen hour class namin at ginugugol ko 'yon sa pagbabasa at sa pagbabakasakaling may matatandaan ako pero thirty minutes na'ko sa Clinical Parasitology at first sentence palang nito ang nababasa ko at paulit ulit na ako do'n ay wala paring pumapasok sa utak ko. Thirty minutes din ng buhay ko ang nasayang. 

"'Di ko na kaya!" Binato ko ang libro sa sahig. Suko na'ko! "Bagsak kung bagsak, bahala na si Lord, ire-retake ko nalang 'to" Ayoko mang sumuko ngunit napaka hirap talaga.

"Kumain ka nalang, girl, para mabusog naman yung utak mo," sabi ni Ada at binigyan ako ng styro na may lamang pagkain. Tinignan ko muna ito bago kainin. Sana pala yung thirty minutes na 'yon nag ml nalang ako e'di sana sumaya pa 'ko.

"Napapagod na 'ko" Matamlay ako habang kinakain ko 'yung lunch na binigay ni Ada.

"Hanggang kailan mo ba kasi pag titiisan 'tong program na'to?" Tanong ni Ada at binigyan akong tubig. "Alam mo una palang hindi ako naniniwalang bobo ka dahil tangina matataas ka sa minor may flat uno ka pa nga sa ibang minor subject natin e pero pagdating sa major, doon ka lang lumilihis kaya napaka imposibleng bobo ka at wala sa pamilya n'yo ang bobo" 

"'Yon na nga, wala sa pamilya namin ang bobo kaya baka ampon ako" Malungkot ako habang kumakain.

"Ampon ang pota, kamukha mo nga Mommy mo, e" sabi no'ng isa kong kaklase na si Brix. "Alam mo ba 'yung Mommy mo at Daddy ko magkaklase dati? Crush nga daw ng Daddy ko 'yung Mommy mo e kasi sobrang ganda ng Mommy mo at halos lahat daw sa U.P e may gusto sa Mommy mo dahil maganda na matalino pa" 

"Ano namang kinalaman ng kwento mo sa pinag uusapan namin?" Masungit na tanong ni Ada kay Brix.

"Wala lang, share ko lang pero ikaw Thalia buti nalang maganda ka" sabi pa ni Brix bago naglakad paalis. Umirap ako at ngumuso saka humarap kay Ada.

"Ada, ano satingin mo? Mag bigti nalang ako?" Walang buhay kong saad.

"Gaga, ang gawin mo nalang dapat lagnatin ka sa araw ng exam para kung bumagsak ka man that day e  may dahilan ka, sabihin mo sa Mommy mo may lagnat ka nung nag exam ka para kung bumagsak ka man, maiintindihan n'ya" Medyo napaisip ako sa sinabi ni Ada. Pag nagkakasakit kami sobrang worry ni Mom at Dad 'yung ultimo naka higa lang kami mag hapon at hindi gumagalaw. Not a bad idea though.

Mag seven pm na nang makauwi ako sa bahay. Nakatingin ako sa labas ng pinto ni Seven at pinagmamasdan ko ito. Nandyan kaya s'ya? O umalis s'ya? Ano kayang ganap ng lalaking 'yon ngayon? Kinuha ko 'yung cellphone ko at nag chat ako kay Seven.

itsthaliagalvez: Asan ka? Nandito ako sa labas ng pinto mo

Pag ka send ko no'n ay ilang minuto lang at bumukas 'yung pinto n'ya. Bumungad sa'kin ang topless n'yang katawan, may hawak pa s'yang pusa at seryosong nakatingin sa'kin. Pawis na pawis s'ya at parang kakagaling ng practice.

"Hi" Ngumiti ako at kumaway

"Anong kailangan mo?" Tanong n'ya agad. Hindi ako sumagot at tuloy tuloy na pumasok sa unit nya "Hoy! Sa'yo ba 'to?" 

"Na stress ako," Humiga ako sa sofa n'ya na agad ding tumalon sa'kin 'yung white cat. Niyakap ko ito at hinagod ang ulo. "Ano'ng pangalan na 'to?" Tanong ko kay Seven habang nilalaro 'yung pusa nya.

"Sasha" Napangiwi ako sa sagot ni Seven. Tunog Tasha.

"E 'yang hawak mo?" Tanong ko.

"Ash" simpleng sagot niya saka umupo sa single sofa sa harap ko.

"Eh, 'yung yellow?" Tanong ko uli

"Shin" sagot n'ya. Papanget naman ng mga name.

"Okay from now on ang pangalan mo na ay Sassy" Umupo ako at tinaas 'yung white cat na hawak ko. "Sassy" Kiniss ko pa yung ulo ng pusa. Ang cute kasi na'to, siya 'yung pinaka cute sa tatlo.

Calming the Waves (Galvez Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon