"This is blank... They lack a cell wall but instead are covered by a protein-rich layer called the pellicle. Like animal cells, blank... are heterotrophic and feed on carbon-rich material found in water and other unicellular organisms."
Nagkapikit lang ako ngayon habang nakatingin sa blankong papel ko. It was a surprise quiz at halos malusaw na yung utak ko sa sobrang piga pero wala padin akong maisagot. Ada's looking at the other side at blanko din ang papel.
"Who got the perfect score?" Our Professor asked. Tumingin ako sa mga classmate ko and no one stood up. Mga namumutla dahil wala talagang nag expect samin. This Professor is absent for the following days tapos nung nagpakita ay biglang surprise. Parang tanga!
"Naka zero ako" Malungkot na sabi ni Ada.
"Hindi ka nagiisa" Umakbay ako sakanya. "Bestfriend talaga tayo"
"Bakit hindi pumasok si Cairo? Akala ko ba papakopyahin tayo non?" Inis na sabi ni Ada. Nagkibit balikat lang ako. Hindi ko din alam kung bakit absent ang ipis na yon.
Nang matapos ang maghapon na klase ay umuwi na ko agad dahil long weekend ngayon. May forum yung department namin kaya walang pasok tomorrow at nag paplan akong mag paint ng madami. I need to paint dahil malapit na ang birthday ko and my plan is to paint every year of my life.
I'm turning twenty next month kasabay ng kasal ni Ate Autumn. Yung kasal kasi ni Ate is mabilisang preparation lang since Ate is pregnant. Ayaw daw ni ate na ikasal siya na malaki na ang baby bump niya.
"How's your day?" Naramdaman kong may yumakap mula sa likuran ko. Ibinaba ko ang bag ko sa sofa at humarap kay Seven at niyakap siya.
"Naka zero ako sa quiz" I pouted. He smiled at me.
"Let's study next time" Hinalikan niya ko sa pisngi. "Tell me everything about your course so I can help you" He kissed my lips. "Kapag nahihirapan ka, saakin ka lalapit" He kissed the tip of my nose.
Nakangiti ako habang tumatango lang sakanya.
"I don't know anything about medicine but I can help you." He kissed my forehead. "Sabihin mo lang pag aaralan ko" Hinalikan niya ako sa bawat sulok ng muka ko. Hindi ko alam kung napansin niya bang namumula ako dahil sa kilig but I don't care.
"Thank you, Seven" I smiled and gave him a soft kiss.
Hindi ko alam kung gawain paba ng no strings sttached relationship yung mga ginagawa namin but hell I care now. Ganitong set up yung gusto ko. Mas masaya ako sa ganito pero minsan hindi ko maiwasang parang may kulang.
"Sometimes I wonder what's wrong with us, sweet kami sa isa't isa. We kiss each other, we hug, we sleep on the same bed pero..."
"May kulang?" Pag tutuloy ni Ada. "Kulang ng label"
"Kailangan ba talaga non?" Ngumiwi ako. Masaya naman ako e, muka namang masaya din siya sa kung anong meron kami. Does label really matter?
Handa ba ako kung sakali? Si Seven ba? Hindi ko nga alam kung parehas ba kami ng nararamdaman e. Malay ko ba kung ako lang yung nakakaramdam nato. What if he doesn't feel the same way? What if he doesn't like me? Knowing Seven, hindi siya mahilig sa bata.
What if he only see me as a girl who can fulfill his sensual desire pero hindi ang babaeng pang matagalan. Hindi ang babaeng ipapakilala sa lahat at maipag mamalaki? I know I'm a failure that's why I'm afraid.
Hindi kami pwede.
"Thalia, what do you want for your birthday?" Dad asked. Nandito ko sa Mansion para mag sukat ng dalawang gown. Dalawang wedding kasi ang paparating sa pamilya.
BINABASA MO ANG
Calming the Waves (Galvez Series #3)
RomansaGalvez series #3 (Completed) Seven Ortiz is a rich basketball player who strongly believes in being faithful and loyal to one's lover. He has fallen in love with someone who doesn't reciprocate his feelings. Despite the heartache, Seven doesn't give...