Chapter 36: Flirt

90K 1.3K 191
                                    

Hindi ko na alam kung paano ako nakauwi that night pero after naman no'n ay parang walang nangyari. I haven't seen him for the past three days na rin since may PBA all star pala at kasali siya. He texted me pero hindi ako nag rereply dahil wala naman akong load. May wifi sa condo ko so it's not worth it kung mag load pa ako.

"Architect, gusto mo kwentuhan kita about kay Engineer Ezekiel?" Tanong ni Eunice. Lunch break namin at niyaya nila akong kumain sa fastfood sa tapat.

"'Wag mo ng itanong, i-kwento mo na agad" si Trina.

"So eto nga, alam mo ba, Architect, na unang pasok ko rito sa company, hindi pa siya ganito kalaki. Isang floor lang ang mayroon si Engineer pero dahil sa determination, hard work at fighting spirit ni Engineer, lumaki nang lumaki ang corporation.

"Ma4aming nag invest, nag pagawa na malalaking tao, at sobrang daming nagtiwala sakanya. Three years pa lang naman ako dito pero I must say na nakita ko lahat kung paano mag-isang tinayo ni Engineer 'to. From rugs to richest talaga. Hindi dahil isa siyang Ortiz kun'di dahil siya si Ezekiel Severian."

Napangiti ako sa sinabi ni Eunice. I remember myself. Parang ako lang... I'm so proud of him. Kailangan lang palang mawala ako para... para makamit niya lahat ng pangarap niya. Ako pala talaga ang anay sa buhay ni Seven.

"Ako naman four years na rito. Matagal na rin, kaya nga ang taas ng position ko, e. Pumasok ako kay Engineer na isang OJT lang, ilang beses akong nag fail ng board exam pero hindi ako sinukuan ni Engineer hanggang sa nakapasa ko at hinire niya 'ko. Kaya sobrang laki nang utang na loob ko kay Engineer Ezekiel kasi kundi dahil sakanya hindi ko mabibilan ng bahay 'yung pamilya ko at hindi ako makakabili ng sarili kong bahay din" Si Antony.

Hindi ko alam pero ang sarap sarap marinig iyon mula sakanila. Seven helped them. Maraming natulungan si Seven. Sobrang saya... Sa sobrang saya hindi ko mapigilang maluha. Seven really did a great job. Hindi niya sinayang ang buhay niya.

"Si Architect Kris ang unang Archi ni Engineer pero noong dumating kasi si Veronica two years ago ay binully nito si Architect Kris kaya umalis nalang si Architect. Grabe kasi ang pananabutahe ni Veronica. Nagseselos ata dahil mas binibigyan ng atension ni Engineer Ezekiel si Architect Kris kaysa sakanya na baguhan palang" Sabi ni Trina.

"Magaling kasi si Architect Kris, akala nga namin noon ay jowa niya si Engineer Ezekiel e pero turns out na may asawa pala si Architect Kris at may anak na si Engineer sa iba" Sabi naman ni Anthony.

"How about Veronica? Bakit ganon siya kay Seven- I mean Engineer Seven? May something ba sakanila?" I asked out of curiousity.

"Wala, illusionada lang si Veron, obssesed 'yon kay Engineer, e. Una talaga akala namin, fling sila pero hindi e, nilinaw ni Engineer sa amin na hindi siya pwede magkagusto sa mga empleyado niya at isa pa may asawa nga si Engineer, may anak pa nga, e" Sagot naman ni Eunice.

"How can you be so sure na It's Seven's child? I mean, kamukha ba niya?" I asked them and then I drink my soda. Nagkatinginan sila.

"Bakit? May alam ka ba, Architect?" Tanong ni Eunice.

"Sino ka ba kasi sa buhay ni Engineer, Architect? Sobrang na curious na talaga kami" Si Trina.

"Okay lang naman kahit 'wag kang mag kwento pero kahit slight lang kasi mamatay na talaga kami sa curiousity" Si Sofia.

Natawa ako sakanila saka umiling. They're so good to me, I treat them like my friends din naman and siguro sabihin ko na sakanila, hindi na rin naman bigdeal e

"Engineer Seven and I... have past... relationship" I bit my lips. Kitang kita ko ang pag awang ng labi nila at maya maya pa ay mga tumili. Nagtinginan tuloy ang ibang costumer saamin. "Tahimik!" Pigil ko sakanila.

Calming the Waves (Galvez Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon